Chapter 1 - Ashira Annika Andalio
Buong buhay ko sa isang tao lang umiikot ang mundo ko, Daye Henry Samonte .. bata pa lang kami nakakasama ko na siya at ang pamilya niya, Matalik na magkaibigan ang mga magulang namin, kaya di nakakapagtaka na kung nasaan sila nandun din kami. Masaya ako kapag nakikita siya, pero siya hindi, tuwing nasa paligid ako mabilis uminit ang ulo niya, pero wala lang iyon sa akin. Iniisip ko moody lang talaga siyang bata. Yun kasi sabi ng mommy niya.
Tuwing nasa bahay nila kami nila mama at papa, niyayaya ko siyang maglaro, pero siya kinukulong lang ang sarili sa kwarto niya at itataboy ako, kaya I end up playing with his older brother. Luke Dane Samonte.
*7 years old Annika*
"Mama, pupunta ba tayo kila Tita Diane?" tanong ko kay mama, kagagaling ko lang school at kanina lamang nakita si Henry pero gusto ko na ulit siyang makita agad.
Ngumiti sa akin si mama at hinalikan ako sa noo, "Oo baby, hihintayin lang natin si Daddy mo kaya you should change your clothes na, okay?"
Ngumiti naman ako kay mama at tumakbo na agad sa room ko, mabilis lang akong nagpalit ng damit, pinili ko yung pink na dress na binili ni mama nung nag mall kami. Gusto ko kasing mapansin ako ni Henry baka pag nakita niyang maganda yung damit ko ay di na niya ako sungitan pa.
Di rin nagtagal ay dumating na si daddy, kaya agad kaming nakarating sa bahay ng mga Samonte, only daughter lang ako, kaya minsan sinasabi ng mga kaklase ko ay masama daw ugali ko, pinipili ko lang daw ang mga kinakausap at kakaibiganin ko, dahil spoiled brat daw ako. Well wala naman akong care sa sinasabi nila sa akin, inggit lang sila. Dahil na sa akin na halos lahat, maganda, matalino, mayaman at madami pa at bakit ako makikipagkaibigan pa sa iba? Andyan naman si Henry at si Luke, masaya na ko sa kanila.
"Oh Almira, I'm glad you came." bungad ni Tita Diane kay mama, agad niyang hinagkan si mama sa pisngi at ganun din kay daddy, katulad ng ginawa ni Tita Diane ay bumeso din si Tito Lance kay mama at nakipagkamayan naman kay daddy.
Habang busy sila sa pakikipagkamustahan ay hinanap naman ng mata ko si Henry at kagaya ng dati, di na naman niya kami sinalibong, ganun talaga siya hindi niya kami sinasalubong pag bibisita kami sa bahay nila. Panay ang mag-asawang Samonte at si Luke lang. Si Luke ay nakatatandang kapatid ni Henry isang taon lang naman ang agwat nila, samantalang magkasing edad kami ni Henry.
Lumapit ako kay Luke na nakatayo sa tabi ng mommy niya.
"Luke where's Henry?" tanong ko dito.
"Upstairs in his room." walang gana nitong sagot.
Kaya naman lumapit ako kay Tita Diane. "Tita can I go upstairs? I want to play with Henry?" tanong ko dito. Ngumiti naman sa akin si Tita, sabi ni mama gustong-gusto daw ako ni tita diane dahil wala daw itong anak na babae. kaya naman lagi itong mabait sa akin ganun din si tito lance.
"Sure Annika, call Henry na rin, tell him we're going to have our dinner."
Ngumiti ulit ako at agad ng naglakad papuntang hagdan, nang mapansin kong nakatingin sa akin si Luke.
"What?" I ask him
Nagkibit-balikat lamang ito, kaya di ko na pinansin. Dahil matagal-tagal na din akong nandito ay alam ko na ang kwarto ng bawat isa sa kanila. Nang makarating ako sa tapat ng pinto ni Henry ay di ko na inisip pang kumatok agad ko itong binuksan, bumungad sa akin ang nakasandal sa head board ng kama niyang si Henry, seryoso itong naglalaro sa tablet niya.
BINABASA MO ANG
That Girl
Non-FictionYou know THAT GIRL? that always chase after you? that always forgave you? that always loved you? that always took you back? pretty soon she'll give up and find someone better. -- Unknown