Note: I decided to continue this story for me to actually improve in writing. Alam kong mahihirapan na naman ako dahil wala itong direksyon hanggang ngayon. He's my killer was already long gone but I realized it's worth the try after all. Sana magustuhan niyo 'to. Mahina ako pagfantasy so please pagtiyagaan nyo na lang. HOHOHO! XD
---
Hindi ko mapigilang mapalingon sa likuran habang papauwi sa amin. I can't think straight sa isipang may napatay ako. Oo, may napatay ako. At kahit balikbaliktarin ko man, isa na akong mamamatay tao. I'm scared of the possibilities. I'm scared of my conscience that sooner it will eat me alive.
Isang himala na lang din siguro na hinayaan nila muna akong makauwi habang sinasagawa pa ang imbestigasyon. I want to admit that it was my fault pero paano ko sisimulan? Paano ang mga tao sa paligid ko? Si Mama at Papa?
Napasabunot na lang ako sa aking ulo at agad na nagising sa malalim na pagiisip ng may rinig akong kaluskos mula sa aking likuran. Is she with me right now? Pinagbabalakan niya na rin ba akong patayin? Oh goodness ghost and their killer instincts. I should avoid watching horror movies. Napabilis tuloy ang lakad ko.
Mas nilakihan ko pa ang hakbang ko ng marinig na parang papalapit nang papalapit ang kaluskos. This is fucking insane! Collect your sanity Geo!
Mas lalong dumidilim ang dinadaanan ko. Wala kong ibang maramdaman kundi takot, takot sa posibilidad na may multo nang nakasunod sa akin. Mas binilisan ko ang lakad para maabot na ang sunod na kanto pero huli na ng may matulis na bagay na nagbabadyang tumusok sa tagiliran ko.
"Holdap 'to. Akin na yang bag mo."
Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na hindi multo ang nakasunod sa akin o dapat multo na lang dahil pagdumiin pa 'tong kutsilyo sa akin ay siguradong magiging multong gala na rin ako.
Nanginginig kong inabot ang bag ko sa holdaper.
"Huwag niyo po akong patayin."
"Holdaper lang ako hindi ako mamamatay tao. Hala takbo na!" Hindi ko na hinintay ang sunod pa nitong signal at talagang tumakbo na ako palayo.
Nakalayo na ako ng tuluyan. Humihingal ako habang sapo ang dibdib ko. Habang nakayuko ay madalawang pares ng paa akong nakita. Sinundan ba ako ng holdaper?
Dahan-dahan akong napaangat ng tingin at parang humiwalay ang kaluluwa ko sa akin.
Shit!
Hindi ko nagawang makapagsalita. Nanigas ang buong katawan ko.
"Ayos ka lang?" nagtataka nitong tanong sa akin. Bumukas ang bibig ko pero walang salitang lumabas doon.
Hindi siya totoo. Imahinasyon mo lang 'yan nasa harapan mo Geo! Pinikit ko ang mata ko at huminga nang malalim. Ngunit isang pagkakamali pala iyon.
Pagdilat ko ay mukha nito na nakalapit sa mukha ko ang bumungad sa akin. Agad akong napatayo at walang sabi-sabing karipas ng takbo.
Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng buhay. Wala akong pinalagpas na stop light at tumakbo lang ako nang tumakbo.
Hindi siya totoo. Hindi siya totoo! Walang multo! Tangina kanina ko pa tinatatak sa isip ko yung bagay na 'yan pero ayaw talagang tangapin ng kakarampot kong utak. Agad kong kinuha ang unan sa tabi ko at tinalukbong 'yon sa mukha ko.
Malinaw sa akin ang itsura ng babae kanina. Hindi siya yung natural na multo na makikita mo sa mga horror movies. Kung anong itsura niya bago siya nalunod ay ganoon ang nakita ko. Maamo ang mukha nito. Maamo pero kakaibang takot ang dala nito sa akin.
Hindi ko talaga alam kung totoo 'yon o hindi. O sadyang binabagabag ako ng konsensya ko at ang imaheng 'yon ang resulat ng lahat. Pero sana nga imahinasyon ko lang. Sana nga hindi 'yon totoo, dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong gagawin niya sa akin.Napabalikwas ako nang bangon ng biglang nagsara ang bintana ng kwarto ko. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid habang mahigpit na hawak ang kumot na nakatalukbong sa akin.
Calm down! You are a man and you are no coward. Walang multo, tanga ka ba? Taong dalawang libo mahigit na ata hindi na uso ang mga aswang at barang kaya hindi na rin uso ang mga multo.
"This all a product of my imaginations. Tama hindi ako natatakot! Lalaki ako!" Dahang-dahan akong tumayo mula sa kama ko at pinihit ang pintuan papalabas ng kwarto.
Walang ibang tao sa bahay kundi ako lang. Nasa ibang bansa ang mga magulang ko dahil may malaking business venture silang inaasikaso. Sanay na naman akong maiwan dito sa bahay.
May ilaw lamang na nangagaling sa kusina. Tinungo ko iyon para kumuha ng tubig. Malamig ang simoy ng hangin dala na rin ng bilog na bilog na buwan sa labas. Nakakakilabot pero Hunyo ngayon kaya't malamig. At ang pagbilog ng buwan ay isang natural na bagay. Sa twilight na lang nageexist ang mga lobo at bampira.
Dumiretso pa ako sa banyo sa baba para umihi. Pinaandar ko ang tubig sa gripo.
Napapikit ako ng umihi at sa pagdilat ko ay may imahe akong nakita sa salamin. Agad akong nadulas at napaupo. Takte! Agad kong inayos ang suot kong short at dahan-dahang tumayo. Sumilip muli sa salamin pero wala na ang imahe.
Isang guni-guni.
Pagtalikod ko ay napunta lahat sa ulo ko ang dugo ko ng harap-harapan siyang nakatayo sa harapan ko. Ang sumunod na nangyari ay nawalan ako ng malay.
Masakit ang ulo ko nang nagmulat ako ng mata. Napatingin ako sa paligid at nasa banyo pa rin ako. Agad hinanap ng mata ko ang babae pero wala ito sa paligid. Totoo bang multo 'yon? Kailangan ko na bang magpakunsulta sa psychiatrist?
Ambang tatayo ako ng bumukas ang shower curtain. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.
"Oh gising ka na pala."
"M-multo..." halos naging bulong na lamang iyon.
"Multo? Nasaan?! Hala takot ako sa multo!" At agad itong lumapit sa akin na ikinatindig ng balahibo ko.
May sapak ba ito sa ulo? Siya ang multo!
"Totoo ka?!" nanghihintakutan kong tanong sa kaniya.
"Of course! Alive and kicking- Ooops patay na pala ako." Ngiting-ngiti pa ito na nakapwesto sa gilid ko habang nakalutang mula sa sahig.
Lord naman!
"Pero 'wag kang matakot sa akin hindi kita sasaktan. Promise!" Nagtaas pa ito ng kamay. "Hindi kita kayang saktan tatagos lang ako."
"So may balak kang saktan ako?!" Pumewsto ito ng nagiisip. Agad akong umatras.
Takte ito na ba ang panahon nang paghihiganti niya? Nakikilala niya ba ako? Gumawa kaya muna ako ng sulat bago ako mamatay.
Ngumiti muli ito. "Hindi ako masamang tao- ay multo pala."
"A... nong pakay mo sa akin?" Ang patayin ako? Ang isumplong ako sa magulang niya at pira-pirasuhin? O parehas?
Lumapit na naman siya sa akin. Hindi na ito nakangiti ngayon at ang mata nito'y puno ng lungkot.
"Sa lahat, ikaw lang ang nakakita sa akin." Namuo ang luha nito sa mata. Hanggang sa umalpas ng tuluyan ang mga butil ng luha.
"Tulungan mo kong magpaalam sa kanila."
Hindi ko alam kung alam niyang ako ang nakapatay sa kaniya. Pero walang mababakas na rekognisyon sa mga mata nito.
Nanikip ang dibdib ko habang nakatingin sa maamo nitong mukha na patuloy na naluha. Sobrang suklam ko sa sarili ko ngayon dahil napatay ko siya. Sana pala hindi ako nagpakagago at umamin na lang sa kasalanan ko. Pero takot ang nangunguna sa akin. Takot sa lahat ng posibilidad na maaaring mangyari.
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at nilapitan siya. Sinubukan ko siyang hawakan ngunit tumagos lamang ang kamay ko.
Patawad.
Nagtapat ang mata naming dalawa.
"Tutulungan kita." At muling sumilay ang ngiti sa labi nito.
BINABASA MO ANG
He's My KILLER
HumorNot an ordinary love story. What will happen when accidentally you killed a person and you don't want to be put in jail so you denied it. Will you ever find peace when that person always follow you but in a different way. Follow the roller coaster s...