ANG POGI NG RUBBER SHOES MO.

12 0 0
                                    


"AE san ang setting ng scene 1?" Jazz

"Teka kukuhain ko kay CJ yung Scipt."

"Hep nasa akin na~" John

"Akin na. Baka irevise pa."

"AE wag mo akong papahirapan ha." CJ.

"Hindi naman kita papahirapan papaabutin lang natin ng draft 69."

"WHAT?! Grabe naman! dinaig mo pa revision ng ABS-CBN" CJ

"Pabasa mo na sakin para makapagrevise ka na ng isa. para 68 na lang *le taas babang kilay*"

"Akin na kasi John! Pag ako pinahirapan ni AE ikaw papagawin ko ng draft 69!!"

Binigay naman ni John yung script sakin, natakot ata. Binasa ko na yung script. Okay naman. kailangan lang talaga ng revision. mga 69 nga sigurong draft hehez

"Revise mo CJ. Palitan ang setting ng Montage. Sa isang park na lang siguro yung montage. Emphasize mo yung pinapahiwatig ng Dialogue ng bidang babae. More details sa bahay na tinitirahan niya at Paltan mo yung pangalan nung bida. Dadagdagan na rin yung characters o mga kaibigan niya."

"Ok AE. Oy Jazz na isulat mo ba yon ha?" CJ

"Yes Boss. Alam kong tamad ka eh :P." Jazz

"Kailan ko ipapasa? Sa isang Linggo?"

"Syempre... hindi. Sa isang araw. wala tayong meeting bukas."

"Grabe! Torture AE. May test pa tayo sa Calculus sa isang araw. hassle naman. di na lang ako matutulog." CJ

"Good Idea."

Nasa Room lang kami, katatapos lang ng klase. Wala yung ibang members kasi iba yung sched nila kaysa samin nila CJ..

"Direct diba walang meeting bukas? Saturday naman.. sooo Gala nalang tayo. bonding baga." CJ

Oo nga Sabado bukas.. ambilis ng araw, malapit na agad kaming mag-shoot. malapit na rin kasi yung deadline. mabuo lang yung script.. ayos na.

"Di ako pwede bukas. Maybe next time."

"Ang KJ naman Direct." Len

"Nagsalita ang hindi KJ~ *insert sarcasm*" Jazz

"Che~" Len

"Bakit di ka pwede bukas Direct?" Mel

"Sasagutin ko yang tanong mo kung tatandaan niyo 'to.. Wag niyo akong tatawaging 'Direct' kapag hindi tungkol sa film ang pinag-uusapan natin.. baka masanay kayo, hindi araw araw Director ako. Napapansin ko pati sa klase yun yung tawag niyo eh. Tawagin niyo na lang ako sa pangalan ko basta wag lang first name."

"O sige na AE." CJ

"better."

"Sabihin mo na AE kung bakit di ka makakasama bukas." Mel

Ang kulit naman aiiish.

"Wala lang. basta next time na lang. Uwi na rin pala ko bye."

"Aaay.. sige bye Ingat ka." CJ

"Bye~ Ingat ha!" Mel, Jazz at Len

"Ge."

Joke lang na uuwi na agad ako. Kakain muna bruuh because Tom Jones na hihi
Since may malapit na 7/11 sa school namin.. dun na lang, wag ng pabebe pa. gutom na ako. at masama talaga akong magutom.. nangangagat ako ng noo. LOL

Kaunti lang yung tao pagdating ko sa 7/11. buti talaga di masyadong nagtatatambay yung mga schoolmates ko dito wooo
Pag kapasok ko palang sa loob may nakaagaw na agad ng atensyon ko.. isang poging rubber shoes, I mean lalaking may poging rubber shoes hihi.
Wala eh dun kaagad ako napatingin sa rubber shoes niya. Tiningnan ko yung mukha. Pwede na since may pogi siyang rubber shoes. Naaastigan kasi talaga ako sa may mga poging rubber shoes. Aisssh enough with that rubber shoes. Gutom na talaga ako.

"Oo nasa 7/11 ako." sabi nung may poging rubber shoes, ayyy ayan na naman sa rubber shoes --,
May kausap pala siya sa phone. Ang ingay kase napatingin tuloy ako sa kanya at teeeh anlagkit ng tingiiin.. Grabitiii ako'y wag niyang tingnan ng ganyan at gutom na talaga ako baka masunggaban ko siya.. Pero syempre joke lang. kagatin ko noo niyan.
Dumiretso na ako sa may dulo, makapag-cup noodles na lang mga 3. Joke. 1 lang ihuhulog ko na lang sa garapon ko(parang alkansya. improvise nga lang. syempre bakit bibili ka pa alkansya kung pwede naman sa garapon. gastos pa yon) yung sobra haha para sa mga dadating na kpop concerts. Para makita ko yung mga asawa ko. kyaaah~ Pero mamaya na yon magbabayad na muna ako sa counter. Kumuha na rin ako ng isang bar ng chocolate.

Pumila na ako since may dalawa pang nauna sakin sa pila. Kahit nga gusto ko ng sapukin ang dalawang kerengkeng na 'to na pinaguusapan ata si lalaking may poging rubber shoes at kala mo mga bulateng inasinan sa sobrang lalandi huuuu. Lalandi lang ayaw pang umalis sa pila andami dami pang binili nakakabeast mode. gutom na nga yung tao dibaaa! Tao? I mean dyosaaa <3

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tumayo si lalaking may poging rubber shoes. Pumila siya sa likuran ko. Ay ako nga pala yung nasa pinakahuling line alanganang pumila 'to sa harapan ko edi nagka-gangwar dito. subukan lang niya.

Malapit ng matapos yung dalawang kerekeng sa unahan ko ng nakita ng precious eyes ko yung sparkling magazine na nakita ko di kalayuan sa counter. Hindi na ako ng dalawang isip na umalis sa line at kuhanin yon kahit atat na atat na talaga akong kumain grrr. Pag balik ko yung lalaking may poging rubber shoes na ang magbabayad. Pumila na ako sa likod niya kahit labag sa loob ko at parang gusto ko na atang ibato sa kay ate cashier yung mga binili ko kasi antagal kumuha ng pera niya 'tong lalaking 'to.

"Ah sh*t naiwan ko ata wallet ko" sabi ng nagsasalitang rubber shoes.. I mean yung lalaki. --,
Medyo stupid ata siya =,=

"Uy~ Hi hehe" Sabi ng stupid na 'to sakin. Medyo feeling close din siya no?

"Baket? -_-"

"Ah.. haha you see naiwan ko yung walle---"

"Kung iniisip mo na babayaran ko yang binili mo kasi naiwan mo 'kuno' yung wallet mo. Wag kang feeling close koooyaaa. Baka gusto mong ihulog kita sa garapon ko? Wag kang feeling wala tayo sa wattpad. Hindi mo ikakapogi yan. At FYI bakat yung (hehe) wallet mo sa bulsa sa likod ng pants mo :P"

Para naman siyang tuod don na nakatitig lang sakin. since mukhang nagandahan siya sakin, at para siyang tangang nakatulala dyan binayadan ko na yung binili ko at dumiretso na sa malapit na upuan don.

Nilalantakan ko yung pagkain ko ng may umupo sa harapan ng inuupuan ko, diba nga harapan yung upuan dito sa 7/11 --,

"Akala ko ang bait mo." Si lalaking may poging rubber shoes na kunwaring naiwan yung wallet niya na medyo stupid at mukhang type ata ako. haaays iba talaga kamandag mo AE

Tiningnan ko lang siya at sumubo na ulit ako sa noodles ko :3

"Alam mo.. akala ko ikaw yung tipo ng babaeng mahinhin, pademure, pabebe, pa-virgin.."

"WHAT?!" Kinginabels

"..akala ko sobrang bait mo, yung para bang almost perfect. Pero di pala... babaeng dragon ka ata."
Ano bang pinagsasasabi ng lalaking 'to

"Alam mo Mister.. Una sa lahat, maraming namamatay sa maling akala. Pangalawa, Wala akong pakealam sayo at Pangatlo umalis ka sa harapan ko kase naaabala mo ako sa pagkain ko bago ko pa makagat yang noo mo -_-"

"Alam mo Misis---"

"ANONG MISIS?!!"

"Eh tinawag mo kaya akong 'Mister' no"

"Ewan ko sayo. Eto piso humanap ka ng kausap mo." Umalis na ako don since nawalan na akong ganang kumain. Bastusing lalaking yon. Feeling naman niya ang pogi niya grr.

Pasakay na sana ako ng maalala ko yung Sparkling Magazine! Futa hindi maaari!!
Babalikan ko na sana ng may mag-abot sakin

"Mahilig ka pala sa mga koryano. Eh mas Pogi pa ata ako sa mga yan eh. Tss." Yung lalaking bastusin. --,
"Wag kang feeling. Pwet ka lang ng mga 'Oppa' ko :P"

"Ang pogi ko kaya --,"
Ang yabang din ng isang 'to.. pero di rin naman siya sinungaling

"Ha. Ha. Ha. Oh ayan tatlo para masaya.. Pero, tama naman yung sinabi mo eh. Alam mo kase.. (Sinalubong ko yung tingin niya) ANG POGI (Sabay tingin sa rubber shoes niya) NG RUBBER SHOES MO :P"

Stalking the StalkerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon