TWDM: Chap 3

4.3K 135 5
                                    


Johnny

" Dad ano bang... " hindi pa ako nakakaapak sa loob ng bahay may natanggap agad akong malakas na sapak mula kay Dad. bakas sa mukha nito at sa lakas ng sapak nya na gigil na gigil sya. tatayo na sana ako kaso sa kabilang mukha ko naman ang tama ng sapak ni Dad.

" jusko hon tama na yan. nagdudugo na yung labi ni Johnny hinahon naman. Johnny naman kasi bat ba ganyan ka magsalita sa sarili mong ama " mahabang litanya ng asawa ng tatay ko, naiinis ako kapag lagi syang nakikisali sa away namin ni Dad. it reminds me of my Mom kapag pinapagalitan ako ni Dad and it made me even more angry with her dahil gusto ko si Mom lang ang pumipigil kay Dad ayoko ng ibang taong nangingielam sa buhay ko.


" shut up! una sa lahat your not my mom kaya wala kang karapatang pakielaman ako kung paano ko itrato si Dad. " pinunasan ko yung dugong tumutulo saking mga labi,

" your the one who need to shut up here johnny! it's been a 4 years ng mawala si Loisa can you please move on- - " nag init yung dugo ko sa sinabi ni Dad.

" what the fuck Dad! I don't care if it's 4 years 10 years or how long the days years will pass by hinding hindi ko malilimutan si Mom dahil mahal na mahal ko sya. it's because she loves me so much. she even played your role Dad nung wala ka dahil mas inaatupag mo yang business mo! tch it's such a silly thing na I discuss ko pa kung gaano kaganda ang relasyon namin kesa sayo dahil ano nga ba sayo ang pamilya diba wala naman? kaya ikaw " tinuro ko ang asawa ng aking ama " ang malas mo dahil pinatulan mo yung dad ko dahil sa huli he will just throw your relationship when he's bored " at mas malakas na ang natanggap na sapak ko kay Dad dahil hindi lang ako natumba nagdilim din yung paningin ko.

" your such worthless child! sana hindi ka nalang nabuhay sa mundo! " galit na galit na sigaw sakin ni Dad habang dinuduro ako.


" ask everyone if you think your worth it Dad? tch pwe! to be honest sana nga hindi nalang ako sinilang na ikaw ang ama sana iba nalang ang tatay ko ngayon baka sakaling mabait ako at walang ugaling nagmana sayo " at ngumisi ako para lalong asarin si Dad.

" lumayas ka! don't take anything na galing sa pera ko. lahat ng cards mo ay ipapa freeze ko para maghirap ka. at sisiguraduhin kong uuwi ka dito at mag mamakaawa sakin " tumayo ako at inayos ang aking itsura.


" finally Dad! you made a brilliant decision. matagal kunang gustong lumayas sa impyernong lugar nato. and about your last words I'm sorry pero I will prove to you na kaya kong mabuhay ng wala ka, diba nung bata palang ako pinaramdam mo na wala akong ama then hindi na mahirap sakin yun, good bye " naglakad na ako palabas pero naalala kong na sakin pa pala yung susi ng kotse ng Dad ko kaya bumalik ako at hinagis ito sa aquarium. " shoot " naglakad na ako palabas.


------------------------------------------------------


Timmy


"

goodmorning Sean " naglakad na kami papuntang school, medyo malamig ang panahon ngayon nakalimutan ko pa namang dalhin yung jacket ko kaya medyo nanginginig ako habang naglalakad.

" ay oo nga pala Timmy naalala ko, kailangan pala ng parents natin sa next week so may pupunta ba sayo? " oo nga pala may meeting nga pala ang mga parents namin next week, naalala ko si papa never syang nagpupunta sa mga meeting sa school dahil tinatamad ito.

" siguro wala. si papa naman tamad sa mga ganyan kung siguro may mama pa ako malamang sya ang laging pupunta " medyo nakaramdam ako ng lungkot dahil naalala ko nanaman si mama. napapa isip nga ako kung paano kaya kung buhay pa si mama mahirap kaya kami? masarap kaya yung luto ni mama hindi kagaya ng luto ni papa.



" teka nga diba sabi mo sakin nung 7 years old ka palang namatay na yung mama mo sa cancer? eh parang nung dati nakikita ko pa sya kapag pumupunta ako sainyo mukhang wala syang kasakit sakit tas yung mga palantandaan ng may cancer wala sya ni isa nun. tas nung nasa hospital sya bat hindi ka ever pinapunta nung libing din hindi ka pinapunta? " napatingin ako kay Sean mas alam na alam nya yung buong buhay ko.



" syempre bata pa ako nun kaya siguro ayaw ni papa na maapektuhan ako ng husto, teka nga bakit may throwback tara na nga magbebell na " at speaking of bell umalingawngaw na yung malakas na tunog ng bell kaya madali kaming tumakbo ni Sean papunta sa classroom namin,



------------------------------------------------------


Johnny




" pare I'm sorry I know it's late but i really need your help right now? pinalayas ako ni Dad and walang wala ako kailangan ko lang matutuluyan about money, meron naman akong konting naitatago ko dito. talaga? libre yung renta sige itext mo yung address. salamat pare ha oo thank you, okay goodnight thanks again " sa wakas. na receive ko agad yung address at wala akong sinayang na oras at pinuntahan ko agad yun.


--



teka mukhang pamilyar tong lugar na to ah, oo naalala kuna ito yung papunta sa bahay ni uncle kaso mauuna yung tutuluyan ko at sa dulo ng daan yung bahay ni uncle.



madali akong pumasok sa gate at may tatlong maliliit na bahay tinext ako nito akin daw yung gitnang bahay. nag reply ako ng salamat. pumasok ako sa matutuluyan ko medyo strange yung feeling kasi hindi ako sanay sa maliit na kwarto pero mamimili pa ba ako. may kakaunting mga gamit tas may kama na  kailangan ko nalang ay cabinet at mga damit. bukas na bukas din mag eenroll agad ako dun sa school na parang hinahatak ako.



napansin kong may tumatawag sa phone ko pag tingin ko sa caller yung asawa pala ng tatay ko, medyo nawala tuloy ako sa mood



" don't you ever call me again, " binaba ko agad yung tawag nya. binolock ko sya pati nadin si Dad. let's see kung anong mangyayari sakin ngayon wala na ako sa puder ng tatay ko.

The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon