Prologue

85 0 0
                                    

"MIKMIK, halika nga rito at ihatid mo itong mga pakumbo at suman kay Miss Letty at kanina pa siya naghihintay," sigaw ng lola ni Micky sa ibaba ng kanilang bahay. 

Mula sa paglalagay ng kolorete sa mukha ay napatigil ang diyes anyos na si Micky. Kasalukuyang siyang rumarampa sa harapan ng salamin habang may koronang papel sa ulo at kumot na ginawa niyang gown. Mabilis niya iyong inalis at nakasimangot na bumaba. Mahirap na at baka makurot siya sa singit ng kanyang lola. 

"Aba pinapakialaman mo na naman ang aking Avon lipstick? Hinuhulugan ko pa nga iyan kay Teray at mauubos mo pa ata. Tinipid ko nga iyan at ginagamit ko lang kapag ako ay lumuluwas sa bayan," dinuro pa siya nito gamit ang hawak na sandok na gawa sa ulo ng niyog. "Punasan mo iyang nguso mo at nakakahiya naman kay Miss Letty na ganyan kapula ang iyong mga labi." 

"Lola, kunan mo rin ako ng lipstick kay ate Teray para hindi ko na gamitin iyong lipstick mo."

"Heh! Kay bata bata mo pa. Aanhin mo naman ang lipstick? Baka mangitim pa iyang mga labi mo kapag naglagay ka ng lipstick palagi."

Kinuha na niya ang dalawang bilao ng pakumbo at suman. "Lola, iyong pakumbo ko."

"Oo na, ako ay nagtira para sa iyo at sa lolo mo. Magkadugo nga kayo ang hihilig niyo sa matatamis." 

Ngumisi ako. Masarap kasing ipalaman sa tinapay ang pakumbo sa miryenda. Saka mahilig siya sa buko kaya paborito niya talaga iyon. 

"Sige na, ihatid mo na iyan. Ikaw ay mag-iingat sa pagbabike mo 'ah," paalala nito. 

Inilapag naman ni Micky ang mga supot sa harapang basket ng bisekleta niya at nagsimula na pumunta sa Sunrise Retreat Camp. Si Miss Letty ang may-ari ng lugar at palagi itong bumibili ng suman at pakumbo sa lola niya. Maraming tao ang bumibisita sa negosyo nito na hindi niya alam kung ano. Basta napapansin niyang maraming mga bata ang nagpupunta doon lalo na tuwing bakasyon sa paaralan. 

"Salamat, Mikmik. Heto ang bayad," nakangiting inabot sa kanya ni Miss Letty ang pera. Ang ganda ganda talaga ni Miss Letty. Gusto niya paglaki niya maging kasing ganda din siya nito. Pero mukhang mayaman naman ito. Saka napakaputi. Parang iyong napapanood niya sa TV na nga bampira na kumikislap sa liwanag. 

'Papano kaya kung bampira nga itong si Miss Letty?' anang batang isipan niya. 

Nakasalubong niya ang katulong ni Miss Letty na may dalang baso. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang pulang likido. 

"D-Dugo!" natatakot na sabi ko. 

Tiningnan ako ng katulong at sinabihan na manahimik. Nagmamadali naman akong umalis. Parang ayoko ng bumalik pa doon para maghatid. Papano kung inumin ni Miss Letty ang dugo ko? 

Sa may likuran ng resort nalang ako dumaan. May narinig akong mga batang kaedad ko na nag-uusap. 

"She's a witch! I can feel it. She doesn't look normal," sabi ng batang naka-pink at kulot ang buhok na mahaba. Halatang anak mayaman kasi ang puti puti din. 

"Ang cool nga non," sabi naman ng isa na maiksi ang buhok. "Gusto ko makakita ng tunay na bruha." 

"Ang tatanga niyo naman," komento naman ng isa pang bata na mukhang maldita. "Hindi naman totoo iyong mga witches. Saka hindi naman mukhang bruha si Miss Letty." 

"Tama siya, hindi naman bruha si Miss Letty," hindi ko mapigilang singit. Napatingin silang tatlo sa akin. 

"Kita niyo na?" nakangising sabi nong batang maldita. 

"Pero nakita ko siyang binigyan ng dugo kanina," bulong ko. Namutla naman ang tatlo sa sinabi ko. "Pakiramdam ko bampira si  Miss Letty." 

"Ay isa pa pala itong tanga," agad na sabi ng malditang bata sa akin maya-maya. 

"Totoo nga!" giit ko. 

"Let's find out tonight," sabi ng kulot na bata. 

"Hindi ko maintindihan," komento ko. Hindi pa ako magaling mag-ingles. 

"Sabi niya tingnan daw natin mamayang gabi," nakangiting sabi ng batang maiksi ang buhok. 

"Sasama ba kayo?" 

Nag-alangan ko silang tiningan. Parang mali pa yata na nakisali ako sa usapan nilang tatlo. Makukurot ako ni Lola sa singit nito. 

Sweet Payment (Praning Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon