// Three

18 2 0
                                    


// Paula's POV


Nanginginig ako, hindi ko inexpect na mangyayari 'to. Akala ko..

"Angelo!!" sigaw ng mga kaibigan ni Angelo habang tumatakbo papunta sa kanila ni Jikka. Nabangga ako nung isa. Sheeeeeeemay! Nagtawanan sila pagkakita sa akin. "Andito pala si Ursula!" - sigaw nung isa.

Nagtagpo ang mata namin ni Angelo, para bang gulat na gulat sa presensya ko, matapos ang ilang segundo umiwas sya ng tingin.

"Angelo, hinahanap ka ata nito eh! Di pa ata nya alam eh? I-kwento mo naman para masaya!" sabi nung isa nyang kaibigan sabay lapit sa akin. Hinawakan nya yung braso ko ng napakahikpit tapos hinila palapit sa kumpol nila. Sobrang diin ng kamay nya na kita ko pang nagmarka yun sa braso ko. Amoy alak ata sila? Alak nga ba? Di ba bawal yun?

Tinignan ko lang ulit si Angelo, blangko ang ekspresyon sa mukha. "Tama na yan. Tigilan mo na." mahinahong bulong ni Angelo sa kaibigan habang tinatanggal ang kamay nito sa braso ko.

"Asang-asa ka na date ka ni Angelo, noh?!" tawang tawa lahat silang magkakaibigan. Pati si Jikka napapangiti. "Kapal talaga ng taba mo! Pinag-pustahan ka lang namin kung kakagat ka sa yaya ni Angelo! Aba, naniwala nga! Mataba na, uto-uto pa!"

Malalakas ang mga boses nila habang tinititigan ako ng buong pandidiri. Ano bang ginawa kong masama? Bakit nila ako sinisigawan? Natatakot na ako. Pinipigilan ko lang yung luha ko, pero gusto ko na talagang umiyak.

"Akala mo ba niyaya ka ni Angelo kasi gusto ka nya?!" sigaw nung isa. Nagsimula nang magkumpulan ang mga umuusisang estudyante sa paligid namin. "Hoy! Mandiri ka nga! Sumuka ka pa nun, baboy ka kasi!"

Hinila ulit ako nung isa sa braso, sabay hila sa damit ko, halos mapunit ang strap ng dress ko sa lakas ng hila nya. "Putok na damit mo! Baboy!" tapos nagtawanan sila.

Pinigilan kong tumulo ang luha sa mata ko kasi alam kong lalo silang matutuwa kapag umiyak ako. Lumingon ako sa paligid at tahimik na naghanap ng tulong. Pero wala akong nakitang may gustong tumulong. Lahat sila nakangiti at mmasaya pa sa napapanood nila. Tumungo ako at pinikit na lang ang mata ko. Gusto kong maglaho sa hiya.

"Angelo! Hoy! Magsalita ka naman!" sabi nung isa tapos lahat nagsipagkantsawan na rin yung iba. Napakapit ako ng mahikpit sa laylayan ng damit ko habang nagdadasal ako sa utak ko. Iba ang Angelo na kilala ko sa Angelo na tinatawag nila ngayon. Alam kong tama ang pagkakilala ko sa kanya.

"Akala mo may gusto ako sayo? Pustahan lang yun, uto-uto."

Halos tumitigil ang tibok ng puso ko sa narinig ko. Hindi ko alam kung paano ipo-proseso sa utak ko ang mga salitang binitiwan nya. Maya-maya pa'y naramdaman kong nag-init ang mukha ko at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Pakiramdam ko matutunaw na ako.

"Tabi nga!!!" sigaw ni Ysa sa likod.

Tuloy-tuloy lang ang pag-agos ng mga luha sa mata ko habang nagsisigawan sila ng "Baboy! Baboy! Baboy!" Rinig ko pa ang lutong sa bawat salita nila at ang malakas nilang paghalakhak. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko para tignan si Angelo. Hindi ko sya nakita ng malinaw dahil sa mga luha ko, pero nakita kong umiwas sya ng tingin at saka umalis.

"Paula!" sigaw ni Ysa habang tinutulak ang mga kumpol ng estudyanteng nakapaligid sa akin. Kasama nya sina Clarisse at Aira. Lalo akong nanghina ng makita ko sila, halos bumigay ang tuhod ko sa sobrang panginginig nito. Napaupo na lang ako sa isang monoblock sa tabi ko.

*Click* *Clashfghs*

Biglang dumilim ang lahat, kasabay ng lalong paglakas ng mga tawanan nila. Nakaramdam ako ng hapdi sa siko ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love PLUS+ SizeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon