제사(Fourth)

518 26 11
                                    

Dedicated po kay -chanbaekbooty Hi po authoooor! Dahil po sa 'It's Still you' nahawa na ako sa angst nun hahahaha! KaiSoo po ito pero okay lang po yun diba? HAHAHA! Sana magustuhan niyo po iteeey~ /muaaah/  

∞ ∞ ∞

Six months and three weeks  na si Baby Jongsoo ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Six months and three weeks na si Baby Jongsoo ngayon. Halos dalawang buwan na lang at manganganak na ako. Tatlong araw nang wala si Krystal dahil umattend siya ng isang workshop sa WOLF Academy (School of Arts). Gusto daw palang mag-artista ni Krystal kaya sa ganoong school siya pumasok. Ibig sabihin, kami na lang ulit ni Jongin ang magkasama.

Pero, wala pa siya. Nagpaalam kasi siyang pupunta daw muna siya sa isang convenient store. Ako lang mag-isa ngayon kaya nakakabagot talaga. Naisip kong tawagan muna si Baekhyun. Kakamustahin ko lang yun.Halos isang buwan na din ang nakalipas mula nung huli naming pag-uusap.

[Yeoboseyo?]

"Hello, Baekhyun?"

[Kyungsoo? Ikaw ba yan?]

"Oo. Bagong gising ka noh?"

[Oo eh. Pasensya. Bakit ka nga pala napatawag?]

"Wala naman. Gusto sana kitang kamustahin."

[Okay lang ako Kyungsoo. Mas masaya pa ako sa masaya ngayon.]

"Anong ganap?"

[Kami na ni Chanyeol, pero di pa official.]

"Ano? Ang gulo mo naman."

[Mahirap talaga intindihin Kyungsoo. Pero, alam kong nagkakaintindihan na kami Chanyeol. Ang alam ko lang ngayon ay masaya ako at nararamdaman ko ang pagiging buo. Ikaw Kyung? Musta na?]

"Masaya akong masaya ka Baek. Ako? Well, may hindi talaga ako naikekwento eh."

[Ay! Madaya ka! Ano yun ha?]

"Si Jongin. Boyfriend siya ng kapatid ni Yixing hyung. Kaya, dito rin nakatira si Jongin. Nasa iisang bahay kami. At, alam na rin niya na siya ang ama ng dinadala ko. Gladly and fortunately, tinanggap naman niya."

[Di ako makapaniwala Kyungsoo! Hanggang Busan malandi ka!]

"Gaga! Pinagtagpo lang kami ng tadhana."

[Eh, paano yung girlalu? Yung jowa ni Jongin? ]

Inilapag ko muna yung telepono ko sa dining table at ni-loudspeaker ito dahil kukuha ako ng tubig. Medyo nauhaw ako eh. "Ah yun ba? Mabait si Krystal kaya nga di ko pa masabi sakanya dala nitong konsensya ko."

[Ano naman ang status NIYO ni Jongin?]

"Kami? Nakakatawa ka talagang bakla ka! Walang kami. Pero may karapatan siya sa anak namin. Wala akong balak agawin siya kay Krystal. Pinatawad ko na rin siya. Okay na maging magkaibigan man lang kami para sa anak namin."

GONE [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon