One {Assistant}

124 13 0
                                    

"Yoona!" Sigaw ni Yuri. Yah! Sinapa ko ang bola papunta kay Yuri. It's 4 vs 4. Ako, si Yuri, Seohyun, at Sooyoung ang Blue Team at si Taeyeon, Jessica, Hyoyeon, Sunny ang Red Team, habang si Tiffany naman ang referee.

Sampung hakbang nalang at makaka-goal na si Yuri. In 3... 2... 1—

*beep* *beep*

Tumunog ang cellphone ko. "Ugh!" Bulong ko sa sarili. Duty calls.

"Girls, punta lang ako sa banyo." Palusot ko sa kanila.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Fany. "Eh galing ka pa lang doon kanina."

"Uhm... You know. Girl thing." I lied, habang inaayos ang salamin ko. Finally, they bought it. So tumakbo na ako papuntang girls' room.

Sana naman walang tao. Phew! Wala nga. Pumunta ako sa pinakahuling stall, inalis ang toilet paper container at ilinagay ang cellphone ko doon. Ibinaba ko ang seat cover at doon umupo.

"Welcome to SMA Secret Passageway. Please verify your identity." Sabi ni A1, ang machine na nagpapatakbo ng SM Agency. Hoo! Nakaka-nosebleed din siya minsan.

"Secret Agent IYA7." Sabi ko.

"Voice identified." Sabi ni A1. "Welcome IYA7."

Kumapit ako sa toilet habang umikot-ikot ito pababa. Pagkatapos umikot, nag-tilt ito ng unti tapos nahulog ako sa slide. Nakakahilo! Pero nasanay na ako. Lahat naman sila ganyan, pagkatapos kang pa-ikot-ikotin, hahayaan ka nalang mahulog. Charot!

Sa hulihan ng slide ang Underground HQ ng SMA. Pumunta ako sa office ni Head Agent LSM1, ang founder ng SM Agency.

As usual, naka-suit si LSM1, naka-salamin at nagmumukhang grande sa office niya.

"May mission po ba ako ngayon, LSM1?" Tanong ko.

Napahalakhak naman si LSM1. "IYA7 talaga, napaka-seryoso." Sabi niya. "Pero oo, may mission kayo."

Teka... Tama ba ang narinig ko? Kayo?

"A-Ano po? Kami? Sino kasama ko?" Tanong ko. Sana naman si Yuri, or si Jessica—

"Oo. He's an inexperienced agent at tinawagan ko na rin siya para pumunta dito at makilala ka. Kailangan niyong magkakilala at—"

"Teka, teka... Inexperienced agent? You're pairing an inexperienced agent with one of SMA's Top 3 agents?" Natatawang tanong ko. Is he serious?

"Bakit hindi?" Tanong ni LSM1. Nagbukas ang automatic door at may nagpakitang agent. Hindi ko siya namumukhaan. Is she new?

"Ah. Siya na nga pala ang assistant agent mo, IYA7."

Tinignan ko yung agent from top to toe. Ganyan ba siya manamit? Boyish? Nginitian naman ako ng agent.

"She's going to be my assistant agent?" Tanong ko, seriously ngayon.

Natawa naman si LSM. May nakakatawa ba sa sinabi ko?!

"He is your new assistant agent."

0_0

"Lalaki siya?!" Bulong ko kay LSM, at obviously, narinig nung agent.

"You think I'm a girl?" Tanong ng agent. Gosh! Nakakahiya!

Hindi ko pinansin ang agent at kinausap si LSM1.

"Is this a joke?!"

"Hindi, I'm serious IYA7. He's your assistant agent."

"A-Ano?!"

"IYA7, meet LH7."

A/N:

HI LUYOON FANS! This is my first story so please bear with any typos and wrong grammar. I hope you enjoy!

IYA7, Meet LH7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon