ASHLEY
"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Ji. Pagkapasok na pagkapasok palang namin dito sa bahay.
"Okay lang naman Ash. Boyfriend mo ba talaga yun?" Nakakunot noo niya na tanong saakin.
"Ji maniwala ka hindi ko siya Boyfriend. Sa katunayan nga NBSB ako Ji" nahihiyang sabi ko.
"Sa ganda mo na yan? Ash madaming manliligaw saiyo. Sobrang ganda mo kaya imposibleng wala ka kahit ni isang Naging BF?"
"Nambola ka pa Ji"
"Oh Iho. Kumusta ka na? Nakita ko ang Mama mo at sabing Dito na kayo ulit titira" Si mama. Hindi namin namalayan na andito si Mama.
"Okay lang po Tita. Kayo kumusta? Namiss ko po kayo Tita lalo na itong si Ash" Sabay yakap kay Mama.
"Naku. Iho namiss ka din namin. Huwag ka mahihiya na pumunta dito. Alam mo naman Anak ba din ang turing namin sayo"
"Oo naman po Tita. Pangalawang Nanay ko na din po kayo. Pano po Tita kailangan ko pa po magayos ng gamit"
"Sige Iho. Ingat ka" sabi ni Mama.
"Ash. Alis na ako ha? Sabay na tayo bukas pumunta ng school 😉"
"Ah. Sige Ji"
Tiningnan ko lang siya habang papaalis ng bahay. Si Ji ang unang lalaking nagpatibok na puso ko at hanggang ngayon Mahal ko parin siya. Pero naiisip ko bakit sasabihin ng Drake na yun na BF ko siya? Argh baka siya pa ang makasira ng lovelife ko. Nakakabwisit. Bukas ko na nga lang iisipin yun. Kaya umakyat na ako sa kwarto para maligo. Si Mama naman andun sa Office niya at si Papa sigurado late na yun dadating. Si kuya? Baka nasa Bar yun at nakikipaglandian. Nagtataka nga ako bakit hindi pa siya nakakabuntis. Lagi kasing may dalang babae at gabi-gabi ko naririnig na may umuungol na babae. Ay ano ba pakialam ko doon sa Kuya ko na yun.
Natapos na ako naligo at nakapagpalit ng pantulog. Nakahiga ako dito sa kama ko ng may kumatok.
Tok
ToK
Tok"Pasok. Bukas yan" Sabi ko.
"Ma'am nakahanda na po ang dinner. Pinapatawag na po kayo ng Mama niyo"
"Sige pakisabi susunod na ako"
"Sige po Ma'am"
Mayaman kami pero aist ewan ko ba. Naiinis ako sa sarili ko. Kaya naisip ko nalang na bumaba at dumiritso sa Dining.
"Anak, Umupo ka na at kumain"
umupo naman ako atsaka lumamon.
"Mom saan niyo ba pinaglihi yang si Ashley at ubod ng Nerd."
"Daniel watch your words" sabi ni Mama
"Totoo naman po kasi Ma."
"Buti pa nga yang kapatid mo inaatupag ang pag-aaral. Ikaw puro babae ang nasa isip mo" Sabi ni Dad kaya biglang tumahimik si kuya.
Si Dad ang batas dito sa bahay. Walang sumagot kay Dad sa sinabi niya kay Kuya.
"Pupunta kami ng Mama niyo sa Germany para ayusin ang Company natin doon. And For Good na kaming titira doon."
"What?" bigla kong sabi. Alam ko naman na madami din kaming negosyo sa Ibang bansa pero hindi ko aakalain na doon titora ang parents ko.
"Ashley hindi na kayo bata. At dadating ang araw na kayo ang Magmamana. Siguro hindi kami maninirahan sa Germany pero nakapagdecide na ako na sa ibang bansa na kami titira ng Mom mo"
"Ano ang pinagpipilian niyo na bansa?" Walang ganang tanong ko.
"Actually Germany, Canada, Australia at Europe Baby" Sagot ni Mama. Si kuya tahimik lang at ako lang ang nagrereact.
"This is not going to happen. I can't believe you. Iiwan niyo kami ni kuya?" at nagwalk out ako.
Wala akong ginawa kung hindi umiyak. Hindi ba nila naiisip na bata palang kami. Okay Fine. Spoiled ako. Hindi ko kaya na malayo kay Mama. Sobrang Close kami na kahit busy siya kaya niya parin makapagbond saamin. Si kuya naman parang walang pakialam kahit na umalis sila. Ewan ko kay kuya kung bakit siya naiinggit sa akin dahil lagi niya sinasabi na ako daw ang paborito ng parents ko. pero siya lagi ang sinasama ni Dad sa mga party about sa negosyo. kaya ako nga dapat ang mainggit sakanya. Nakakainis bakit ngayon pa at sobrang strikto pa ng kuya ko pagdating sa akin. Naiiyak nalang ako tuwinh maiisip ko na pupunta ng ibang bansa ang parents namin. Naiinis ako sa sarili ko. Kung sana lang may magagawa ako para pigilan sila ginawa ko na.
YOU ARE READING
Ms. NERDY meets Mr. PLAYBOY
Teen FictionSa Pag-ibig may kasabihan tayo na ang unang mahulog ay talo. Para sa ibang tao ang Pag-ibig ay isang laro lamang. Ngunit naniniwala ka ba sa Karma? Kung saan kung kailan ka nagseryoso ay doon mo masusubukan mapaglaruan katulad ng ginawa mo sa iba? H...