Nagising ako, medyo blurred yung paningin ko. wait, nasaan ba ko? -___- Nasa heaven na ba ko? Charot. Asan ba kasi ako? Bumangon ako ang nabigla ako, I felt na masakit yung bandang likod ko kaya napa-aray ako.
"Oh miss, gising ka na pala?" sabi nung isang babae sakin.
"Ah, mukha po ba kong tulog pa?"
biglang naging masama yung tingin sakin nung babae, kaya naman natakot ako.
"Ah eh, a-ang ibig ko pong sabihin eh o-oo. Hehehehe. Peace po tayo! ^___^v" sabay nagpeace sign ako. "Bakit po ba napadpad ako dito sa.. Wait, ano ba 'to? Horror house?"
"Horror house?" tanong nya sakin.
"Opo, mukha po kasi kayong multo,"
Naging masama nanaman ang tingin nya sakin.
"Eh, hehehehehehehe. Joke lang po. Mahilig lang po ako magbiro! Di naman ho kayo mabigro! ^____^" sabay hampas ko sa braso nya yung parang close kami.
Medyo napalakas ata kaya naging masama lalo ang tingin nya sakin.
"Eng-eng ka ba miss? Hindi ito horror house, nasa clinic ka! Dinala ka dito ng isang lalaking maputi, matangkad at gwapo. Nahulog ka daw kasi mula sa pader na pinag-akyatan mo. Pero umalis na sya dahil may klase pa daw sya." sabi nung babae
Ah, nahulog lang pala eh. Akala ko naman kung ano--- OMG! Wait!!!! O.o
"AKO?! NAHULOG?!" gulat na gulat kong tanong.
"May iba pa ba kong kausap dito? Eh sigura ikaw nga!" aba teka, binabawian ako neto ah. -____-
"OMG! Nakakahiyaaaaaaaa. Nakita nya kong nahulog. Uwaaaa. -___- Pero okay lang nabuhat naman nya ko. :">" sigaw ko sa clinic habang tumatalon sa kama
bumulong yung babae, "May pagkasa-malandi din itong batang ito."
Aba! "May sinasabi ho kayo?" tanong ko naman.