Music ♪ 20 - "What A Surprise! (Part 2)"

660 19 1
                                    

Chapter 20 – What a surprise! (Part 2)

Pinanuod ko silang dalawa habang papalayo sila. Natawa nalang ako ng mapait. Kasi hanggang ngayon, ang laki padin ng galit saakin ni Kirsten. At hindi lang siya nagagalit saakin. Nakakatakot pa siya na baka mangyari ulit yung nangyari saamin dati.

Pero hanggang kailan ko ba sasabihin na hindi ko naman sinasadya yun?

Nagtanong nalang ako ng directions kung saan yung papunta ng gymnasium. Malamang nakikipagpustahan na yung tatlo dun ng wala ako. Napakawalang kwenta talaga nung tatlong yun kahit kailan.

Nga pala. Kilala niyo na ba ako? Syempre. Ako si Lennard Xander. Pinakagwapong lalaki sa buong mundo. Oh, kilala niyo na ako ah?

Wala ako dito sa lugar na 'to kung di lang talaga dahil kay Vargas na 'yon. Nandito kami ngayon sa East campus dahil nagtanong kami paanomag-shift sa campus na 'to. At obvious naman na ginagawa niya 'to para makalapit siya kay Zi.

Inlove ang gago.

Ano bang magagawa namin? Sunod-sunuran kami ng kupal na 'yon. Motto ng tropa namin yung gasgas na linyang 'Walang iwanan!' at ginagawa namin 'yan. Kung sila hindi naniniwalang may forever, pwes ako din hindi naniniwala. Balang araw, maghihiwalay din kaming apat.

Nakarating ako ng matino sa gym ng school. Nagsisimula na talaga sila maglaro. Sinenyasan ako ni Jasper na ako nalang daw sa next game kaya umupo nalang ako sa bleachers dito. Pinanuod ko silang manuod at habang nanunuod hindi ko maiwasang di marinig yung mga sinasabi nung nasa tabi ko.

"Si Kirsten ba 'yan?"

"Parang oo na hindi eh. May iba sa mukha niya na wala kay Kirsten"

"Double ganger?"

Oo, hindi ako si Kirsten pero oo magkamukha kami. Oo magkamukha kami pero oo may pinagkaiba kami. Yung mga taong nakakakilala saamin, makikilala agad kung sino ako at sino si Kirsten. Dahil meron talagang iba saamin.

Parang ganito... parehas kami kung maglaro ni Kirsten pero iba kami magshoot. Ganun kami ni kuya.

At ang totoo niyan, parehas kaming siraulo ni Kuya Kirsten, pero mas mabait siya kesa saakin.

Hindi ko masisisi si Kuya kung nagalit siya saakin dahil sa nangyari saamin noon. Pero hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi niya padin ako magawang patawarin kahit ilang taon na yung lumipas at ilang beses na kong nakipagayos sakanya.

Sobrang close namin niyan ni Kirsten dati. Ilang minuto lang yung tanda niya saakin pero kuya ko siya at bunso niya ako. Alagang alaga ako niyan dati. Naaalala ko dati, kapag may laro ako na alam niyang mamaw yung kalaban namin, siya ang maglalaro para saakin para hindi ako masaktan. Kahit na naiinggit siya saakin sa lahat ng bagay na meron ako, inaalagaan niya ako. Kaya nakakagulat kung paano niya ko pinagtatabuyan ngayon.

Papunta na ako sa gym para sa practice namin para sa mini concert sa Friday. Nahuli ako kasi kailangan ko pang magpalit ng damit, galing kami sa laro kaya pawisan at kailangan fresh ako tignan, baka kasi maturn-off yung mga girls saakin.Mahirap na, gwapo pa naman ako.

Nadaanan ko yung bulletin board at hindi ko inaasahang makita si Kirsten dito. Tinitignan niya yung bulletin board. Baka nakita niya yung mukha ko dun kaya siya nakatingin dyan.

Nilapitan ko siya ng konti, pero hindi malapit na malapit kasi baka kung anong gawin niya saakin. "Kirsten"

Tumingin siya saakin. Biglang nagiba yung ayos ng mukha niya. Kumunot yung noo niya at ang talas ng tingin saakin. Pero di din yun tumagal kasi bigla niya kong tinalikuran at naglakad palayo saakin.

Music Lovers ♪ The Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon