Chapter Four

33 3 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso ako sa kwarto at binaba ko yung bag ko, nagbihis muna ako at pumunta ng kusina para kumuha ng pagkain. Pag harap ko sa ref,

"juice or coke? Coke or juice? Milk nalang!"

tapos pumunta ako sa mga cabinet, then kinuha ko yung loaf bread tapos namili ng spread,

"Mayo, Chicken Spread, Ham Spread or Cheese Spread? Or catsup nalang kayo? Pero di naman masarap yun  eh.  Choco Spread nalang!"

"Baaaaah!!"

"Ay kalabasa mong panot!" muntik ko nang mailaglag yung bottle ng Nutella sa gulat ko.

"Ano ka ba naman dad! Bakit mo naman ako ginulat?"

"Namiss ko lang ang baby girl ko." sabay hug sakin.

"Dad naman eh. Akyat na po ako sa taas, may kailangan pa po akong gawin. Bye dad! :)"

Then after nun umakyat na ko ulit sa kwarto ko, nagpalaman muna ako sa loaf bread at naalala ko nga pala na may pinapabasa sakin si Myx kaya kinuha ko sa bulsa ng uniform ko yung papel na binigay nya sakin at binuksan yon..

10 ways para maging kayo ng crush mo.

1. Magpapansin ka sakanya. Be sure na makukuha mo ang attention nya.

2. Gumawa ka ng bagay na magiging dahilan upang maturn-on sya sayo, as much as possible yung hindi mawawala sa isip nya yung ginawa mo.

3. Kaibiganin mo sya. Get to know each other well.

4. Kailangan kunin nya ang number mo.

5. Dapat mas better ka sa mga girls na may crush din sakanya.

6. Let him ask you on a date.

7. Make that date a memorable one! Yung hinding hindi nya malilimutan.

8. Make him court you.

9. Make him fall inlove with you.

10. And last, say YES.

If you fail to do the rule #10, well, you are stupid.

Yan yung nakalagay sa papel, mukhang gusto akong tulungan ng bestfriend ko. Kaya lang paano ko 'to sisimulan? Tawagan ko nalang kaya si Myx? Oo tatawagan ko nalang sya. Kinuha ko yung cellphone ko at nagdial pero biglang bumukas yung tv, natakot ako kaya napasigaw ako,

"WAAAAAAAH!!"

then biglang lumabas si Sadako sa tv at yun tapos na ang story.

Pero joke lang, kasi remote pala ang nakuha ko at hindi yung phone ko kaya bumukas yung tv ang tanga ko talaga. -____- kinuha ko na phone ko at nagdial

Calling...

Bes Myx

0917*******

"Hello bes? Ha? Ano? Busy ka? Ah ganun ba? Sige bukas na nga lang. Ingat bes. Okay bye."

Obviously, hindi sya pwede dahil may ginagawa sya. So what to do now? Wala akong magawa kaya nag-open nalang ako ng facebook at nagpunta sa profile nino pa ba? Edi ni Zach. So ayun nga, Zach Aguilar mga 2 days na yung last post nya. I-poke ko kaya sya? Hmm.

Rule #1: Magpapansin ka sakanya, make sure na makukuha mo yung attention nya.

So yun, napagdesisyunan kong gawin ang way #1.

"Poke Zach Aguilar" okay, click!

Then nagsurf lang ako ng nagsurf sa net hanggang sa gabi na pala hindi ko namalayan nakatulog na ko.

CrushTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon