Chapter 6

15 2 1
                                    

Backbone

My head is spinning with all the numbers and formulas I forcefully put into it. I massaged my temples as I glared at my notes. Tinuro ba talaga 'to? Di ko maalala!

I'm smart. Di naman siguro ako mapapabilang sa honors class kung hindi. It's just that, Math is not my friend. Calculus pa kaya?

Padabog kong sinara ang aking notebook. This is hopeless. The exam's in two weeks, right before our Christmas party. May long quiz naman bukas.

Tears pooled in my eyes. OA man pakinggan pero ganito talaga ako kapag Math na ang pinag-uusapan. Talagang naiiyak ako. Pwede bang chem na lang?

I wiped my tears with the back of my hand. "Gagang 'to, naiiyak sa math," I scolded myself and chuckled.

Kinuha ko ang phone kong nakalapag sa tabi ng mga notebook ko. Binuksan ko ang front-cam at nanalamin dito.

Namaga agad ang mga mata ko sa konting luhang linandas ko. You can imagine how they'd be kung humagulhol ako sa iyak. Di ko alam kung may siyentipikong paliwanag ang pagiging reactive ng mga mata ko o ano.

Biglang tumunog ang cellphone ko. Basty's picture is on screen. Sinagot ko ang tawag.

"Best!" pambungad niya.

"Ano?" medyo tamad kong sagot. Napagod kaya ako sa pag-aaral ng Math. Nakakapagod umintindi.

"Cine tayo bukas. After dismissal. May bagong movie," yaya niya sa akin.

"I can't," tanggi ko naman. "Malapit na kaya exams. Magstudy ka na rin kaya!"

"Oh, right. I forgot," tumawa siya. Idiot.

"What about after the last day of the exams? Half-day naman din tayo niyan. I have to buy gifts too," I suggested.

"Sige, sige. I'll do the same, then."

"Okay. Sige, bye."

"Wait!" Bigla niyang untag.

"Ano?"

"Can I come over?"

"No. I'm busy," sagot ko.

"Please? I need you to work your chemistry prowess on me. Nahihilo na ako katititig sa periodic table dito."

"Okay, fine. Bring food!"

I ended the call. Binalikan ko ang aking math notes at muling nagtangkang paamuhin ang derivatives.

Basty arrived twenty minutes later. Namataan ko siya sa labas ng gate na may dala-dalang isang grocery bag na puno ng junk foods at chocolates. Bitbit niya rin ang isang notebook at ang makapal naming Chemistry book. Agad ko naman siyang pinagbuksan ng gate.

Pumasok ito agad at walang-hiyang dumiretso sa loob ng bahay habang sinasara ko ang gate.

"Hi, tita! Ang ganda niyo po ngayon," I heard him say. Natawa naman si Mommy.

"Bolero!"

Napasapo ako sa noo ko. Shameless bastard.

I marched inside and dragged Sebastian to my room. "What do you want me to teach you?"

Hinagis nito ang mga pagkain sa maliit na couch at agad sumalampak sa kama ko. "Balancing lang."

SenselessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon