Chapter 20

1.1K 17 1
                                    

Napagisip isip kong meron din palang positive na maiidudulot tong bf-gf deal namin ni Sky este.. Lei. -_-

*evil laugh* I have a bright idea. *evil laugh again*

Tutal kahit anong gawin ko mahal ko pa din si Lancer at may pake parin ako sa kanya...

Pagseselosin ko nalang siya.

Oh diba?!! Haha. Gusto ko lang maliwanagan na ang isip ni Lancer. Kung magseselos siya o hindi.

Hindi ito para sakin. Para ito sa aming dalawa. Para hindi na kami mahirapan.

Lancer's POV

Bakit ba ko kailangang maguluhan ng ganito?!!

Hindi eh. Hindi ko na siya mahal.. pero..

Yung mga sinabi sakin ni Ashley.. Sapul eh. Tagos. Parang naliwanagan ako.

Siguro nga namimiss ko lang si Ivy. Pero andito na siya ngayon. Di ko lang matanggap na nagbago siya. Oo hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya kailangang gawin yun.

In short. SIYA SI IVY. HINDI KO LANG MATANGGAP.

I should thank Ashley. Kung hindi dahil sa kanya, hindi ako magigising sa katotohanan.

Mahal na mahal ko si Ivy. Kaya kahit si Blue na siya ngayon kailangan ko syang tanggapin.

HIPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon