// Two

12 1 0
                                    


// Paula's POV


"Pwede ba kitang yayain sa prom?"

...

...

...

Panaginip ba 'to? Nagha-hallucinate na ba ako sa dami ng nakain ko? Sheeeeeeeeeeemay! Anong gagawin ko? Iiyak ba ako? Tatawa? Maglulupasay? Magwawala? Magpapakain?

NIYAYA AKO NI ANGELO SA PROM!!! AT HINDI AKO OKA-

*Inubo* *Nabulunan* *Nasusuka*

Shet.

Tapos nakaramdam na lang ako ng kamay na humablot sa buhok ko at kinaladkad ako papuntang basurahan. Si Ysa pala, tinatapik-tapik nya yung likod ko para mailabas ko yung nakabarang siomai sa lalamunan ko.

"Pati ba paghinga nakalimutan mo na?!" galit na bulong nya sa akin, "Ngayon mo pa naisip na sirain yung moment?! Pakyu ka."

Nang mailabas ko na sa basurahan yung nakabara, bigla na lang akong pinanganga ni Ysa at saka sinalpakan ng candy sa bibig, "Incase lang na gumawa ka na naman ng kahihiyan."

"Chance mo na 'to!" bulong nya sa akin. Bulong nga ba?! Ang lakas eh!

Tapos nakita ko si Angelo na nakatayo pa rin sa kung saan ko sya iniwan kanina, nakangiti sya sa akin. Buti na lang may candy ako, kundi amoy bruha yung bunganga ko. I love you talaga Ysa T_T

"Okay ka lang?" tanong ni Angelo. Hindi ako okay, ang bilis ng tibok ng puso ko! Sheeeeeeeemay! "Gusto mo ba ng tubig?"

Umiling ako ng konti, haler? Magpapabili pa ba ako ng tubig? Hahaha! Tinodo ko naman?

"So.. okay lang ba?" tanong nya ulit. Naku! Ayan na naman si heart ko na nagsu-super bass. "Tayong dalawa, sa prom?"

Anong isasagot ko? Oo? Eh hindi ba ang bilis ko naman? Eh teka muna, ba't ang arte ko? Minsan lang yan! Sasagot ba ako ng Hindi? Baka naman magpapalakad sya sa akin ng crush nya? O binusted ng nililigawan? Aaaaaaaaah! Ano?!

Tinignan ko si Ysa at nakita ko yung ngiting aso na nakadikit sa mukha nya. Hindi ako sure kung dapat, pero kung ako lang? Geshteh keh~

Umarte ayon sa lapad.

"Itatanong ko muna kay Mama kung okay lang."

Luh?

Saan galing yun? Kapag tinamaan ka tapaga ng tinapay! Tapos narinig ko pang nagpigil ng tawa yung mga kasama ni Angelo.

Gulat si Angelo sa sinabi ko, "Ah.. Hm.. Sure?" napakamot sya ng ulo. "Hihintayin ko.. yung sagot mo?" Pinahiya ko ba sya? Kasi naman eh! Kumakain kasi ng tao si Mama kaya hindi pwedeng hindi ko 'to ipaalam sa kanya.

-

Sa tricycle..

Hindi kami nagsasalita ni Ysa mula pa nung umalis si Angelo. Nahihiya ako mag-open up, tapos siguro gigil syang sabunutan ako. Ang awkward -_-

"Magpustahan tayo." nagulat ako.

"Ha?" - tanging nasagot ko.

"Pupusta ako, " sabi nya saka smirk "Hindi mo yan masasabi kay Tita."

NOOOOOOOOOOOOOOOOO!

Paano nya nalaman?! Kanina ko pa iniisip kung papaano ko sasabihin kay Mama yung tungkol dun. "Mama date ko po sa prom." "Mama manliligaw ko po." "Mama boyfriend ko po." "Mama buntis ako, sya po yung ama." "Mama asawa ko po." - pare-pareho lang yang mga salitang yan kay Mama, may asungot na pumoporma sa anak nya. Waaaaaaaaah!

Love PLUS+ SizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon