Part 5

83 2 0
                                    

Kinabukasan ay pinuntahan ko si Albie sa kanilang bahay at kami ay nag-usap. Doon ay sinabi niya sa akin ang buong katotohanan. Humingi siya ng tawad at sinabing hindi niya sinasadyang saktan ako at magmahal ng iba. Parehong galit at kalungkutan ang aking nadama sa mga oras na iyon. Napaisip ako kung ano ba ang dapat kung gawin. Mahal ko si Albie at hindi ko kayang mawala siya sa akin. Handa akong patawarin siya at magsimula muli. Subalit nabigla ako nang sabihin niya na hindi na namin maaayos ang aming relasyon. Ayon sa kanya, nahihirapan na siyang ipagpatuloy ang anunmang mayroon kami dahil sa distansiya at kawalan ng oras naming isa't-isa. Hindi ko nakayanan ang sakit na nagmula sa kanyang mga sinabi. Tuluyan nang pinutol ni Albie ang limang taon naming pinagsamahan. Minabutiko nang umalis agad sa kanilang bahay. Dumiresto ako sa playground at doon ko piniling mapag-isa. Sa paghihiwalay naming iyon hindi lang ang tiwala ko sa kanyang ang nawala kundi pati ang aming pagakaibigan. Ang magmahal sa unang pagkakataon ay isang di malilimutang karanasan. Ito ang unang beses na ipagkatiwala mo ang iyong puso sa iba at umaasang puro kaligayahan ang madarama.Ngunit minsan, may mga pagkakataong maaaring mahulog ang iyong puso sa maping tao at maiiwan ka na lamang mag-isang nasasaktan at lumaban.

-Kath

Become a Fan|Vote|Comment

Chixx si Author! XD Hehehehe.

IKAW PALA (Kathniel Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon