Ang pag-uusap

919 10 1
                                    

Dumating ang umaga at nagsing ako sa tunog ng cellphone ko.

Tumatawag si Robert.

"Hello?" ang sagot ko.

"Pre gising na. Maaga pala ako umalis dahil may gagawin ako sa opisina. naghanda pala ako ng makakain mo before ka pumasok." sabi ni Robert.

"Salamat ha sobra sobra na talaga" ani ko

"Ok lang yun basta ikaw, nga pala sobra kang nalasing kagabi. Konting hinay hinay lang sa susunod." ang baling sakin ni Robert.

Pagkatpos naming magusap ay bumangon nako at naligo pagkatpos ay kumain na ng almusal. Konti lang ang natatandaan ko sa nangyari kagabi ngunit ang alam ko mayroong binalak na gawin sakin si Richard sa kotse nya. Sabi ko sa sarili ko na hindi ko na iisipin ang bagay na yun.

Pumasok na ko sa opisina at dahil sa unang araw ko na bilang isang tunay na call center agent ay halong takot, saya at kaba ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ako makikpag-usap sa taong hindi ko kilala at malayo sa akin. Itinuro ako ng guwardiya kung saan ang "account" namin. Nakita ko ang mga kasamahan ko sa training na may mga ngit sa mukha nila cyempre ngiti rin ako na kunwari ay hindi ako kinakabahan.

Paglingon ko ay nakita ko si Richard na patungo sa aming grupo na may dalang mga papel.

"Guys here are your accesses for your tools, Jerard take charge on this one. Anyway guys I have another batch of trainees see you on the floor." sabi ni Richard sabay abot sakin mga papel. Bago siya kumabas ay nakita ko na tumingin muna siya sa akin at ngumiti. Nginitian ko nalang din siya kunwari'y wala akong naaalala sa mga nangyari kagabi.

Pinapunta muna kami sa isang kwarto at may mga pumasok na ilang tao na medyo nakapormal. Maangas ang mga dating. isa-isa silang nagpakilala samin. Mga team leader pala sila. Tinawag ang mga pangalan nami at sinabi kung kanino kami mapapabilang na team.

Kay Adrian ako napunta. Semikal at morenong lalake. Medyo maangas ang dating, malaki ang katawan at medyo suplado ang dating. Kinamayan nya ako at isinama sa mga bagong ka-team ko.

Hindi masyadong palasalita si Adrian ang mga ka-team ko ang nagpapakilala sa sarili nila at mga bagay na dapat malaman ko tungkol sa patakaran ng grupo nila.

Naupo nako sa tabi ni Sheryl, sabi ni Adrian yun daw ang top agent nya. Sa loob ng isang linggo eh makikinig muna ako sa mga tawag niya. Tinuro sakin lahat ni Sheryl ang lahat ng dapat malaman ko sa trabahong to.

"Don't worry Je, We're going to help you adjust to this work. Adrian is a helpful TL it's just he's a quiet type of person." ang sabi sakin ni Sheryl.

"I hope so but he is kind of scary." Ang sagot ko.

Natawa lang sa sinabi ko mga kasamahan ko. Matapos ang apat na oras ay sabay-sabay na kaming kumain ng pananghalian. Sa tinatawag nilang pantry kami nagtungo. Medyo nakayuko akong naglalakad dahil kasabay ko si Adrian... medyo may takot parin ako.. Habang kumakain kami ay nagkakatitigan kami ni Adrian tila inuusisa ang bawat galaw ko mula ulo hanggang paa.

Matapos kumain ay niayaya nila akong sumama sa baba ng gusali ng opisina namin at sabay sabay silang nagsindi ng sigarilyo. Niyaya ako ni Sheryl na magyosi, sabi ko hindi ako naninigarilyo.

"Matututo karin nito pagkatapos ng mga ilang buwan mo dito" banat ni Sheryl sabay tawa nilang lahat.

Napansin ko na si Adrian ay nagyoyosi din pero medyo nakahiwalay sa amin. Parang laging may iniisip ng malalim itong taong ito. Naglakas loob akong lapitan si Adrian.

"Sir Adrian, salamat po ha. kahit papano nawala yung kaba ko kanina nang ipakilala mo sakin yung mga ka-team ko." payuko kong sinabi.

"Wala yun Je, dito sa trabaho isipin mo na kami ang pamilya mo. Kung may mga tanong ka wag kang mahiyang magtanong sakin." seryosong sagot sakin ni Adrian.

Tinapik ako ni Adrian sa balikat tila isang senyas na kelangan na naming bumalik dahil tapos na ang lunch break namin.

Dumaan ulit ang mga oras at natapos na ang unang araw ko sa opisina. Palabas nako ng pinto ng tinawag ako ni Adrian.

"Jerard, could you come here for a second"

"Ok Sir" patakbo akong lumapit sa kaniya.

"Make sure you have taken notes from all the calls that you heard earlier and how they handled it. I am not forcing you to be the best but I want your career to improve while you're here on my team."

"Thank you Sir Adrian, I will try my best." medyo pangiti kong sagot

Dumerecho nakong umuwi ngunit sa aking pagbiyahe hindi ko maalis sa isip ko ang mga nangyari sa araw na ito. Habang pababa ako ng MRT tumunog ang cellphone ko.

"Hello? sino to?" ang tanong ko

"Adrian to, nakalimutan mo yung beltbag mo sa table ko. San ka ba? ihatid ko nalang" ang sagot ng nasa kabilang linya.

"Nasa cubao po ako."

"Sige magkita nalang tayo sa may SM sa foodcourt."

Medyo nanibago lang ako kung paano nakipag usap sakin si Adrian. Tila ibang tao ang nakausap ko sa telepono. Ilang minuto din ang lumipas at nagkita na kami ni Adrian sa lugar na sinabi nya at inabot sakin ang beltbag ko. nagpasalamt ako sa kanya.

"Thank you lang? diba sweldo nyo kanina? Ilibre mo nalang ako ng makakain kahit dito nalang sa foodcourt" ang banat ni loko sakin.

Iba talaga ang pakikitungo nya sakin ngayon kung ikukumpara ko kanina sa opisina.

Habang kumakaain kami ay tinanong ko sa kanya kung talagang ganon ba siya sa opisina.

"Kelangan kong magpaka seryoso kapag naka-duty. Kelangan kong maging ehemplo para sa iba." ang sagot niya sa tanong ko.

Medyo naiintindihan ko ang mga binitawan nyang salita sakin. Marahilnga dahil sa isa siyang Team Leader kaya ganun siya. Natatawa lang ako ng palihim sa mga kinikilos niya. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na ako sa kanya dahil hinahanap narin ako ni Robert sa bahay.

"Sige Je, Ingat ka see you nalang tomorrow sa floor. Basta sa tingin ko iba ka sa mga taong na-handle ko. Hindi ko alam kung bakit pero malalaman ko rin balang araw." ang sinabi nya sakin bago siya tumalikod at maglakad palayo.

Biglang gumulo ang isipan ko sa mga sinabi nya. Sa aking paglalakad pa-uwi tila isang misteryo ang gumugulo sa akin. Hindi ko parin maintindihan kung bakit niya sinabi sa kin yon....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 11, 2011 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Callboy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon