// One

13 1 0
                                    


// Paula's POV


5, 4, 3, 2, 1..

HAPPY NEW YEAR!!!!

*Boogsh* *Boooom* *Blasgshhh*

"Talon-talon para tumangkad!" sigaw ni Papang. Edi talon naman ako, gusto ko pa ring tumangkad eh. Woo! Hape Nyo Yir!

*Booglsh* *Boooooom* *Boooooom*

Ang saya saya talaga kapag bagong taon! Welcome 20XX! Be nice, be good, be awesome to meeeee! Woooo!

"Hoy Polang, hindi height ang dapat pino-problema mo, try mong bawasan ang kain mo para mabawasan yang timbang mo!" sigaw ng pinsan kong si Ysa. Lakas mang-basag ng trip talaga ng mga 'to -_-

"Oo nga, Polang! Magpapayat ka naman!" sigaw pa ni Tito Arnold.

"Opo! New Year's Resolution ko yan!" sagot ko sa kanila.

"Eh pang ilang taon mo na ba yang resolution? Bakit di ka nababawasan? Nadadagdagan ka pa kamo!" basag ni Ysa sa akin. Tapos sabay-sabay, lahat ng mga kamag-anak ko nagtawanan. "Mukha ka nang elepante!"

Aray naman! Dahan-dahan lang!

"Naku kayo talaga, etong dalaga ko na naman ang napag-tripan nyo!" sali ni Papang sa usapan, "Ang cute cute nga nya eh."

"Cute lang kapag bata, kapag dalaga hindi na." sabat ni Ate Pauline (Ate Polen kung tawagin ko) sabay kurot na braso ko. Palagi nyang ginagawa yun! Ang sakit kaya, bakat na bakat yung kurot nya sa braso ko.

"Aray Ate Polen!" sigaw ko sa kanya sabay hampas sa kamay nya, ganti lang. Hahahaha. "Masakit kaya!"

"Masakit? Echusera! Sa kapal ng taba mo, hindi ka na nakakaramdam ng sakit." asar nya, tapos ayun, nagsipaan na kami ni Ate Polen.

"Isa pang asar nyo kay Paula hindi na kayo makakakain ng media noche." babala ni Mamang sa kanilang lahat. "Tigilan nyo na si Paula."

Tapos ayun, nagsi-tigil na silang lahat. Si Mama lang talaga nakakapagpa-tigil sa kanilang lahat kapag inaasar ako. Si Papang naman kasi, hindi nga nang-aasar, pinu-puri naman ako. Lalo tuloy natutuwa yung iba na asarin ako.

Ay! Sorry, nakalimutan ko magpakilala.

Ako nga pala si Paula Sofia Tamayo, nice to meet you. Pasensya na dun sa kanina ha? Ganun lang talaga kaming pamilya, maingay saka magulo - pero masaya. Iniisip nyo bang and harsh nila mang-asar sa akin? Hahaha! Wag kayong mag-alala! Sanay na ako. Ikaw ba naman ang asarin mula bata pa, hindi ka ba naman kaya masanay? Saka may mas malala pa dun. Hahaha! Light pa lang yang mga salita nilang yan.

Ano bang dapat nyong malaman tungkol sa'ken?

Oo, mataba ako. 168lbs ako sa height na 5'2. Oveeeeeerweight. Kaya madalas akong asarin mula pa noon hanggang ngayon. Nung pinanganak nga ako, na cesarian pa si Mamang kasi hindi ako kayang ilabas ng normal dahil sa laki ko. Tapos kulang daw ang isang kahon ng gatas sa akin kada araw. Ang takaw ko ano? Hahaha! Hanggang ngayon naman eh.

16 years old na nga pala ako at kasalukuyang 4th year high school, hopefully ga-graduate na ako sa March! Yay! College na ako. Ano pa bang dapat nyong malaman tungkol sa akin? Gusto nyo bang malaman kung anong paborito kong pagkain? Paborito ko ang kanin at kahit anong luto sa baboy, manok at baka. Bihira akong mag-isda saka gulay pero kumakain din ako lalo na kapag may halong meat o itlog. Wow! Di naman ako mahilig sa junk food pero mahilig ako sa mga instant goodies. Basta kanin talaga ang kahinaan ko saka tinapay - lalo na kapag burger. Waaaah! Mas juicy mas malasa!

Love PLUS+ SizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon