III- Not Yet

22 1 0
                                        

Hindi ko alam kung isa't kalahating gago ako at pumayag ako sa kahilingan ng multo. Hindi ko alam kung lutang ako ng mga oras na 'yon at ngayon lamang nainterpret ng utak ko lahat ng nangyari.

Alam kong tamang tulungan ko siya pero ang kapalit naman non ay ang pananatili nito sa tabi ko. Katulad ngayon na nakatutok siya sa telebisyon habang pinipilit hawakan ang popcorn sa lamesa.

Hindi ko na muling ginustong lumapit sa kaniya dahil balik-baliktarin mo man ay multo siya. Multo siya! Kanina paggising ko ay akala ko'y panaginip lang ang lahat kung hindi lang mukha nito ang nasinagan ko pagbukas ko ng mata. Pasalamat siya at hindi siya katulad ng mga multo na nakikita ko sa horror movies. Lalaki ako pero hindi ibig sabihin kaya kong makipagsangunian sa mga multong duguan.

"Bago nga pala magkalimutan, Heloise ang pangalan ko. Ikaw?"

"Geo."

Ngumiti naman ito at tumango-tango. Para siyang bata kung umakto.

"Nagugutom ako." Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Multo ka paanong nagugutom ka?" Lumakad naman ito papalapit sa kinauupuan ko na pitong metro ang layo ng kinalalagyan. Agad naman akong napaatras. "Pwede ba tayong mag-usap na may pagitan?"

"Eh baka hindi mo 'ko marinig." Tumigil siya limang metro ang layo sa akin.

"Bibigyan kita ng cellphone itext mo na lang ako."

"Popcorn nga 'di ko mahawakan cellphone pa kaya?" Bumalik ito sa kinauupuan niya at humalukipkip. Para naman akong nabutan ng tinik na umupo muli sa upuan ko. "Paano mo ako matutulungan kung natatakot ka sa akin?"

"Hindi mo naman ako masisisi dahil multo ka. Tao akong takot sa multo. Mahirap ang hinihiling mo." Tumitig muna ito sa akin bago bumuntunghininga ng malalim.

"Alam ko... sige aalis muna ako babalik na lang ako mamaya." Tumayo ito bago naglakad papunta sa pinto at tumagos na ito papalabas.

Nakaramdam ako bigla ng pagkakonsensya. Tuwing nakikita ko siyang malungkot hindi ko maiwasang maguilty. Tumingin ako sa lamesa at nabaling ang atensyon sa walang bawas na popcorn.

Kanina ay masaya pa ito habang nagpapangap na kumakain. Isang bagay na ninakaw ko sa kaniya.

"Ang tanga ko kasi."

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at dumiretso sa kwarto para maligo at magayos. Lalabas ako ngayon para magpahangin at hanapin siya.

Oo na! Hahanapin ko siya dahil nakokonsensya talaga ako.

Nang makapagayos na ako ay dumiretso na ako para magikot sa subdivision. Sisimulan ko muna rito at kung wala siya ay baka nagpakalayo-layo muna iyon. Saka na ko titigil maghanap.

"Kuya Geo hi po!" Agad ko namang kinawayan ang batang si Melissa. Kapitbahay lang namin sila at mahilig itong maglaro sa park ng subdivision.

"Wala kang ibang kasama?" tanong ko nang nilapitan ko ito. Umiling naman ito sabay turo sa aso nitong shitzu.

"Wala kuya. Pero pauwi na rin po ako."

"O siya sige mag-ingat ka." Tumango naman ito at tumakbo na papalayo sa akin kasama ang aso nito.

Nilibot ko ang mata sa paligid. Mataas na ang araw dahil patanghali na. Nasaan kaya iyon? Ang sabi niya naman ay babalik siya.

"Babalik naman 'yon." Parang kinukumbinsi ko ang sarili ko.

Naglibot pa ako hanggang mapatigil ng makitang may sinasakay sa ambulansya. Lumapit ako sa mga ito. Kilala ko ang mga ito. Umiiyak ang asawa nitong babae habang mahigpit na nakahawak sa stretcher.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 09, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

He's My KILLERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon