"Hoy Ardyne!"
"Ay! Puso ng pusa!" sino ba naman yon! Muntik na kong atakihin sa puso sa puso sa sobrang gulat.
"Ano nanamang ginagawa mo dyan?!" tanong ng maldita kong bestfriend. :((((
"Ano ka ba naman Myx! Wag ka ngang maingay dyan. Baka mahuli ako eh." sabi ko sakanya habang nakaakyat ako sa pader at may sinisilip.
"Si Zach nanaman ba?"
"Ssh! Quiet sabi eh. Baka mahuli ako bes!" sigaw ko sakanya.
"Hay nako Ardyne! Hanggang kailan ka ba aakyat ng aakyat sa pader na yan para lang makita yung lalaking yun? Bumaba ka nga dyan! Pag hindi ka bumaba ay sasabihin ko kay Zach na crush mo sya at lagi mo syang sinisilip dyan habang nagbabasketball!" at umakto sya na aalis na. Nakaakyat kasi ako sa pader ng gym ng shool namin.
"Myx, bumalik ka na dito! Luma na yang diskarte mo! Narinig ko na yan noh! Alam ko namang hindi ka aalis dito diba? Hindi mo ko iiwan at hindi mo sasabihin kay Zach na----"
"Na ano?"
Biglang may pamilyar na boses na nagsalita, hindi si Myx dahil boses lalaki ang nagsalita. Pamilyar talaga yung boses eh! Hindi ko pa nakikita dahil hindi naman ako lumilingon. Wait.. Uh.. OMG! Wag mong sabihin na si--- Uwaaaa! I'm dead! >_____< Unti unti kong nilingon ang ulo ko upang makita kung sino ang nagsalita.
"Ano ba ang ayaw mong pasabi sakin miss?"
OH MY GOD! !#$%^&(&^!% Hindi ko alam magiging reaksyon ko! I'm shaking. Ang sa sobrang katangahan ko...
"Ah eh, wala wala yun! *habang kinakaway ko ang mga kamay ko sign of wala*"
nakalimutan ko na nakaakyat nga pala ako sa pader, when suddenly....
"Teka miss! Kumapit ka!"
*BLAAAAAAG!*
Author's note: comment naman kayo kung itutuloy ko pa ito! Thanks xoxo. ♥