Two {Kulit}

79 8 0
                                    

"LH stands for?" Tanong ko.

"Lu Han." Simpleng sagot ni Luhan, pero nakangiti.

"Your mission starts tomorrow." Sabi ni LSM1, obviously ending the meeting. "Luhan, Yoona, pwede na kayong bumalik sa klase ninyo."

"P-Pero hindi siya nag-aaral sa SM High." Reklamo ko. Please 'wag mong sabihin na sa SMH na siya mag-aaral—

"Sa SMH na siya mag-aaral!" Anunsyo ni LSM1.

"WHAT?!"

Pinagtinginan nila ako. Ugh!!!

"I mean, wow, sa SMH na rin siya mag-aaral." Sabi ko, sarcastically.
Lord please sana naman hindi ko siya kaklase.

"And the good news is, kaklase mo si Luhan! At seat mate mo pa siya!" Sigaw ni LSM1.

What the packing tape?! Kaklase na nga, seat mate pa?!

"S-Seryoso kayo LSM1?"

"Aba, oo naman." Sabi niya, sabay smile. "Sige na, male-late na kayo."

Pagkalabas ng office ni LSM1, saka ako kinulit ng newbie na 'to.

"Hi!"

"Ano nga ulit pangalan mo?" Dagdag niya.

"Im Yoon A. Tawagin mo na lang akong Yoona."

"Gaano ka na katagal sa SMA?"

ARGH! Ang kulit kulit kulit kulit kulit niya!

"8 years." Simple kong sagot. Di ko siya linilingonan. Mas maganda pa siya sa akin eh!

"Paano ka naging agent?"

"Sumali ako sa isang Math contest at nanalo. SMA needs decoders."

"Ahh~ May iba ka pa bang talent except sa decoding?"

"Marunong akong kumanta, sumayaw, at mag-acting."

"Ahh... Acting? Ako magaling sa soccer, marunong din ako kumanta, di ako masyadong magaling sa—" blah, blah, blah, blah! Di ba siya nauubusan ng tanong.

"Gaano ka kagaling mag-acting?"

"To the point na nagagawa kong umacting na kunyari hindi ako naiinis sa kakulitan mo." I said with a smile. Sana naman mainsulto 'tong lalaking to!

"Ahh.. Ang galing mo pala! Alam mo, pwede ka maging professional actress..."

Eyes wide open, jaw-dropped. What the fudge? KAILAN BA SIYA TITIGIL?!

Salita siya ng salita hanggang makaabot kami sa klase.

"Ms. Yoona, you're late." Sabi ni LHM3— este, Madam Lee Hyo Min, ang adviser ng Grade 10 class. Pero ng makita niya si Luhan, ngumiti siya.

"But I see, sinundo mo ang transferee ng Grade 10.. so wala kang parusa. Please sit now."

Di kasi lahat ng estudyante sa SMH ay agents. Yung iba, normal students lang. Yung iba naman, traydor. Di madaling magtiwala sa SMH. Malay mo yung kausap mo pala spy sa iba g kampo, ang ANTI (Ang Negative Tapos Immature).

Haays! Di naman ako male-late kung hindi dahil sa magandang 'to!

"Psst."

URGH! Di ka ba titigil?

"Uyy~ Yoona~"

"ANO?!" Bulong ko.

"Naiinis ka ba sa akin?"

"Hindi ba halata?"

He was taken aback. Finally! Tumigil din siya!

"S-Sorry. Gusto ko lang kasi makipagkaibigan." Sabi niya, tapos tumahimik. Woohoo! I'm so proud of myself.

Sa mga sumunod na subject, hindi na siya nagsalita. Kahit sa recess, hindi niya ako kinulit. Naka-upo lang siya malapit sa bintana, nilalamon ang sandwich niya habang pinapanood yung mga boys na naglalaro ng soccer.

Ugh! Anong kadramahan ito?!

IYA7, Meet LH7Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon