05 | Bid Me An Adieux

827 27 0
                                    

Chapter Five | Bid Me an Adieux
Ringo Starr Herrera's Point of View


Lumabas kami ni Porn mula sa Coffee shop, he was obviously trying to stay silent. Dapat lang ano. Kun'di patay talaga siya sa akin kung magsasalita pa siya. Sino ba naman ang magkakagusto sa sinabi niya—NO—sinigaw pala.

Buti sana kung binulong niya lang 'yon o ano, but he yelled at me! He yelled! And he made a big mess, kasi as soon as na marinig kami ng mga tao. Pina-alis kami ng Coffee shop dahil sa sobrang ingay naming dalawa. Buti sana dahil sa gabi na, at matagal na kaming nakaupo sa loob pero dahil sa kanina pa kami maingay na dalawa.

Hayss.

I turned to Cedric, he was sad. He put both his hands inside his jacket. Then he was silent, silent which means he's kind of ashamed of himself. Kaya naman hinila ko ang kamay nito palabas ng jacket niya, at hinawakan ko ang mga kamay nito. I know I shouldn't do this to him. Kasi 'di naman niya ako gusto but, I'm just being sympathetic. Ayaw kong nakikitang malungkot ang mga tao sa paligid ko. I hate seeing people in this kind of situation. Mas mabuti pang ako ang maging malungkot kesa sa sila pa ang nagiging malungkot. Ang unfair naman diba?

It's already getting cold, dahil mag-gagabi na rin atsaka madilim na rin naman. Lahat ng mga street lights sa paligid ay nakabukas na. May mga palamuti nang nakasabit sa lahat ng mga stores na makikita mo ngayon.

Hinawakan ko ang malambot na pisnge ni Cedric. Atsaka hinila ito pataas gamit ng dalawang thumbs ko. "Smile." I said. But still, Cedric is frowning. I stared at him for a second.

"I'm sorry Ringo." He mumbled under his breath. Binitawan ko na ang pagkakahawak sa mukha nito. But he held both my hands.

"Ano ka ba Porn," sabi ko sa kaniya, napahawak naman ako ng labi ko. "Lahat lang naman tayo nagpapahiya minsan, 'yon nga lang nasobrahan 'yong satin." Tumawa ako ng mahina.

"Please don't call me Porn." Nahihiyang inutos ni Porn sa akin.

"Anong problema 'don? I don't find it funny nor insulting, pangalan mo naman 'yon."

"I don't know you that much," Porn answered.

"I don't know you too, that much. Para hayaan kang tawanan ang pangalan ko." I retorted. Then Porn sighed. "Oww. Please don't get mad." Sabi ko sa kaniya.

"I'm not mad, 'di naman ako ganiyan ka pikon eh."

"Good." I said. "Happy na okay? At least we had fun." I tried to make this guy happy but still he's frowning.

"Ced-"

"Okay." He faked a smile. Bigla akong napa-bahing.

"Achooooo." Nabigla naman ako nang hinubad nito ang kaniyang jacket at pinasuot sa akin. Tumingin si Porn sa akin.

"Okay ka lang?" I nodded. May naramdaman akong pag-vibrate sa loob ng bulsa ko. Ang cellphone ko pala. Kanina pa pala tumatawag si Kuya. Binasa ko ang text nito sa akin, kanina pa pala niya ako hinahanap.

"Ced, pinapauwi na ako sa bahay eh. Okay lang sayo na mauna na ako?" Excuse ko dito. He just nodded.

Lumapit ako sa kaniya atsaka biglaang hinalikan siya sa pisnge. "Thanks for today. Na-enjoy ko 'yun. Until next time Ced." Ngumiti ako dito atsaka nagsimula nang umalis sa mula sa harap niya.

But I turned around to say something, "That was for the dare." At tinuloy ko na ang paglalakad.

I walked myself home, malapit lang naman ang bahay este condo pala namin dito eh kaya walang problema kapag lalakarin ko lang at sakto namang nakauwi na ako sa bahay around seven p.m. and when I got myself inside the house. Agad akong linapitan ni Kuya.

"Rin, kanina pa kita hinanahap!" He exclaimed.

My forehead creased at his sudden outburst. "Bakit naman?!"

"He's here."

"Sino?"

"And he's going to bring you back to him."

Cedric Gervante's Point of View

I watched Rin as he turn his back and walk away, I raised my hand to bid goodbye and watch him as his shadow fades away. I can still feel his lips into my cheeks. I can't believe he did that.

I started walking home. But I saw my sister's car. So I approached it. Nakita ko naman si ate sa loob ng sasakyan nito, she was wearing a Cheshire cat smile with her. "You've been following us the whole time?" I asked, with mixed emotion. I never thought my sister would be this desperate for me to be in a relationship—more like a—relationshit. Especially to a gay. But don't get me wrong, I'm not a homophobic. I just find this quite peculiar.

She nodded. "So, how was your first date?"

I smiled.

"Incredible."

"Uwi na Cedar."

"Don't call me that." I glared at her.

She started her engine atsaka pumasok na ako sa loob ng sasakyan nito.


© 052416

PORN (boyxboy) -ongoingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon