♥ DAY 0 ♥

372 15 4
                                    

Love. Family. Friends.

Yang tatlong yan... ang wala ako.

Money

Meron. Pero hindi ako magastos at maluho.

Looks

I dunno dahil wala pang nakapagsabi nyan at wala akong pakialam sa mukha ko.

Talents

Wala. Hindi ako mahilig sa mga ganyan.

Favorites

Kahit ano.

Boyfriend

Yan na yata ang imposibleng bagay na makukuha ko. Wala nga akong kaibigan tapos magkakaboyfriend?! Like, WTF!? Nakakagago diba?

Enemy

Wala. Tahimik akong tao eh. Isang nobody. Hindi mahilig makipag-usap at makihalubilo sa tao.

Pero mukhang may mapupunan sa isa sa mga nabanggit ko dahil sa katabi ko.

First time ito! Yeah! Dahil magmula pa noon ay mas pinipili ko ang upuang nasa sulok sa dulo at katabi ang bintana. Wala ring nagtanggkang tumabi sa'kin dahil:

"Psh. Di naman chics eh."

"Walang kwentang kausap yan!"

"Haaay. Talk to my ass! Isang tanong, talagang isang sagot lang!"

"She's not pretty!"

"Di naman makopyahan."

"She's not sikat!"

"Para ngang pipe yan eh! Pwede ring tuod."

Yan ang mga reklamo nila. And so what? I dont even care kung may katabi man ako o wala. Nasa kanila yan at walang problema sa'kin. Pero ngayon, mukhang ako ang mamomroblema.

Its a bottle of friendship, lovelife and war-fightlife. At nakay-Tadhana ang huling halakhak.

"Hindi ka na talaga nadadala no?! Mr. Asuncion! For goodness' sake! Ilang years ka ng namemerwisyo rito! Ilang years ka ng nagpapaiyak, nandidiscriminate at nambubugbog! Ultimo mga teacher mo hindi mo pinapalagpas! Rex naman! Tumino ka!" Humugot ng malalim na paghinga yung teacher na sumasaway sa katabi ko.

He's the famous badboy. Ang badboy na bully, baliw, tarantado at papansin.

Huh. Kahit sino, kilala ang gunggong na yan.

"This is your last chance, Rex. Ito nalang din ang natitirang room na hindi mo pa napapasukan. Sana naman matauhan ka. May magreklamo lang dito, ni isa! Alam mo na kung saan ang bagsak mo. Sinasab–"

"Hindi mo sinabi sa'king pinaglihi ka pala sa armalite." Putol ng bastos na katabi ko.

"Asuncion!" Saway ng adviser namin mula sa harapan. Narinig yata nya na may bastos na nagsalita. Hindi na ba nahiya 'tong Rex na 'to!? Bukod sa nakadistorbo sila ng klase, may dalawang teacher ang nakarinig ng walang modo nyang sabi.

"Dalawa kaming Asuncion, sino ba? Ay hindi, ako lang pala." Ha? Paanong dalawa? Sino ba yung kasama nya?

"Rex! Dont be sarcastic!" Saway nung teacher.

"Did I gave you a permission to control or manipulate me? Wala akong maalala." Cool lang syang sumandal sa armchair at nag-de-quatro pa na akala mo ay nasa bahay.

"Pero sana wag mo silang idamay."

"Pakialam mo ba?" Sabay irap nya. "Titingin-tingin ka?" Napa-atras ako nang mapansin nyang tinititigan ko sya. "Gwapo ba? Masanay ka na." Yabang.

Thirty Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon