KYLE's POV
"Good Morning Class!" Sabi ng isang teacher na pumasok sa classroom namin.
"I'm Miss Andrea Vasquez. Your class adviser." So sya pala yung Andrea Vasquez. Hmmmmm bago lang sya dito pero parang may experience na sa pagtuturo.
"Teacher nyo ako sa Science. Btw, pwede ba kayong magpakilala? Pero iba ang gagawin natin. Magpapakilala kayo with your partner dito sa harap. Tapos ang partner nyo ang magpapakilala about sayo sa klase. Gets?" Sabi ni teacher habang nililibot ang buong classroom. Mukhang bago nga lang sya dito
"Okay class, mag start na kayo. Ang dapat nyong kaprtner ayy ang katabi nyo.." Utos ni Maam habang naka ekis ang kanyang mga braso.
Nung tumingin ako sa mga kaibigan ko, ay mag partner na sila. Tinanong ko sila kung pwede bang tatlohan sa isang grupo. Hindi nila alam kaya tinanong nila si Maam at ang sabi ni Maam ay hindi daw pwede.
Eh paano ako? Wala akong partner? Peste kasi tong katabi ko nag absent pa ngayon. Hmp kainis.
Biglang may kumatok sa pinto at tinawag si teacher. Pinapasok naman agad ito ni Maam.
"Ok class. Sino pa bang walang partner dyan?" Tanong ni Maam
Tinaas ko ang kamay ko.
"May katabi ka ba?"
"Wala po akong partner, so wala po akong katabi." Sagot ko sarcastically.
"Ayy oo nga noh. Oh sige bata, tumabi ko na sakanya. Tanongin mo nakang sya kung anong gagawin." Utos ni Maam sa kanya.
Natawa ako ng mahina nung tinawag nya yung kaklase namin na bata. Mukha kasi talaga syang bata! Ang sarap pisilin ng pisngi. Tas yung buhok pa, ang sarap guluhin. Ang sarap nya sigurong yamutin.
Nang makaupo na sya sa tabi ko ay inayos nya na muna ang kanyang bag. Habnag inaayos nya ito ay napatulala lang ako sa kanya.
"Psst! Huy. Ano bang nangyare sayo at parang tulala ka?" Sabi nya sakin habang kinakaway ang kamay nya sa mukha ko.
"Ayy sorry sorry, cute mo kasi eh" sabi ko
Namula naman ang kanyang mukha at lalo syang nagmukhang bata. Ang sarap kurutin ng pisngi nya. Nakakagigil!
"Ano bang gagawin natin?" Tanong nya habng nakatingin sa desk. Siguro nahiya to kasi namumula padin eh. Kaya ang cute nya padin!
" ahh. Ganto daw kasi yun. Magpapakilala tayong dalawa sa isat isa at tatawag daw si maam kung sino ang mag partner ang magpapakilala sa harap. Tas kunwari ako, nagpakilala ako sayo, tapos ikaw naman ang magpapakilala sakin sa klase kapag nasa harap na tayo. Gets?" Sabi ko with matching hand gestures pa.
"Ahh okay okay. So anong pangalan mo?" Tanong nya sakin.
"Ako nga pala si Kyle Floyd Sebastian. 16 yrs old. Hundi ako msyadong matalino pero nagsisipag naman ako. Naguguluhan lang ako sa iba naming subj. hindi ko kasi maintindihan. Mahilig din ako mag basketball."
Bakit ba ang kyut ng lalaking to? Nakakainis na ahh. Nakakabakla na. Pero joke lang yung huli. Hindi ako magiging bakla.
" ako naman si Keith Vincent Ramos. 15 yrs old. Mahilig ako mag sulat ng kung ano ano. Basta kung anong pumasok sa isip ko ay si usulat ko nalang agad. Kaya minsan nakakasulat ako ng mga poem, essay, at storya kahit tungkol saan. Masipag ako mag aral lalo na kug science..."
"Ayy sakto. Wala kasi akong masyadong alam dun. Turuan mo ako ha." Singit ko
"... Tas ang ayoko lang ayy ang Math. Takot kasi ako sa mga numbers, pti sa x, y, z, a, b, and c."
BINABASA MO ANG
In Love With Him
HumorMasarap sa pakiramdam ang taong may minamahal, may taong nagmamahal sayo, at taong may nagmamahalan. Boy x Boy po ito. Kung ayaw nyo po ng gantong story ay wag nyo nang husgahan. Pero kung gusto nyo po ay magpatuloy lang sa pagbabasa. But I recomme...