Chapter 2

1.8K 22 0
                                    

Lunch...

Nag-lunch na kami ni Ashley. Di namin kasama sila Julliane at Chloe dahil may dance troupe sila.

"Hey Ivy, spill it! Alam kong may tinatago ka. Ikwento mo na kase." pamimilit ni Ashley sakin.

Ano pa bang magagawa ko? Di ko naman kayang magsikreto sa kanila.

"Uhmm, pano ko ba uumpisahan.. Uhh, kase ganito yun. Nakipagkita si Josh sakin sa isang resto, tas yun nga nakipagbreak sya saken. Papauwi na ko tas bigla akong nasiraan ng kotse sa isang madilim na kalye. Gabi na rin nun. wala ng masyadong tao kaya wala akong mahingan ng tulong. May dumating na dalawang lalake. Kala ko naman tutulungan nila ko. Yun pala mga rapist..--"

"OMG! That was horrible. So ano ng nangyare? Too bad we're not there para tulungan ka." sabi ni Ashley.

"Ayos lang. May tumulong naman sa akin. Laking pasasalamat ko nga sa kanya dahil kundi dahil sa kanya wala na siguro ako ngayon sa Earth. Thanks to Lancer Troy Mercado." then I smiled. Ang sarap banggit banggitin ng buong pangalan niya.

"Nako, dapat pala talaga kaming magpasalamat sa Lancer na yan dahil sinave niya ang buhay mo. Sayang! Wala sila Julliane at Chloe dito para makita yang namumula mong mukha! Hahahaha!" pang-aasar ni Ashley.

Aist namumula ba ko. Tss..

"Di ako namumula! Mainit lang talaga dito. Wooh! Ang inet! Ano ba yan! Sarap maghubad argh!" tas kunware nagpaypay ako gamit yung kamay ko. Mainit naman talaga eh.

"Paanong hindi iinit e nakatitig ka sa sizzling hot mong savior!" huh? anong nakakatitig?!

Di ko napansin nakatingin pala ako kay Lancer.. palapit kasi siya dito sa pwesto namin ni Ashley. Oh my.. Pengeng air-con. >.<

HIPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon