Music ♪ 41 - "Operation: Reconcile"

614 15 4
                                    

February 25, 20**

Time flies so fast. Ilang araw nalang matatapos na ang February at dadating ang March. At middle of that month, matatapos ang isang school year. Patapos na ang buwan pero there's no signs of Chloe and Kirsten.

Naisip kong sila lang ang makakatulong sakin na ayusin 'to since hindi ako makaka-asa kay Daun. Ang Rock Silence naman busy sa pag-aasikaso ng first album nila.

Natapos ang February nang walang nangyari. Still walang Chloe at Kirsten hanggang sa matapos ang school year. Yes, I am narrating. Dahil sa nagtatago sila, walang ibang nangyari kaya naman puro skip ang storyang 'to.

Kami ni Daun, para pading aso't pusa. Lumabas sa Watty Channel yung nangyari sa Starbucks at nag-away kami. Since that day, nagpatigasan kami. No one's the boss. Magbabangayan pero in the end magbabati.

Seriously, saan ba ang punta ng storya ko?! -.-"

So eto na nga, summer na. Ang nakakatawa, may scheduled concert kami sa June pero yung magco-concert eh watak-watak at hindi matagpuan kung saan. Nagsimula nang mag-alala yung mga organizers pero ako, si Daun at si Manager eh walang masagot.

"Omma, can I swim?"

"Sure baby"

Buti pa si Jennelle, nakukuhang mag-swimming. Ayoko kasing mangitim eh. Hirap magpaputi noh, ang mahal ng whitening soap na gamit ko kaya n thanks.

"Uhm omma, can we go on an out of town with oppa?"

"Huh? Eh.. Okay, dun tayo sa rest natin sa Laguna. Tamang tama, kakamustahin natin sila Grandma at sina auntie"

Nagtuloy lang siya sa pags-swimming niya. Day off ni Mr. Kitt ngayon kasi Sunday, kailangan niyang bisitahin yung pamilya niya dito sa Pinas ganun din kina manang. Si Daun nasa tapat, nakikigulo kaya ako ang nagbabantay sa kapatid ko.

Calling Manager Patrick....

"Hello, Jenny speaking"

(Ma'am Jenny.... *sob* Ako po si Andrea, yung secretary ni Sir Patrick. Ma'am Jenny, nagcollapse po si Sir after ng isang phone call at ang sabi ng doktor over fatigue daw)

"HAH?! Osige, pupunta kami dyan. Saan ba yan?"

(Sa rest house po ni Sir sa Pampanga. Ma'am magdala nadin po kayo ng damit ng pang two weeks, kailangan po ni Sir ng magbabantay kaso out po ako ng hanggang April)

"Okay sige kami nang bahala, pupunta na kami dyan"

My goodness anong nangyari kay Manager? Sino yung kausap niya at nag-collapse siya? Ang hina pa naman ng katawan nung kabayong yun, sakitin kasi eh.

Tinawag ko si Jennelle at sinabing aalis kami. Hindi siya umangal at in fact natuwa pa dahil akala magbabakasyon kami =__= Agad kong inayos yung gamit namin ni Jennelle.

Pinuntahan ko din sina Daun sa tapat at kahit sila mabilis na nagayos ng gamit dahil manager din nila yun. Pagkatapos ng lahat, kanya kanyang ride kami papunta sa Pampanga. Mga four hours din yun.

Pagdating sa rest house sinalubong kami ni Andrea at sinamahan papunta sa kwarto ni Manager Pat. Holy horse O__O Ang putla niya. Natutulog siya ngayon. Nagpaalam naman si Andrea na aalis.

"Patrick, I hate you. Pinagaalala mo kami eh. Please gumising ka na" bulong ko sakanya. Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan siya.

"Ano bang nagyari bakit siya---"

"MANAGER!"

O__o

"C-Chloe? Kirsten?" ako yan. Di ko inakalang dadating sila ngayon.

Music Lovers ♪ The Leader of the BandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon