No

90 2 2
                                    

Chapter 6

No

"Omg. Omg. They're a couple now! Hindi pwede!"

"Bes, edited yan! Edited yan diba?"

"Tinamaan na nga ng lintek si Asuncion, dre!"

"Jusko! Si Celeste ba talaga yan?!"

"Lumabas na ang tunay na ugali ng bruhildang yan, Mars. Napaka-bitch!"

"Terror couple 'to, beh! The Bitch and the Beast!"

"Masaya ka pa habang ako nanggagalaiti dito!"

"Naiinis din ako no! Syempre since first year hindi pa ako nagkaboyfriend though maraming nanliligaw, nirereject ko. TAPOS AFTER ALL YUNG HINIHINTAY KO NAPUNTA SA IBA! MYGOD!!!"

Humigpit ang hawak ng kamay ni Rex kay Risse, mukha kasing natatakot na ito dahil sa mga naririnig. Batid ni Risse na kaiinisan sya ng mga tao sa paligid pero hindi nya inasahang ganito sila karami.

Kumpol ng mga estudyante ang nakaharang sa dadaanan ng dalawa. Isang collage kasi ng mga litrato kahapon ang nakapaskil sa bulitin board.

"Tatabi o iisa-isahin ko kayong itutulak? ANO!?" banta ni Rex sa mga nakaharang. Nakayuko lang si Risse at kinukutkot ang kuko, natatakot syang humarap dahil ang daming may galit sa kanya.

"Marisse, umayos ka. 'Wag kang yumuko, ako ang bahala sa'yo," pasimpleng bulong ni Rex ka Risse kaya gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni Risse at humarap sa mga tao. "Wala talagang tatabi? Ha!?" Sigaw ni Rex sa mga nakaharang. Ayaw nya munang manakit dahil baka pati si Risse, matakot sa kanya saka iniingatan rin nya si Risse sa pamamagitan ng pananakot sa mga taong may gusto sa kanya.

May ilang tumabi, may nakayuko lang, may tulala sa litrato, may masama ang tingin kay Risse kaya nainis na talaga si Rex. "Bwisit." Hinila nya agad si Risse palayo sa mga tao.

Mayamaya, natapos din sa paglalakad-takbo ang dalawa, medyo hinihingal pa nga.

"Whoo! Kahit kailan talaga ang bastos mo! Nakita mo nang tulala ako tapos bigla kang manghihila! Gago ka talaga eh no?" Sermon ni Risse kay Rex.

"Ikaw din eh, ang daldal mo," sisi ni Rex.

"Sungit alert! Sungit alert! Tara na nga sa room– ay! Rex?"

"Ano na naman? Yung Axx na naman ba?" Biglang natawa si Risse sa reaksyon ng mukha ni Rex.

"Haha. Yiiie! Selos ka? Hahaha. Hindi no! Ano..." umandar na naman ang kakulitan ni Risse kaya malambing na kumapit sya sa braso ni Rex. "Cutting tayo, ngayon lang po pleeeeeaase?" Sabay pa-cute nya at nagtaas-baba pa ng kilay.

"Cutting? Kailan pa na-register sa utak mo yang salitang yan?" Takang tanong ni Rex.

"Aaah... ngayon lang? Tara na pleeeaase? Please please please kuyang gwapo! Dali na! Promise! One week kong hindi hahanapin si Axx! Dali na po! Dali na ha?" Parang batang pagmamaka-awa ni Risse kay Rex.

"Promise promise. Bakit ka naman magka-cutting?" Kunot noong tanong ni Rex.

"Aaah? Shopping! Dali na ha?" Tumatalon-talong pagmamaka-awa ni Risse.

Rex can't do but to laugh because of Risse. This is the first time he saw Marisse' childish side. Ganun pala sya kakulit, ganun pala sya ka-cute.

"Psh. Oo na. Mukha kang tarsier dyan sa braso ko–"

"Wateber! Dali! Buhatin mo ako na parang bagong kasal! Tapos sabihin mo kay Manong guard, "Kuya! Yung girlfriend ko hinimatay tapos sarado pa yung clinic! Dali na kuya! Palabasin nyo na kami!" Ganern! Tapos iyak ka– pfft  basta. Ha? Ha baby Rex?"

Thirty Days Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon