KEITH's POV
Hay, sana naman tumila na agad yung ulan. Baka kasi ma bored lang si Kule dito. Wala pa namang pwedeng maging libangan dito. Hindi kasi kami ganun kayaman eh. Tas ang alam ko si Kyle sobrang yaman daw.
Nung tumapat na ang jeep sa bababaan namin, hinila ko na yung tali at tumungo sa labasan ng jeep at tumakbo sa may waiting shed. Nag pagpag kami ng damit dun ni Kyle.
"Kita mo yung dilaw na gate dun? Yung pinapagitnaan ng red at red? Dun bahay namin. Tatakbo tayo ha" sabi ko sa kanya habang tinuturo ang bahay namin dun sa street namin. Hindi naman sya kalayuan, siguro lalagpasin mo yung 15 na bahay bago ka makarating samin.
"Pagkabilang ko ng tatlo tatakbo tayo ha" sabi ko sa kanya.
"1...... Hoy! Gago ka bat mo ko iniwan!!!" Sigaw ko at sinundan na sya sa pagtatakbo. Takte talaga yung lalaking yun.
Habang tumatakbo ako, hindi ko nakita na may humps sa dadaanan ko kaya nadulas ako. Hindi ko naman din inaasahan na mauuna pwet ko. Kaya hindi agad ako nakatayo. Parang tumama kasi yung buto sa humps. Kasalan to ni Kyle eh. Hay nako. Basa na din tuloy gamit ko. Buti iniwan ko lahat sa locker.
"Keith! Ano bang nangyari sayo?" Sabi ni Kyle at binuhat ako patayo. Tas pagtayo ko, bigla nyang hinablot yung dalawang hita ko. Tila tuloy kami bagong kasal na nagsusweetsweetan sa tagulan.
Tumakbo si Kyle at ibinaba agad ako sa may tapat ng gate namin. Binuksan ko na ang gate at pumasok na kami.
"Halika sa kwarto, magpalit ka." Sabi ko sa kanya at pumunta na kami sa kwarto ko.
"Kala ko ba maliit lang bahay nyo? Bat ang lawak? Pwedeng tambayan to." Sabi nya habang ineexplore ng mata nya ang bahay namin. Nasa pinto kasi sya at parang sumusilip sa labas.
"Anong tambayan? Tsaka malawak lang ang bahay namin. Tignan mo nga wala kaming 2nd floor." Sabi ko habang pumipili ng damit na susuutin nya.
"Eto o." Binigyan ko sya ng isang t shirt at isang sweat pants at isang brief na hindi ko pa nagagamit. Sana naman magkasya sa kanya lahat.
"Saan cr?" Tanong ni Kyle.
KYLE's POV
Pumunta na akong cr at nagpalit. Napanganga nalang ako pagpasok ko. Ang lawak kasi talaga. Tas may bathtub din sila. Pero mas malaki samin. Tas yung lababo nila parang yungg samin lang. Tas yung salamin, kasya 10 tao.
Nagpalit na ako at inilagay ang damit ko sa plastic na ibinigay nya sakin. May bago na naman akong gamit na binigay ni Keith. Dagdag ko to sa collection na binibigay nya sakin.
"KYLE? GUSTO MO BA MAGSHOWER KA NA DIN? BAKA KASI MAGAKASAKIT KA EH." Sigaw ni Keith.
"SIGE LANG!" Sigaw ko naman din.
"ETO YUNG TUWALYA MO AHH! NAKASABIT SA DOOR KNOB!" Sigaw nya at binuksan ko agad ang pinto.
Pagbukas ko, biglang lumaki ang mata ni Keith at tumalikod sakin. Kinuha ko yung tuwalya na isinabit nya sa may door knob.
"Bat ka tumalikod? May problema ba?" Tanong ko ng may pagtataka.
"Ka-kasi na-naka brief ka-ka lang e-eh" rinig kong sabi nya.
Naptingin ako sa baba ko at nakabrief nga lang ako. Nahiya ako at nagsorry nalang sa kanya. Sinara ko agad ang pinto. Nakakahiya talaga. Hard pa naman ako at naka bakat yung alaga ko. Medyo masikip din kasi yung brief na binigay nya sakin eh.
Hinubad ko ulit yung suot kong brief at nag shower. Sandali lang naman ako nagshower at nagpunas na agad. Sinuot ko ulit yung brief at sinuot ko na yung shirt at sweatpants na binigay nya sakin. Lumabas na ako bitbit ang plastik na may lamang basang damit.
BINABASA MO ANG
In Love With Him
HumorMasarap sa pakiramdam ang taong may minamahal, may taong nagmamahal sayo, at taong may nagmamahalan. Boy x Boy po ito. Kung ayaw nyo po ng gantong story ay wag nyo nang husgahan. Pero kung gusto nyo po ay magpatuloy lang sa pagbabasa. But I recomme...