" Sir Johnny " sumalubong sakin si Vincent. isa sya sa pinaka matagal na personal driver ni Dad. anong ginagawa nya dito tas dinala nya pa yung kotse ko dito baka mamaya nyan may makakita pa tas mabuko pa yung pag papanggap ko." tara nga " hinatak ko sya papuntang guard house medyo tago iyon kasi may mga puno na nakaharang dito. " anong ginagawa mo dito atsaka bat dala dala mo yung kotse ko? " tumitingin tingin ako sa paligid kung may nakakakita ba samin pero dahil gilid na gilid ito kaya walang gaanong tumitingin dito.
" ihahatid ko po ikaw sa tinutuluyan mo? don't worry sir hindi naman alam ng Dad mo to ginawa ko lang to dahil sayang naman yung trabaho ko ngayon pa na gusto ng mag drive mag isa ng Dad mo " palinga linga padin ako.
" from now on don't ever go to this school. and wag na wag mo na akong tatawaging Sir oh banggitin sakin si Dad at dapat walang makakaalam na mayaman ako at anak ako ng pamilyang Montes " mahabang pagpapaliwanag ko pero gulong gulo lang si Vincent sa mga pinag sasabi ko. " basta kapag may nag tanong kung kakilala mo ako sabihin mong hindi. ang alam nila dito ay mahirap ako kaya wag na wag ka ng pupunta dito at itrato akong anak ng boss mo osige na aalis na ako " hindi kuna hinintay sumagot si Vincent tumakbo na ako paalis.
------------------------------------------------------
Timmy
dahil hindi kuna maatim yung pambibwiset sakin ni Johnny ay nag walk out na ako sa classroom. pero dahil hindi naman ako papalabasin ay pumunta akong library pumuwesto ako sa dulong parte para makatulog.
mga konting oras pa ay nag bell na din, tumayo na ako at naglakad paalis sa library, ng makalabas ako ay nakita ko si Johnny na may kausap na lalaking may dalang pamilyar na kotse? teka yun yung kotseng muntik na bumangga samin ah!
tumakbo ako papalapit sakto namang tumakbo si Johnny paalis nakita ko yung lalaking kausap nya. lumapit ako dito at sinapak sya laking gulat nya dahil sa ginawa ko,
" lakas ng loob mo mag pakita sa lugar nato, ganti ko yan dahil sa muntikan mong pagsagasa samin " nakatulala lang ito sakin at tila takot na takot. naglakad na ako paalis lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin at bakas sa mukha nila ang pagkabigla dahil sa biglaan kong pananapak.
------------------------------------------------------
Johnny
sobrang daming nangyari ngayong araw at talagang nakakapagod, hinagis ko sa gilid ng kama yung bag ko at nahiga. akala ko boring ang magiging araw ko sa isang public school pero hindi nagkamali yung nararamdaman ko ng unang makita ko yung school nayon.
naalala ko yung mukha ni Timmy, sobrang tumatak sakin yung mga mata nya parehas iyon ng mga mata ni mama na punong puno ng pagmamahal sa bawat tingin palang. kahit kanina inis na inis sya sakin ay nakikita ko sa mata nya na hindi sya nakakapag tanim ng galit. meron pang kaparehas ng mata nya kaso hindi ko na maalala.
" hayyy inaantok ako " dahil tinatamad na ako ay pinatay ko lang yung ilaw at nahiga na, antok na antok talaga ako first time ko kasing pasukan ang buong klase na hindi tumatakas.
BINABASA MO ANG
The Day We've Met (BoyxBoy) [COMPLETED]
Romantizmwhen the day we've met it turns out to be the most precious moment in my life