5

11 2 2
                                    

(Hey guys! It's been awhile again that I haven't done an update. Same reason but, I already wrote this draft on my paper, I just need to type and publish this part as in RIGHT NOW! So here it is. Hope you like it.)

Zsarinie

"So yun na nga, nakakapagod kaya maglibot na wala akong kasama. Walang kasama mag-shopping at iba pa. Punta ka nalang kasi dito. Ba't ang layo-layo ng bahay mo dito sa hotel ko ha?" kausap ko kasi yung kaibigan ko na nakatira sa Cebu, si Andy Castillo.

Kasi naman, ayaw niya akong puntahan dito sa hotel na pinagtutuluyan ko. Sabi niya ang layo daw. San ba matatagpuan ang Mabolo? Mabolo ba yon? Ayy basta! Ang lapit lang kaya ng Mactan at Mabolo diba? Diba? Sagutin niyo naman ako oh??

"Hoy girl! Sabi ko sayo magsearch ka diyan sa google kung gaano talaga kalayo ang Mabolo sa Mactan. Nananaginip ka nanaman eh." yan si Andy.

Sige na nga! "Okay fine! I give up. I'll go to google and search about how far Mabolo and Mactan." Sabi ko sa kanya.

Kaya ayun, wala na akong nagawa at nagresearch talaga ako.

After a minute..

Okay. Sige. Tama nga siya.

"Oo na! Ang layo nga," sabi ko.

"Sabi ko sayo ehh.. Ang kulit mo kasi," sige na, ako na talaga ang makulit.

"Pero may idea ako friend!" Huh? "Ano nanaman yan ha?" Sabi ko habang naglalagay ng lipgloss.

"Magkita nalang tayo? Sa SM Cebu? Gusto mo?" Biglang lumaki yung mata ko..

Ang galing!! May ksama na akong gagala ngayon!

"Salamat naman! For heaven's sake, you already asked me out! At himala talaga! Sabi mo lang sakin kanina na ayaw mo akong makita pero ngayon gagala tayo? Galing!" Pag-iinis ko. Pero masaya talaga ako.

"Ay sige, wg nalang," pagbago nia ng desiysyon, "Hoy girl! Wala namang ganyanan.. Sorry na... Hahaha.. Binibro lang naman kita eh. Sige na magbihis kana papunta na ako. Bilisan mo ha? Bye. Text ko nalang sayo saan tayo magkikita." Sabi ko ng walang putol kasi alam ko naman na maraming satsat ito kapag iniinis.

Nakapagbihis naman ako, hindi halatang kanina pa talaga ako handa.

Tinawagan ko yung driver at bodyguard na hinire ni mommy para sakin.

Tok tok.

"Ma'am, nandito na po ang sasakyan." Sabi ni Mang Tupe.

Siyempre alam ko na yung mga pangalan nila. Driver ko kaya siya.

"Sige lalabas na ako."

Kinuha ko na yung bag at phone ko at lumabas na sa kwarto.

After 30 mins.

Hayy sa wakas, nakarating na rin sa SM.

And by the way, nasa Forever 21 ako ngayon.

Sinabi ko kasi kay Andy na sa Starbucks kami magkikita 3:00 PM. Pero 2:00 pa lang kaya tumitingin ako dito sa mga shops.

Beep..

2:01 PM

From: D
Nakikita kita dito Z. Kailan kapa dumating? Btw, ang ganda mo ngayon.

Si D.

Nasaan kaya siya? Ba't niya ako nakikita?

2:02 PM

To: D
San kaba? Magkita tayo please? Gusto na talaga kita makita ngayon. Ang unfair naman kasi. Nakikita mo ako tapos ako hindi.

Sent.

Parang may na feel ako na may paparating sa likod ko, pero hindi siya lumapit sa akin.

Beep.

2:03 PM

From: D
Tumingin ka sa likod mo. :)

H-ha? Siya yun nasa likod ko?

Lumingon naman ako at....

NGANGA.







"Ikaw si D?"

••••••••••••••••••••••••••••••••
Follow me on:
Instagram: xxjanmxx (Janieeeee)
Add me on:
👻: xxjanmxx

TextmateWhere stories live. Discover now