Music ♪ 47 - "Goodbye Jenny"

645 16 0
                                    

Nagising ako sa isang kwarto na puro puti ang pintura. Tumayo ako at bumulaga saakin ang nayuko pero umiiyak na si Daun. Ang boyfiee ko nandito. Pero bakit siya umiiyak? Sinubukan ko siyang hawakan pero... LUMAGPAS LANG KAMAY KO SA KATAWAN NIYA.

Paanong--?

Tumingin ako sa gilid... Isang machine na may little wave lines sa gitna na nagsasabi ng pulso ng tao. Napatayo ako nang makita ko kung kaninong pulso yun.

SA AKIN.

Umatras ako ng umatras. Nakalabas ako ng kwarto pero takot na takot padin ako. Nasa gitna ako ng hallway ng ospital. At lahat ng mapadaan sakin, lumalagpas saakin. Walang nakakakita, at walang nakakahawak.

Naglakad ako. Ganito pala yung feeling ng nasa gitna ng kamatayan noh? Ang lungkot. Pero bakit nandito pa ako? Either impyerno o langit lang naman ang punta diba? Di ko naman ineexpect na sa heaven ako. Ayy di pa nga pala patay. Ano 'to insidius? Naglalakbay kaluluwa ko?! Hayyy.

"Jenny anak"

HALA? Totoo ba 'to? Si Papa Jesus, nasa harap ko? Omg, kukunin ba niya ako? O itatapon sa impyerno? Wag naman sana..

"Lord itataboy niyo po ba ako? Kasi ang dami kong ginawa na hindi maganda? Haayy. Sige po Jesus, itaboy niyo na ako" yumuko nalang ako. Gagana kaya kay Papa Jesus yung pagpapa-cute ko?

*insertsoundeffcts*

Hala ang sakit. Binato Niya ako ng papel. Saan naman Niya nakuha yung papel?! Bakit Siya may nahahawakan ako wala?

"Hindi mo pa oras. Madami ka pang dapat tapusin kaya wag kang praning dyan. Nandito ako para sabihin na, bumalik ka doon at may naghihintay sayo. Dati gusto ka nang kunin ni Satanas pero dahil sa nagbago ka at sa pinakita mong pagmamahal sa mga kaibigan mo, natuwa ang Ama sayo. Kailangan ka ng mga kaibigan mo at ng kapatid mo. Kaya hala, bumalik ka sa katawan mo." sabi Niya.

Grabe, ang modern ni Papa Jesus ha? Infairess pogi Siya ^_^

Sabay kaming naglakad pabalik sa kwarto kung nasaan yung katawan ko. Nandito na si Jennelle, Chloe at si Kirsten. Dumating nadin ang Rock Silence at manager Pat. And last, may doktor na nagch-check sakin. Tinignan ko ang mga mukha nila.

Si Chloe nakayakap sa dibdib ni Kirsten. Sina Jasper nasa may paanan ko kasama ang RoSi at Manage Pat. Si Vinn sa left side ko na katabi ni Doc at si Daun. Nakaupo sa tabi ko, hawak-hawak ang kamay ko habang buhat si Jennelle sa lap niya. Pinagnasdan ko siya, may eyebags, nangangayayat at may malungkot na mata.

"Pogo shimneyo nuna. Gumising ka na please? Big-sis *sob* sarang hamnida" sabi ni Jennelle.

"Doc how is she? Bakit hindi padin siya nagigising? It's been a month at tulog padin siya" tanong niya kay Doc.

"Hindi ko masasabi kung kailan siya gigising hijo. Ang mabuting gawin ay manalangin sa Diyos. Mauuna na ako sainyo" paalam ng doktor. Naiwan ang mga kaibigan ko dito.

Lahat sila nakatingin sa nakahiga kong katawan. Mga malulungkot na mata ang nakita ko sakanila.

"Sorry par, ako na naman ang may kasalanan neto. Hindi dapat si Jenny ang nandyan sa kalagayang yan" -Kirsten

"You don't have to be sorry par, there's no one to blame. Pero naiinis ako! Kukunin na ba siya agad saakin? Ni hindi ko man lang nasabi sakanya yung gusto kong sabihin nung gabing yun. Kung umuwi lang ako ng maaga edi sana hindi ko kayo hinayaan na umalis" sabi ni Daun.

"Ano bang meron Daun? Nagpaluto ka pa daw ng mga paboritong pagkain ni Jenny kay Manang at sabi mo daw na may sasabihin ka saamin?" singit ni Chloe.

Nagbuntong hininga siya. At may kinuhang maliit na box sa bulsa niya. "I was about to propose to her that evening..."

Lahat sila napa-jaw drop dahil sa sinabi ni Boyfiee. Actually ako din sa spiritual body na 'to, napa jawdrop din dahil sa sinabi niya. Kaya pala gusto niyang mag dinner date kami after ng game nila. Kaya pala parang sabik siyang makasama ako nung gabing yun.

Music Lovers ♪ The Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon