KEITH's POV
"Keith!" Sigaw ni Kyle. Iniwanan ko kasi sya sa kiosk sa may parang park sa campus namin. Pero hindi ko naman sya literal na iniwan, tinaguan ko lang sya.
"Keith! Nakakainis ka naman eh. Hindi na kita sasamahan. Bahala ka!" Sigaw nya na tila batang inaway ng kalaro. Hahaha ang cute lang kasi.
Natawa ako dahil tila sya nawawalang bata. Ang bobo naman nito, nandito lang ako sa punong katabi ng kiosk, hindi padin nya ako makita? Hahaha. Natatawa talaga ako sa itsura nya. Ang cute kasi!!! Tas kapag seryoso naman sya ang pogi naman. Hay nako. Swerte namg magiging girlfriend nito.
Dahil sa pagtawa ko, hindi ko na nakita si Kyle sa paligid. Sinilip silip ko kung nasan sya habang nakatayo padin ako sa may puno. Tumalikod para tignan kung nandunba sya, pero nakita ko na wala din sya sa likod ko. Humarap ako at...
"Packing sheet!" Gulat ko nang makita ko si Kyle sa harap ko. Magkalapit ngayon ang mukha namin ni Kyle. Hindi ako makagalaw dahil sa kaba. Hindi ko alam ang gagawin ko. Dahil nakasimangot sya. Pero parang hindi naman sya galit.
"Anong trip mo?" Tanong nga sakin habang magkalapit padin ang mukha namin. Anghel!!! Kunin mo na akooo. Ang bango ng hininga nyaaa. Hindi tuloy ako makapagsalita dahil baka hindi mabango ang akin. Nakakahiya.
"Tara na nga. Uwi na tayo." Sabi nya habang nakasimangot padin. Kinakabahan talaga ako dahil baka nagalit nga sya.
Sinunod ko nalang sya at naglakad na kami papuntang gate. Walang nagsasalita saming dalawa. Tila tuloy kami nagaway ng walang dahilan. Hindi ko kaya ang ganto. Ayaw ko kasi ng may kaaway. Natatakot ako kapag may kaaway ako. Nakarating kami sa sakayan ng walang umiimik. Habang nabaabang kami ng taxi, bigla nyang hinawakan kamay ko.
"Wag muna pala tayong umuwi. Gala nuna tayo sa mall. Nagugutom nadin naman ako eh" sabi nya habang hawak hawak padin kamay ko. Kinikilig na ako at ramdam ko din na umiinit na ang aking pinsge. Hindi ko mapigilan.
"Ahh si-sige. Ayoko padi-din namang u-umuwi eh" pautal utal kong sabi. Shocks Kyle! Bat ba kasi ang pogi mo?
"Tara. Mag jeep nalang tayo papuntang mall" sabi nya at sumakay na agad kami sa jeep nung pumara si Kyle.
Hanggang ngayon hawak nya padin ang kamay ko. Hinihigpitan nya ito at napapalingon ako sa kanya kapag nagagawa nya yun. Nakangiti lang sya sakin kapag nililingon ko. Tila naman baliw to. Kanina lang nakabusangot tas ngayon nakangiti. Hindi kaya bipolar tong lalaking to? Sana naman wala. Hahahaa.
Naririnig ko din ang dalawang babae sa harap namin na nagbubulungan at mukhang kinikilig pa ang isa.
"Kaso mukhang bakla sila eh. Sayang naman gwapo pa naman sana." Rinig kong sabi nung isang babae. Aba so kapag na bakla panget na agad? Sabunutan kaya kita.
Pinipilit ko talagang tanggalin ang kamay ko sa kamay ni Kyle pero hindi ko matanggal. Ang higpit kasi talaga eh.
Nung bumaba na kami ng jeep, narinig kong sumigaw yung isang babae na "gwapo!!!". Natawa kaming dalawa ni Kyle at nilingon ito. Nakatingin samin ang babae. Kinikilig hahahaha.
"Bat mo hawak hawak kamay ko? Nasasaktan ako" sabi ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang kamy ko.
"Baka kasi taguan mo na naman ako eh. Ayoko pa naman ng pinagtataguan ako." Sabi nya ng malungkot ang tono ng boses nya.
BINABASA MO ANG
In Love With Him
HumorMasarap sa pakiramdam ang taong may minamahal, may taong nagmamahal sayo, at taong may nagmamahalan. Boy x Boy po ito. Kung ayaw nyo po ng gantong story ay wag nyo nang husgahan. Pero kung gusto nyo po ay magpatuloy lang sa pagbabasa. But I recomme...