(Hello everyone, I am really sorry that I haven't updated for awhile now. I've been so busy in school and in my extra non-academic activities. But here is an update. Hope you like it.)
Zsarinie's POV
10: 30 AM
To: Dani, Mica, D ++
I can't believe it!
Omw to Cebu. See you soon..
:))) <3
Sent.
"Mom! Baka mahuli po ako sa flight! Bilisan mo na kasi magbihis diyan!"
Kakainis kasi si mom eh, nagpapaganda pa, kasi raw may date sila mamaya ni dad. Kaya ayun, ang tagaaaaaaaaal niya!
Alam ko naman hindi ako mahuhuli eh. Ang lapit lang kaya. Pinabilis ko lang siya baka over na yung make up niya.
"Coming!" tapos nakita ko na siya pababa.
"Let's go anak?" sabi niya tapos ngumiti sakin.
Tapos lumabas na kami sa bahay. Nilagay ko na yung bag ko sa likod ng kotse habang pinaandar na ito ni mom. "Get in the car already, baka malate ka sa flight mo." sabi ni mom.
"Halata naman excited siya ehh." pabulong kong sabi. "Oy Rene, narinig ko yun haa!"
Sabi ko nga eh, kaya pumasok na ako sa loob. Para talagang bata si mom. Hahaha..
Ilang kanto lang dito yung airport kaya nakarating agad kami.
Bumaba na ako at kinuha ko yung bag ko.
"Mom alis na ako." "Sige anak, ingat ka ha? Tawagan mo ako kapag may kailangan ka. Tapos may hinire na akong bodyguard at driver sayo doon sa Cebu. I love you anak, see you soon." tapos nilapitan ako ni mom at yumakap sakin.
"I love you mom, see you soon too." hinalikan ko si mom at tumingin sa kanya at umalis na ako sa pagkakayakap namin at pumasok na sa loob ng airport.
after 6 hours...
"Nakarating na rin ako sa wakas! Makikita na kita mamaya.." Sabi ko.
Naglakad ako palabas ng Mactan International Airport at may hinire talaga si mom, may nakita kasi akong illustration board na may pangalan ko.
Lumapit rin ako and I gave him a warm smile.
"Hi, Im Zsarinie Tan, ikaw ba yung hinire ni Mrs. Zoey Tan?" tanong ko, "O-opo m-mam." sagot niya. Bigla siyang tumingin sa likuran niya, "Gwapaha ba ani oy." pabulong niyang sabi. "Um, excuse me sir, what did you say?" tumingin siya sakin na parang nabibigla, "A-ahh, wala po mam, sabi ko po tara na po." aya niya sakin, kaya tumango nalang ako.
(Translation: Ang ganda niya talaga.)
Kinuha na ni kuya yung bag ko at sinundan ko siya papunta sa kotse na naghihintay na nasa likuran lang niya.
I think Cebu is a wonderful place. Sana makapunta ako sa iba't ibang lugar dito.
Pagkatapos niya nilagay yung bag ko sa trunk ng kotse, he opened the door for me at the back. "Thank you." and I went inside and closed the door. By the time that we are all inside, "Manong sa Imperial Palace daw yung hotel na pagtutuluyan ko." "Sige po mam." then he started the engine.
Makikita na rin kita sa wakas..
D..
.........................................
-TO BE CONTINUED-
