ANG BANGIS MO

13 1 0
                                    


"UGHHH! ANSAKIT NG TUHOD KO!" Mikay.

"Aba. Sabi kasing 3 ikot lang nilima mo eh." Nami

"Syempre hindi daw mamemaintain yung pagka-'fit' niya kapag tatlong ikot ng takbuhan.diba Mikay? Ginusto mo yan eh"

Babatukan sana ako ng baklang 'to pero hinarang ko yung chocolate na kinakain ko sa mukha niya kaya ayan siya na ngumangasab non. Nagjajogging tapos kakain pagkatapos. ganyan kami wala kayong pake :P

"Oy mga beks kita nalang tayo sa Monday. Matutulog ako maghapon bukas walang iistorbo." Kira. Grabe 'to. matulog ka na kaya habang buhay LOL

"AKO DIIIIIN!!! WALA MUNANG KAGALAAN HA." Si Mikay. Pwede namang magsalita ng mahinahon. pero.. di naman sa kanya uso yon -_-

"Te Coming from you? Ikaw nga ang pasimuno sa lahat ng kagalaan natin no" Nami.

"Sa Kagalaan lang. Pero sa kalandian si AE pasimuno no" Mikay. Puta pati ako nadamay

"Umuwi na kayo. Pagkabilang ko ng tatlo at hindi pa kayo nakakatakbo mawawalan kayo ng kinabukas----"

*WHOOOOOOSH*

"Ambilis di pa ako nakakabilang. Tumakbo agad ganon?"
Well para na akong tanga dito na kinakausap yung sarili ko. Okay lang at least tahimik akong makakauwi mag-isa hihi

~~~~~

Pagdating sa bahay naligo, kumain (makakalimutan ba yon) tapos natulog na rin ako. Bakit ko ba sinasabi yung mga ginawa ko? Diary lang? Basta. Paggising ko ng umaga naghanda na ko. Pupunta akong mall mamaya para kausapin yung Coach namin sa film. Well nagfocus lang siyang magcoach samin last year. pero ngayong year may work na siya at hindi niya na kami matutukan ng bago kong prod team. Yung dati ko kasing prod team mga College na. bali kami na lang ni John ang natira kaya kami ang pinahandle ni Ma'am Helen para sa Bagong competition ngayon year. Pero official team na kami nung dati kong team. Bali
Kasama talaga ako sa isang prod team na hindi lang panlaban sa mga schools kundi pati Internationally. In short kaya lang nabuo yung bago kong team ay para sa school purpose pero yung official film team ko talaga ay yung kasama si Sir, Chew (Yung coach namin)

Andami ko ng sinabi. Aalis na nga ako. napakadaldal niyo eh

Pagkadating sa Mall nahanap kaagad ako ni Sir. Syempre ako hahanapin nyan. alam niyang di ko siya pupuntahan agad sa kung nasan siya eh. Sinabi lang niya sakin yung new projects namin. Tsaka ko na yon sasabihin. Andami niyo ng nalalaman aba

At dahil Nanay ko si Dora nag-stroll muna ako. Nahawa na ako ng pagka-gala kay Mikay jusko

Pumasok muna ako ng Booksale, para maghanap ng libro syempre :3

Kukunin ko na sana yung libro ni Bob-Ong kaso may kamay na kukuha din non. Napaka-cliche jusko. Iba naman author aba.

"Coincidence 'to promise. Di kita sinusundan." Yung poging rubber shoes. ay yung may-ari pala (parang ambastos non o hinde?)

"Gago. Tigilan mo ako lalake. Makakatikim ka na sakin." .

"Anong matitikman ko? *le taas babang kilay*" Poging Rubber shoes. Hayop to ah.

"Yung kamao ko. Wag kang ano dyan"

"Halika ka na kain na tayo alam ko namang gutom ka na wag ka ring ano dyan." *sabay hila sakin*

"Tangina hinawakan mo ko."

"Ano naman? hinawakan ka lang sa kamay eh. Tsaka wag ka ngang magmura tangina"
Pakealam ba nitong hayop na to

"Nagmura ka din tanga"

"Isa pa tingnan mo." Makabanta tong tsonggong 'to

"Wag kang magbanta para kang bakla."

" Anong connect? -_-" Irap pa 'tong poging rubber shoes na 'to

"Wala. Pinag-rhyme ko lang."

"Weh? Sinabi mo lang para akong bakla para mahalikan kita. Tactics niyong mga babae nako." Feeling 'tong gagong 'to

"Wag kang feeling tsonggo"

"Gusto mo lang mahalikan kita. tss." Poging Rubber shoes

"Ang yabang mo pwede ka ng gawing electric fan"

"Andami mo pang para-paraan gusto mo lang naman talagang mahalikan." Naghahanap ng gulo 'tong hayop na 'to eh

"Sige halikan mo nga."
Nanlaki yung mata niya jusko. Wala pala 'to sakin eh

"Ang bangis mo."

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon