Ash
Hindi parin ako makapaniwala sa ginawa ni Ji para sa akin. Nalaman din ni kuya yun at inasar ako. Okay na daw sakanya si Ji dahil nakita daw niya yung effort ni Ji para sa akin. Mahal na mahal ako ni Ji alam ko yun. Alam ko madami pa kami pagdadaanan pero alam malalampasan naming iyon. Natawa ako sa sarili ko dahil kaya pala hindi niya ako nasamahan ay dahil nagprepare siya.
Malapit na ang sembreak namin at pupunta daw kami sa Germany sabi ni Mommy at doon magbabakasyon. Excited na ako pero mamimiss ko si Ji. Hindi na din naman ako pinapansin ni Drake. Si Drake lang ang hindi kumakausap sa akin. Well, wala naman ako pakialam sakanya.
Bigla nagring ang phone ko.
Si Ji ang tumatawag.
"Hi Babe" bigla niyang sabi
"Babe''
"Babe, may sasabihin ako" shizzz bigla ako kinabahan. Ayoko ng ganito
"A-ano yun?"
"Babe, ano kasi yung ex ko"
"Bakit yung ex mo?" irita ko na sabi
"Babe sa personal nalang natin pag-usapan
"Pwede mo naman sabihin ngayon, diba?" Nakakabwisit
"Babe kasi gusto niya makipagusap sa akin. May mahalaga daw siyang sasabihin sa akin. Ang sabi ko sakanya ayoko pero sobrang mapilit. At uuwi daw siya dito sa Pilipinas" aish
"Ano naman sasabihin niyan?"
"Babe hindi ko din alam" para akong kinakabahan.
"Ayoko."
"Babe, punta ako diyan sainyo later?"
"Sige. Miss din kasi kita''
"Sige Babe. I love you"
"I love you too babe"
Bakit pa kinukulit nung babaeng yun ang bf ko. Hindi pa ba siya nakamove on?
Nakakainis naman kasi. Nasa ibang bansa na nga yung babae tatawag pa dito. Para naman desperada yun. Pinay din yun na ex niya. Ang pangalan ay Kath. Kelan naman uuwi yun ng Pinas. Nakakainis talaga.
FASTFORWARD
SEMBREAK NA.
Wala naman kaming nagging problema ni Ji. Naging maayos naman ang takbo parin ng relasyon naming. Nagpalit na din siya ng number niya para hindi siya matawagan ung ex niya. Pupunta na kami ni kuya sa Germany. Hindi ko alam pero parang ayoko umalis. Gusto ko din makita ang parents ko kayalang mamimiss ko si Ji at syempre ang bestfriend ko. 2 days nalang at lilipad na kami ni kuya. May tiwala naman ako kay Ji pero sa ex niya wala. Hayyyy. Nakakainis talaga. Andito ang mga barkada ni kuya. Aba, syempre ganyan ang mga yan. Parang magkakapatid na talaga sila.
Bumaba na nga ako para kumain ng breakfast. Wala sila kuya sa sala kaya malamang nasa Music Room sila. May pancake naman na hinanda ang maid naming para sa akin at gatas kaya inumpisahan ko ng kumain.
Bigla naman may yumakap sa akin kaya bigla ako napatayo at pagtingin ko. Lumaki ang singkit ko na mata ng makita ko kung sino ang yumakap sa akin. Si...... Si Drake
"D-d-Drake"
"Mamimiss kita" tinulak ko siya dahil nga nakayakap parin siya sa akin.
"Ano ba pinagsasabi mo?" inis ko na tanong
"Hindi mo ba ako naaalala?"
"Naaalala ?"
"Saan tayo unang nagkita?"
"School"
"Tss"
"Ano ba Problema mo?" Nabwibwisit na talaga ako
"You will always be my princess." Bigla siyang nagwalk out.
Anong princess ang pinagsasabi nun. Tss
--------------------------------------------------------------------------------------
sorry ngayon lang. Dahil sobrang busy. pero babawi ako
YOU ARE READING
Ms. NERDY meets Mr. PLAYBOY
Teen FictionSa Pag-ibig may kasabihan tayo na ang unang mahulog ay talo. Para sa ibang tao ang Pag-ibig ay isang laro lamang. Ngunit naniniwala ka ba sa Karma? Kung saan kung kailan ka nagseryoso ay doon mo masusubukan mapaglaruan katulad ng ginawa mo sa iba? H...