Part 12

87 3 0
                                    

Heto na nga at papasyal na kami nila Mommy. Pero si Kuya parang hindi naman excited. Kasama din namin si Daddy. Sa Tierpark Berlin kami pumunta. I love animals kaya. HAHAHA. My gosh. Si kuya alam ko naman na nagtatampo lang talaga siya kaya ganyan yan. Ganito naman kami. Mas gusto namin makakita ng mga animals. Nakakamiss din talaga ang ganito. Nakakamiss din maging bata. Hayyy

Pinicturan ko ang mga animals na nakikita ko. Pinakanaattract ako na animal ay hyena. Ewan ko nga kung bakit at masmarami naman magagandang animals ditto pero yun talaga ang napagdiskitahan ko. HAHAHA pinagtritripan ko naman si Kuya. Parang nagdedate din naman sila Daddy. Nakakatuwa silang tingnan. Ayun nga nililibot naming at talagang pinipicturan ko lahat. Nagpapicture din kami na family. Haayyyy. Sobrang perfect ng day ngayon. Hindi nila iniisip ang work nila. Nagkwekwentuhan na din kami at si kuya nakikitawa na din. Minsan sasampa ako sa likod ni kuya. HAHAHAHA

"Mommy! Gusto ko ng baby sister"

"WHAT?!" sigaw ni kuya

"Ano ba masama doon?"

"Daddy, I want a baby sister''

Natatawa naman sila Mommy at Daddy sa hinihiling ko. Pinagtitinginan naman kami ng mga tao dahil para akong bata na nagdadabog pero wala naman akong pakialam sakanila. Hindi din nila naiintindihan ang sinasabi ko.

"Let see" tipid na sagot ni Daddy at pilyong ngumiti kay Mommy. HAHAHA. Nakakatawa silang tingnan. Hanggang ngayon ang sweet ng parents ko. Parang perfect family kami ngayon pero alam ko naman na walang perfect.

Nahuli ko naman si kuya na napapangiti.

"Kuyaaaaa, Ang creepy mo" Bigla naman ako tiningnan ng masama ni kuya.

"Sorry" nagpeace sign nalang ako sakanya.

"Kuya. Ayaw mo na ba magkaroon ng kapatid?"

"Ayoko na. Sa kulit mo ba naman. HAHAHA" ayst. Nakakainis talaga itong kuya ko

Sobrang napagod kami at syempre napagdesisyunan nalang naming na umuwi dahil si Mommy daw ang magluluto ng dinner. Ganito kami. Ayaw namin na pupunta sa isang restaurant kapag may family Bonding kami.

Tiningnan ko naman kung may message si Ji. At ayun nga meron naman.

"Babe? How are you? Miss na miss na kita. Kumusta sila Tito at Tita?Mag-reply ka kung tapos na kayo mamasyal ha? Alam ko minsan mo lang makasama sila Tita kaya mag-enjoy ka. Huwag ka mag-alala sa akin. Promise, Behave ako ditto. Update kita lagi. Huwag ka papagutom diyan. HAHAHA. Iloveyou Babe."

Ang sweet ng boyfriend ko sobra. Shiiiz. Kinikilig nanaman ako.

"Ash. Kinikilig ka nanaman kay Ji. HAHAHA" pang-aasar nanaman ni kuya sa akin.

"Tse. Mag-love life ka nangalang din"

"Yung babae kasi na gusto ko ayaw sa akin"

"WHAT?!" gulat ko na tanong sakanya. Bakit hindi ko alam. Masasaktan ang bestfriend ko nito ei.

"Wala. HAHAHA. Para ka nakakita ng multo. HAHAHA"

"hoy! Hindi ako nagbibiro"

"Mga anak! Kain na tayo"

Naputol ang bangayan namin ni kuya. Kaya bumaba nalang kami.

"Hindi pa tayo tapos kuya" bulong ko sakanya

"tss"

Ayun nga kumain nalang kami at syempre nagkwentuhan.

Nakalimutan ko magreply pala kay Ji.

"Babe! Yes! Sobra akong nag-enjoy. Madami akong ipapakita na pictures saiyo. Magugustuhan mo iyon. Miss na miss na kita Babe. Iloveyou so much. Muwaaaah. Lovelots babe. <3 Behave ka diyan. May tiwala naman ako sayo" send

Tinawagan ko din siya.

"Babe?" waaah sinagot niya. Yung puso kooooo.

"BABE!"

"Halatang miss mo ako babe ha?"

"Oo naman babe. Di mo ba ako miss?"

"Miss na miss na miss na kita babe"

"Babe medaling araw na diyan''

"Inaantay ko tawag mo babe at text mo." Sagot naman niya. Halata sa boses niya na inaantok na siya.

"Babe let's sleep?" tanong ko

"sige babe. Gusto mo kantahan kita?"

"talaga babe? Sige babe." Nakaloudspeaker yung phone

At heto na kumakanta na siya

I've been living with a shadow overhead,
I've been sleeping with a cloud above my bed,
I've been lonely for so long,
Trapped in the past,
I just can't seem to move on!

Ang ganda talaga ng boses ng babe ko. Inaantok na ako kaya nakapikit lang ako habang pinapakinggan ko siya

I've been hiding all my hopes and dreams away,
Just in case I ever need 'em again someday,
I've been setting aside time,
To clear a little space in the corners of my mind!

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Ms. NERDY meets Mr. PLAYBOYWhere stories live. Discover now