ii.

15 1 0
                                    

Lumipas ang ilang taon, nakatapos na ako sa kolehiyo at nakapagtrabaho sa ibang bansa. Nakabili na ko ng bahay, sasakyan, nagawa ko na ring makalibot sa iba't-ibang bansa pero kailanman hindi ako naging masaya. Kasi wala ka. Wala pa rin akong balita sa'yo. Nauso na ang Facebook at hinanap kita. Marami kang kapangalan pero wala. Hindi ko mahanap ang account mo. Hanggang sa sinubukan kong hanapin ang mga kapatid mo.

Nahanap ko sa Facebook si Nicolai, ang kuya mo, kaya naman 'di na ko nagdalawang isip pang i-message siya. Kinamusta ko siya at ang pamilya niyo. Naglakas loob na rin akong itanong ka sa kanya. At sa wakas, makalipas ang dalawang araw ay nakatanggap ako ng reply mula sa kanya. Halos maiyak ako nang mabasa ang reply ng kuya mo. Nagpadala siya ng mga larawan ninyo, mga larawan mo. Iba't-ibang larawan pero iisang ngiti lang ang pumukaw sa aking paningin. Pero hindi ko na napigilan ang luha ko sa huling larawan. Ikaw na nakangiti at nakasuot sayo ang isang wedding gown. Nakangiti ang mga labi mo ngunit iba ang sinasabi ng iyong mga mata. Tinignan ko pa ang mga larawan mo at tuluyan nang kumirot ang puso ko nang makita ko ang asawa mo. Ikinasal ka na pala kay Kurt tatlong taon na ang nakalilipas. Nagkabalikan pala kayo. Masaya ako, kahit masakit, kasi masaya ka.

Pero hindi nagtagal ang naramdaman kong tuwa dahil sa mga sumunod kong nabasa. Ang sabi doon, "Jude, sorry pero wala na si Elise. Namatay siya last year dahil sa pagbubugbog ng asawa niya. Nalulong sa droga ang asawa niya at hindi namin inasahang darating sa puntong ganoon ang mangyayari. Nakakulong na ngayon si Kurt. I'm sorry, Jude. Alam kong mahalaga sayo ang kapatid ko."

Bakit?

Sobrang sakit. Hindi ko alam na may mas titindi pa pala sa sakit na naramdaman ko nung iniwan mo ko. Ang sakit sakit. Ilang mga panahon ang sinayang ko. Sana kung hindi lang ako nagpaka-gago, hindi mangyayari sa'yo 'to. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa'yo.

Umuwi ako sa probinsya at dumaan sa bahay niyo. Doon, iniabot sa akin ng nanay mo ang diary mo nuong bata ka pa at ang mga journal mo sa kolehiyo. Dinalaw kita sa sementeryo kung saan ka inilibing. Dala-dala ang mga puting bulaklak, umupo ako sa may lapida kung saan nakaukit ang napakagandang pangalan mo-- Ma. Elise G. Lopez

Ma. Elise de Leon Gonzales noon.

Parang kailan lang, 'yan ang pangalang paulit-ulit mong isinusulat sa kwaderno mo.

Parang kailan lang, 'yan ang pangalang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko.

Pero hanggang ngayon, Elise, ikaw pa rin.

Binuklat ko ang diary mo at nagsimulang magbasa. Naalala ko pa 'tong sulat na 'to, sulat mo 'to nung nasa elementary palang tayo. Nakakatuwa. Sana bumalik tayo sa panahong iyon; sa mga panahong maayos pa ang lahat.

"...nakakatuwa kasi di ako sinumbong ni Jude! Ang bait niya. Sana maging friends kami..."

"Nakakainis si Claire, lapit nang lapit kay Juds. Akin lang ang bestfriend ko!"

"Birthday ko ngayon! Haha! Niloko ko si Juds. Kunwari nagpalit silang card ni Kurt. Akala ko magrereact siya pero hindi. Bat ganun? Tapos biniro ko siyang crush ko si Kurt, naniwala naman. Tsk, uto-uto talaga. Pero ang cute cute ng bigay niyang baboy na stuffed toy! Ito na bago kong yayakapin pag natutulog ako. Siyempre bigay ni Juds 'to eh."

"Lapit nang lapit si Kurt. Nakakainis, akala mo gwapo, mas gwapo naman si Juds sa kanya."

"Umamin si Kurt na crush niya daw ako. Anong gagawin ko? 'Di ko naman siya crush eh."

"Bat ganito? Tuwing malapit si Juds sa akin lumalakas kabog ng dibdib ko? Crush ko na yata si Juds. Huhu. Di pwede! Bestfriend ko siya eh!"

"Graduation day ngayon. May lokong nantrip sa akin sa text. Pero buti nalang kasi nalate ako at nakatabi ko si Juds."

"Dear Jude, di mo to mababasa kaya naman sasabihin ko na. Mahal kita, di lang bilang bestfriend. Dati pa kita crush. Hindi si Kurt crush ko! Ayoko dun. Mayabang! Juds... Mamimiss kita. Good luck sa high school!"

"May nagchat sa akin ngayon. Si Juds! Grabe ang saya saya ko!"

"Nakakatakot si Kurt. Ayaw akong tigilan. Sinasaktan niya na ko... Natatakot ako."

"Sinagot ko si Kurt. Sabi kasi niya lagot ako kapag pinahiya ko siya sa harapan ng stage... Pero di ko siya mahal. Si Jude ang mahal ko."

"College na! Tama pala lahat ng balita na nakalap ko, dito rin nga mag-aaral si Juds. Nakita ko siya! Ang gwapo niya lalo! Alam kong dito siya mag-aaral kaya naman pinilit ko sina Mama na dito nalang din ako. Miss ko na talaga si Juds!"

"Hinatid ako ni Juds sa dorm. Kinikilig ako!"

"Magkapartner kami ni Juds sa report. Ang saya-saya!"

"Napansin kaya ni Juds nung tinititigan ko siya? Grabe ang ganda ng mga mata niya..."

"Hindi pa rin ako tinitigilan ni Kurt. Tuwing magkikita kami pinipilit niya kong halikan at hawakan. Gusto ko siyang labanan pero ang lakas lakas niya. Hindi ako makapaglaban kasi sasaktan niya lalo ako."

"Pinilit akong hubaran ni Kurt pero naglaban ako. Hinawakan niya ko sa maseselang bahagi ng katawan ko at wala akong magawa. Pero pinukpok ko ang ulo niya ng flower vase kaya naman napaluhod siya at nakatakas ako. Ayoko na. Takot na takot na ko."

Ilang oras kong binasa ang mga sulat mo sa diary mo at journals. Wala na kong nagawa kundi umiyak sa mga nabasa. Mahal mo rin pala ako, Elise? Ba't di mo sinabi kaagad? Mahal na mahal din kita eh.

Putangina. Ang laki kong gago. Isa akong malaking tanga. Duwag. Torpe. Kung naglakas loob lang sana akong sabihin ang nararamdaman ko para sayo, hindi mangyayari sa'yo 'to.

I'm so sorry, Elise.

Sorry kung hindi ko nasabi sayo kung gaano kita kamahal. I'm sorry, Elise. I did this to you.

Sana noon ko pa sinabi na ako talaga ang nagbigay ng stuffed toy sayo.

Sana noon ko pa sinabing nagseselos ako kay Kurt.

Sana noon ko pa sinabing crush kita.

Sana noon ko pa sinabing gusto kitang makatabi sa graduation.

Sana noon ko pa sinabing gabi-gabi ikaw lang ang gusto kong makachat.

Sana noon ko pa sinabi kung gaano ako kasaya noong nagkita tayo sa hallway.

Saan noon ko pa sinabing hindi ko kayang wala ka.

Sana noon ko pa sinabing matagal na kitang mahal.

Mahal na mahal kita, Elise.

Sana hindi nalang nangyari 'to.

Sana tayo nalang dalawa.

Sana, pero hindi ko nasabi.

- Jude

Hindi Ko NasabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon