Move on na tayo bes? Hindi mo ba alam kung paano? Masyadong pa bang masakit?
Here are the things you should know if you really want to move on.
1. Acceptance
Syempre bes, ito ang kailangan mong gawin unang una kung ayaw mo ng masaktan at umiyak pa.
Di ka ba napapagod magmukmok? Kasi malamang yang mga kaibigan mo pagod na pagod na sa pakikinig sayo. Beh, maawa ka naman sa sarili mo.
Yang puso mo, yang utak mo, yang mata mo pagod na pagod na yan.
Bat di mo na lang kasi tanggapin na tapos na ang lahat sa inyong dalawa? Oo, marami kayong pinagsamahan kaya mahirap makalimot pero habang buhay ka na lang bang ganyan?
Bakit di mo na lang kasi tanggapin na di ka talaga niya minahal? Na kahit anong gawin mo pagpapacute hinding hindi ka niya mapapansin dahil may iba siyang mahal. Di ka naaawa sa sarili mo dahil desperada ka na?
Bakit di mo na lang kasi tanggapin na pinaasa ka niya? Na walang naging kayo pero mahal na mahal mo siya? Di ka ba nagsasawa kakatingin sa timeline niya na baka isang araw may post siya about sayo. Wag ganyan brad. Masakit yan.
Tanggapin mo na lang lahat ng nangyari sayo, it's time to wake up and kill that bitch with your happiness!
Huwag ka ng umasa dyan, hindi na babalik yan. Oo mahal mo, ang tanong dun MAHAL KA BA? MINAHAL KA BA? MAHAL KA PA BA?
2. Let Go
Pag natanggap mo na lahat lahat ng meron sa inyo, NA WALA NA KAYO, NA WALA NA SIYA, NA DI NA SIYA BABALIK, tsaka ka mag let go.
Bitawan mo na bes, wag mo ng pahirapan pa sarili mo.
Burahin mo na lahat ng pictures niya, ng pictures niyong dalawa na magkasama, dyan sa phone mo. BURAHIN MO NA LAHAT. Ano martir ka? Tanga ka na naman? Naging tanga ka na nga susulitin mo pa?
Natanggap mo nga na wala na kayo di ka naman makapag let go. Edi wala rin!
Jusko! BURAHIN MO NA! Wag kang manghinayang. Mas mang hinayang ka sa buhay mong masasayang dahil nanatili ka pa ring stuck sa alaala niyong dalawa.
Burahin mo na lahat. Delete mo mga messages at chat niyo, lahat lahat! HUWAG MO SABIHING BINABASA MO PA RIN YAN GABI GABI!? Hay jusko tanga.
Lakas maka 12:51 ah!
Delete mo lahat ng makakapag paalala sa kanya sayo. Bitawan mo na yan! Binitawan ka na nga eh, kakapit ka pa rin ba? Tama na pagiging idiot bes.
Gawin mo to ha? Help yourself to get up.
Delete mo pictures niyo together, pati number niya na alam ko namang kabisado mo! Haaaaaay. Basta delete mo pa rin. Wag mo siyang iblocked, imute mo lang siya at iunfollow mo.
Remember! If your ex blocks you, you won.
Ganun dapat! Papatalo ka ba? Wag mo ipakitang nasasaktan ka sa break up niyo. Mag pretend ka. Expert tayo sa ganito.
3.) FORGIVENESS
Doing both, acceptance and letting go, you're now on your way to ultimately achieve the taste of MOVED ON!
Malapit na. Konting push na lang!
Malapit na... kulang na lang ang pagpapatawad mo.
It takes time to forgive, but this is the last and the most important in moving on.
Kailangan mong patawarin yung taong nanakit sayo, yang nanloko sayo, yang nagpaasa sayo. Oo mahirap, sobra, pero gusto mong maging masaya ulit diba? Then forgive.
Patawarin mo rin yung sarili mo na pilit mong sinisisi gabi-gabi kung bakit naging ganyan ang kinahantungan ng relasyon niyo. Patawarin mo yung sarili mong sinisisi mo araw-araw kung bakit siya pa ang minahal mo. Tandaan mo wala kang kasalanan, nagmahal ka lang.
If we don't get hurt, we don't love.
Patawarin mo na lahat. Palayain mo na sarili mo.
There's no turning back. Andito ka na eh. Unti-unti mo na ulit nabuibuild up sarili mo, aatras ka pa?
These three, are very significant to free ourselves from bitterness.
Hindi naman basta-basta ang pagmomove-on. Hindi naman yan sugat na pag nilagyan mo ng alcohol mamaya-maya hindi na masakit.
Hindi to basta basta. Dalawang salita nga pero maraming dapat gawin.
Hindi ka naman pinipilit mag move on. Pero deserve mong maging masaya. Dahan dahanin mo lang bes. You all have your time.
Nasayo lahat ng oras mo para maging masaya ulit, wag mong sayangin sa paghahabol dahil tangina hindi ka aso. Tao ka.
Gets mo? Move on na tayo bes!
Next chapter sasabihin ko yung mga bagay na makakatulong sayo.
Okay? Cheer up! Sa pitong bilyon na tao sa buong mundo, yang iniiyakan mo ay hayop.
HAHAHAHAHAHA! Mwaaah! 😘💕
BINABASA MO ANG
Wag Mo Dibdibin Beh! May Likod Ka Pa!
RandomGulong gulo? Walang makausap? Hindi makapag isip ng maayos? Problemado? Bored? Well, basahin mo to, ito ang kasagutan sa katanungan mo. Kung may problema ka, PM mo lang ako.