//02 The BROKEN HEARTED

0 0 0
                                    

Dalawang linggo na din ang nakakaraan at nagsusungitan at nagtatarayan pa din kami nung hambog kong kaklase na si Ranz. Pag nagkakasalubong kami sa hallway ay sinisimangutan ko siya at iniirapan habang siya naman ay nginingitian lang ako. Nagpapacute siya eh hindi naman siya cute, lalo ngang nakakabwisit ang muka niya pag nakikita ko, lalo siyang pumapangit eh pangit na nga siya. At dahil magkatabi kami ay hindi ko din naman siya pinapansin, ni hindi ko nga siyaa nililingon eh kasi baka masira lang ang araw ko. Nakatalikod nga lang ako sa kanya pag nakaupo sa upuan yun at may 15inches na pangitan.

Hindi kami sabay ni Alima sa pagpasok dahil sabi niya ay magkikita raw sila ngpangit niyang boyfriend na si Jomarc. Bakit ba inis na inis ako sa kanya? Eh kasi naman, iniiyakan yun ng bestfriend kong tanga. Sino ba namang hindi mabibwisit dun diba? kaya ayun. Pagdating ko sa room ay hindi ko siya nakita. 6minutes nlang at magi-start na ang klase. Umupo na ako sa upuan ko at nakipagkwentuhan nalang sa katabi kong si Thei habang yung katabi ko naman na asungot ay nandun sa mga barkada niya.

"Arayyyy!"- may bumato lang naman saakin ng papel. Lumingon ako sa mga kaklase ko pero parang  wala naman silang napapansin. Mukang may nanti-trip na naman saakin bulong ko sa sarili

Maya maya ay may bumato na naman saakin. Lumingon ako agad at hindi ako mali ng hinala. Ang lalaking yun lang naman ang may gawa. Hinayupak talaga 'tong gorilla na 'to. Isang bato pa talaga at mapupuno na ako.

BOINK

""Ayy bwisit naman oh. talaga bang wala kang magawa sa buhay at ako lagi ang nakikita at pinagtritripan mong gorilla ka?!! Pakshet naman, pwede wag ako iba nalang. Bwisit!!!"-pasigaw kong sabi sa kanya dahil inis na inis na ako at ipinagbabato ko sa kanya yung mga papel

Pero imbes na matiwa siya sa ginawa ko, aba ang loko nginitian lang ako habang titig na titig saakin.

"Uyyyyyyyy!"-kantsaw ng mga kaklase ko.

"Sila na ba?"

"Bagay sila."

"Ang sweet naman."

"Nakskakilig nanan."

-_____-" narinig kong bulong ng mga kaklase namin. Bwisit naman oh. Ano naman kayang sweet at nakakakilig dun? Isa pa bagay daw, susme kelang pa naging bagay ang prinsesa sa gorilla? malabo yata ang mga mata nila. Nakakaasar na talaga siya.

Maya-maya pa ay dumating na si prof.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's All Fun and Games Until One Falls In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon