Chapter 66 : Bienvenido a la tierra de Adequan

18.2K 484 39
                                    

Ilumina POV :

Pagkagising namin kanina ay gumayak na kami para maka alis na din kami.

We're currently following Gnar dahil alam niya daw ang papunta sa Adaquo.

"Malayo pa ba ?" Pang ilang ulit ko ng tinatanong Kay Gnar kung malapit na ba kami dahil kanina pa ko nangangati sa suot ko.


"Mina naman. Maghintay ka lang " sabi niyo.
Duh! Kanina pa ko naghihintay eh

"Lagi nalang ba kong maghihintay?" Sabi ko

"Tsk. Tigilan mo nga ko sa ka dramahan mo. Ayun na oh" tiningnan ko naman ang sinasabi nito at nakita ko ang karatulang nagsasabing,


' Bienvenido a la tierra de Adequan '

Wow! Susyal naman ng welcome nila.

Gawa kasi ito sa crystal kaya kahit tanghaling tapat kitang kita ang kinang nito.

Buti di ito nananakaw?

Ginanahan naman akong maglakad kaya halos takbuhin ko na ang distansya ko sa bayan.

Pagpasok namin ay ibat ibang kakayahang pantubig ang makikita kahit saan.

Wow lang ah...

Ang galing naman nila. Pero mas kelangan Kong maligo ngayon.

Naglakad pa ko para makahanap ng kahit na anong batis o ilog na puweding paliguan.


"Huy! Saan ka pupunta?" Takang tanong ni Gnar na nakasunod sakin.

"Maghahanap ng pagliliguan" sagot ko

"Hanap nalang tayo ng inn o yung katulad nung tinulugan natin kagabi!" Suggest nito.

"Gusto ko sa ilog eh" maya maya lang ay nakakita na ko ng isang falls.

Wow ang ganda talaga.

I believe this is the work of the people here.

Napaka linis at napaka ganda eh


"Bawal to." Napatingin naman ako sa sinabi ni Gnar.

"What do u mean na bawal?" Naguguluhan Kong tanong.

"There is a rule here na bawal pagliguan ang anumang uri ng tubig dito. Aside only sa mga poso o balon" sabi nito.

Napanganga naman ako sa sinabi nito.

Wow lang ha. How come na pinaghirapan nila pero di nila napapakinabangan?

"Hoy! Sino ka? Bawal magtambay dito baka madumihan ang tubig" sita ng isang lalaking nakagayak pang kawal.

"Pasensya na po. Aalis din kami." Sabi ko at umalis nalang kami.


Nadismaya naman ako sa nalaman ko kaya nawalan na din ako ng ganang maligo.

Naghanap nalang kami ng matutuluyan para doon nalang ako maligo.


Along the way ay napansin ko ang isang matandang lalaki na pinagbubugbog ng dalawang kawal.

Lalapitan ko na sana ang mga ito ng pinigilan ako ni Gnar.

"Don't. Gusto mo bang tayo naman ang paginitan ng mga yan? Tandaan mo Mina, malayo pa ang labasan sa bayan na to. " paalala sakin nito.

The Golden Eyed Demon HuntressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon