Balik Tanaw

1.2K 9 0
                                    

Madami nang nagtanong sakin ung bakit at kelan ako nagsimula maging ganito. Isang lalakeng nagbebenta ng aliw.

Mag-iisang taon na cguro nung una kong sinubukan at makipagsapalaran sa buhay na ganito. Isang kaibigan ang nag-udok sa akin upang subukan ang pagiging kolboy. Kalilipat ko palang ng maynla noong buwan ng Setyembre 2008 dito sa maynila galing akong Pangasinan, Noong una natatakot ang mga magulang ko na makipagsapalaran ako sa maynila dahil una wala ako masyadong kakilala dito at hindi nila matiis na mawalay ako sa piling nila. Kaya malakas loob ko na pumunta ng maynila dahil isa sa mga kababata ko ang nagtatrabaho na dito. Siya ang nagsabi sakin na maganda daw magtrabaho dito at tutulungan nya akong makapasok. Nakatanggap ako ng e-mail galing sa kanya na sabi may hiring daw sa company nila at i-refer nya daw ako pero kelngan ko pumunta ng maynila agad. nang gabi din yong nagusap kami ng pamilya ko at sinabi ko na luluwas ako apra maghanap ng trabaho sa una ayaw nila pero napagdesisyunan din namin na bigyan ako ng pagkakataon paraman lang masubukan ko ang buhay ng mag-isa at magtrabaho sa ibang lugar. 

Pagkalipas ng 2 araw lumuwas na ako ng maynila at sinundo ako ni Robert. Si Robert ang kababata ko. Matagal tagal na ring nanirahan sya dito. Sinundo nya ako sa terminal ng bus sa may cubao. Siyempre bagong salta sa maynila para akong inosenteng bata na palingon-lingon sa lahat ng gusali na natatanaw ko tinitingnan lahat ng sasakyang dumadaan sa harapan namin. Naglibot libot muna kami konti sa isang shopping mall sa cubao at doon na kami naghapunan. Ilang kanato lamang ang nilakad namin at nakarating na kami sa bahay na inuupahan nya. medyo nabigla ako at sinabi "Pre kaw lang nakatira dito? laki ng bahay mo ah." Natawa lang siya sa reaksyon ko na parang alam nya na ang mga mangyayari. 2 ang kwarto ng bahay nya kaya sabi nya na pwede akong mag-stay sa kabilang kwarto at pag nakahanap ako ng trabaho ay pag-uusapan namin ang mga gastos sa bahay. Pumayag naman ako. nagkwentuhan muna kami tungkol sa bayan namin at sa mga taong matagal na rin nyang hindi nakikita at bago kami matulog sinabihan nya na akong magayos ng mga papel at ng susuutin ko kinabukasan dahil isasama nya na ako para maipasok. Sabi ko sa kanya hindi siya mapapahiya sakin "best in english" ata ito sabay batok ng malakas sa akin. pagkatapos naming magkwentuhan nagpahinga na kami at ako pagpasok sa kwarto pilit na pinipikit ang mga mata upang makatulog ngunit punong puno parin ng kaba at saya para sa mga mangyayari sa mga susunod na araw....

Callboy ChroniclesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon