♥ Day 4 ♥

151 6 0
                                    

Day 04

Epic Fight

*Alarm clock ringing*

Distorbo naman, inaantok pa ako eh!

Pinatay ko kaagad yung alarm. Langya di ko pa mamulat mata ko sa silaw.

Tulog nga muna.

34 minutes later...

'... At sa Monday na ang pasahan.'

Monday? Tapos Sabado ngayon?! ANAK NG-

Dali-dali akong bumangon dahil bibili pa pala ako ng mga materials para sa project namin. Sa Monday ang pasahan!

Linis ng bahay...

Kain almusal...

Ligo...

Bihis at ayos...

Labas ng bahay...

Sakay sa jeep.

Haaaay nakasakay din! Di pa ako pupunta ng mall dahil magtatrahaho pa ako. Syempre, di ko naman dapat abusuhin yung pera nila Mama at Papa no. Dapat may sarili din ako, yung pinaghirapan ko.

Makailang saglit pa ay nandito na ako. "Ma, para po."

Agad namang huminto ang jeep kaya bumaba na ako.

"Parang may humahabol ah." Patay. Si Maam Serene pala.

"Ah oo po eh. Maam, simulan ko na po, una na ako." Aalis na sana ako pero pinigilan nya ako.

"Magpahinga ka muna. Mukha kang hinabol ng kabayo sa hitsura mo. Pumasok ka sa kwarto ko tapos dun ka mag-ayos, pahahatiran nalang kita ng kape kay Licia."

"Wag na Maam. Ok na po ako, magpapalit na po ako."

Syempre wala ng nagawa pa si Maam Serene. Alam naman nyang di ko ugali yun kaya hinayaan na nya ako.

Waitress ako dito sa isang coffee shop. Kahit coffee shop lang to, parang restaurant sa ganda at laki. Mabenta kasi ang mga kape dito. Nung matikman ko nga, pwede ng panapat sa mga sikat na coffeehouse eh.

Agad akong nagpalit ng uniform namin dito. Di kasi pwedeng basta-basta ang ayos mo. Lumabas na din ako pagkatapos. Madami kami ng mga working student dito. Required naman kahit di ka pa 18 years old basta may tyaga ka, nasa'yo yung hinahanap nila, pwede na.

Madaming costumer tuwing umaga tulad ngayon. Ay tama na nga. Thea, trabaho na.

"Oh Thea, hatid mo to sa number 10."

Agad kong kinuha yung espresso at cappuccino tsaka nilagay sa tray. Go Thea!

"Maam, Sir, here's your coffee. Have a nice day!"

Kahit dito lang, kelangan kong magpaka-hyper, kelangan kong maging masaya. Trabaho to eh. Wala namang tatanggap sa taong puro simangot ang alam.

"Eto hatid mo sa 24."

Yun ulit, kuha ng kape, lagay sa tray, hatid, balik, paulit-ulit.

Naka-ilang serve na ako nang dumating si Maam Serene, lumabas kasi kanina.

"Daming costumers no? Pahinga ka muna."

Kahit mabait si Maam, tinatanggihan ko talaga.

"Wag na po Maam, baka mainip po yung mga costumers sa dami nila." Pagtanggi ko. Ngumiti si Maam ng tipid.

"Mapipilit pa ba kita? O sya sige, may nag-order ng iced latté tsaka cheese overload ensaymada sa number 4 ihatid mo na... Pwede ka ding tumagal dun..."

Thirty Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon