Chapter 23

1K 18 2
                                    

"WHAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAT?!!!"

"Ugh!!! Wag naman kayong sumigaw!! Oo, pumayag ako. No choice eh. Tinulungan niya ko kaya ayun."

"Baliw ka na talaga Blue! Sinayang mo yung chance nyo ni Lancer. Di mo muna inisip yung mga consequences! Edi sana masaya na kayo ngayon!" -Chloe

Hayy.. ang hirap talaga magpaliwanag sa mga to. Andito kami sa bahay at Kinuwento ko na sa mahal kong kaibigan ang deal at ang moment namin ni Lancer last week na sobrang FAIL dahil sa deal na yan!!! Pati narin yung nakita ko si Veronica na kasama si Lancer. Na-iistress na talaga ko ah.

"Malay ko ba? Tsk. Wag nyo na nga guluhin yung utak ko. Andami ko pang problema."

Unti unti ng napapalapit ang loob ko kay Veronica pero sa nakita ko kahapon.. parang HINDI NA.

Wala na kong planong makipag-kaibigan sa kanya kung sya lang ang magiging dahilan ng pagkawala ni Lancer saken.

KAHIT GAANO PA SIYA KABAIT.

I won't give Lancer to her. NEVER. Ipaglalaban ko ang akin.

"So ano ng plano mo nyan?" -Julliane

"Uhmm, di ko alam. Basta. Bahala na."

"Wag mo sabihing sisirain mo yung relasyon nila?" -Chloe

"Well, kung kinakailangan.. gagawin ko."

HIPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon