Chapter 3 - The Prom Night
Mga 4:30PM nang maligo ako, maaga kasing dumating yung mga make up artist na binayaran ni mama para mag-ayos sa akin, nang matapos akong maligo ay robe muna ang sinuot ko, yung gown ko nasa kama ko, buti na lang talaga at nakaabot pa kami ni Luke kahapon sa boutique, kung hindi niya pa ako sinamahan malamang ay wala na kong maabutan, I swear isisisi ko kay Henry ang lahat kung sakali.
Speaking of Henry, napatawad ko na siya sa pandiditched niya sa akin, kahit hindi pa siya nagsosorry. Pumayag naman kasi siya sa nirequest ko, na ang gagamitin niyang tie ay dapat kakulay ng gown ko at alam ko naman na kung sakaling sinabi ko sa kanya kung nasaan ako kahapon ay pupuntahan niya ko, kaya lang ay nainis lang talaga ako sa kanya, kahit naman gaano ko siya kamahal ay kailangan ko din tikisin siya, kahit mga ilang minuto lang. Oo minuto dahil hindi ko naman kaya ang ilang oras o araw, ganun ko siya kamahal.
Pinaakyat na ni mama ang mga mag aayos sa akin, 6PM sakto ang start ng prom and Henry make sure na susunduin niya ko ng 5:30PM. Mabilis lang nila akong naayusan, sabi ko din kasi light make up lang, baka kasi mas mag mukha akong mataray, tsaka ayaw ni Henry ng sobrang kapal na make up. Tinaas lang din nila ang buhok ko, para makita ng maayos ang shoulder at back ko.
Tinulungan ako ni Mama na isuot ang aking mint green A-Piece Beaded Zipper-Up Long Prom Dress pinasadya talaga to, dahil ako mismo ang nag design, actually marunong lang akong magdrawing but I'm not into fashion design, tinulungan din naman ako ni bakla sa pagde-design nito, tutal siya ang mas magaling pagdating sa pagdedesign ng damit.
Nang masuot ko na ay agad akong napangiti, katulad ng inaasahan ko ay maganda ito, "You're an epitome of beauty my dear" sabi sa akin ni Mama, nasa likod ko siya, agad akong ngumiti, marami nang nagsasabi na maganda ako, pero sa totoo lang mas gusto kong naririnig iyon sa mga importanteng tao sa akin.
Nakarinig kami ng katok mula sa pinto ko at niluwa dun si Daddy, ngiting-ngiti ito ng makita ako. "You look lovely, sweetheart" sabi nito at hinalikan ako sa noo.
"Thanks dad"
"Tapos na ba kayong mag-ayos? Ang escort mo kasi andyan na" mas lumawak ang ngiti ko, di ko na sila sinagot at nanguna na sa paglabas ng pinto at tama nga si dad, nasa hagdan pa lang ako ay nakita ko na agad si Henry, napatayo siya ng makita ako, nakita ko kung paano niya ako pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Lalo pa akong ngumiti dahil dun.
Lumapit siya sa dulo ng hagdan, nakita ko din si Tita Diane at Tito Lance, sabi kasi ni mama dito na daw magdi dinner sila tita, habang nasa prom kami ni Henry. Nang makababa ako ay agad akong sinalubong ni Tita, "Oh my god ang ganda-ganda mo talagang bata Annika" sabi nito at niyakap pa ko. Nag thank you naman ako.
Napabaling yung tingin ko kay Henry na kasalukuyanng nakatingin pa din sa akin, "What?" painosenteng tanong ko.
Lumunok ito at binaling sa ibang lugar ang tingin, "Nothing" di ko naiwasang mapanguso, di manlang pinuri ang ayos ko. Bago kami umalis ay kinuhanan muna kami ng litrato nila Mama at Tita, at katulad ng mga bagay na gustong-gusto kong marinig, they keep saying that we look good together. Paalis na kami ng mapansing kong kulang sila.
Nakakapit ako sa braso ni Henry ng tanungin ko si Tita about kay Luke, "Tita wheres Luke?" di ko kasi siya napansin kanina, o baka naman siya ang maghahatid sa amin sa prom. He should be here para manlang makita niya na suot ko ang pinaghirapan naming kunin na gown kahapon.
"He's at home dear, may mga kasama siyang friends" sabi nito, napatango na lang ako. Tss whatever I'm gonna send him na lang may picture.
BINABASA MO ANG
That Girl
Literatura FaktuYou know THAT GIRL? that always chase after you? that always forgave you? that always loved you? that always took you back? pretty soon she'll give up and find someone better. -- Unknown