VIII : Behind the Sky

17 0 0
                                    

                Nang makauwi si Margareth sa kanilang bahay ay inabutan niyang nagluluto ang kanyang kapatid. Habang ang kanyang Ina naman ay naghahanda na sa hapagkainan. Ang kanyang Ama naman ay inabutan niyang nagpapahingang nanonood ng TV.

"Oh, buti naman at nakauwi ka na, kamusta ang Klase?" Bungad na tanong ng Ina.

"Okay naman po Momi, medyo madaming Homework." Sagod ni Margareth. Sabay Mano sa kanyang Ina.

"Homework, wala kang maloloko dito.. Gumimik lang kayo nila Clarissa eh." Sumbat naman ng kanyang Kapatid na nagluluto.

"Hay na ko, Umpisa ka na naman Marlon, nag pa-alam naman sakin si Clarissa't kumain daw sila sa labas." Sagot ng kanilang Ina.

"Yaaaaaaaaaan, buti nga. Gusto mo lang makita si Klara eh." Sambit ni Margareth sabay dila nito sa kanyang Kapatid.

"O sige na't magpalit ka na ng damit mo't baka natuyuan ka na ng pawis." Sabi ng kanilang Ina't patuloy na nag-aayos ng mga plato sa hapagkainan.

"Sige po Momi." Sagot ni Margareth at naglakad papunta sa kinaroroonan ng kanyang Ama.

"Goodevening Dad." Nakangiting bati ni Margareth sabay abot ng kamay sa kanyang Amang nanonood ng TV.

"Goodevening Hija, kumain ka na ba?." Tanong ng kanyang Ama.

"Opo, busog pa po ako, kakatapos nga lang po naming kumain nila Klara." Nakangiting sagot ni Margareth sa kanyang Ama.

"Mabuti naman, may kailangan ka ba para sa school nyo?" Nakangiting tanong ng kanyang Ama.

"Nako wala po. Sige po Dad' akyat na muna ako madami pa po akong Homework na tatapusin eh." Sabi ni Margareth at umakyat na sa kanyang Kwarto.

                Pag-akyat ni Margareth ay saktong natapos ng magluto ng ulam ang kanyang Kuya Marlon at inihain ito't nagsimula na ding kumain kasama ang kanyang Ama't Ina.

"Ma, kumain na ba si Maggie?" Tanong ni Marlon habang sila'y kumakain ng kanyang Ina't Ama.

"Oo, kasama nya daw sila Klara kanina eh." Sagot ng kanyang Ina.

"Kamusta na nga pala yung kaibigan na yun ni Maggie, matagal na din simula nung huli kong nakita yun ah." Nakangiting tanong ng Kanyang Ama.

"Nako Fred, dalagang dalaga na ngayon yun. Nung araw eh mga batang naglalaro pa ng mga Barbie nila dito yun. Ngayon akala mo'y Model na." Nakangiting sagot ng kanyang Ina.

"Kaya pala gustong gustong makita ni Marlon eh." Pabirong sabi ni kanyang Ama.

"Dad naman, mas maganda ata si Thea dun no'." Sagot ni Marlon.

"Nako, tigil tigilan mo si Clara, Marlon gusto mong ipabugbog kita kay Thea." Natatawang biro ng kanyang Ina.

                Pagpasok naman ni Margareth sa kanyang kwarto ay agad niyang binaba ang bit-bit na bag at naghubad ng sapatos at medyas. Hindi pa man ito nakakapag-palit ng uniporme ay nahiga na ito agad sa kanyang Kama. Na tila'y pagod na pagod sa dami ng nangyari sa kanya't pinagmamasdan ang Sealing ng kanyang kwarto.

"Haaaay, kapagod.." Buntong hiningang sambit ni Margareth sa kanyang sarili.

                Pagkatapos ng ilang sandal ay bumangon ng muli si Margareth sa kanyang pagkakahiga't at nagpasya ng magpalit ng kanyang damit. Bago ito maghanap ng maisusuot ay binuksan niya na ang kanyang Desktop at inilabas ang kanyang Camera sa loob ng kanyang Bag at saglit na tinignan ang mga litratong kanyang nakunan kanina.

"Ayos sa stolen si Klareng ah." Natatawang sambit ni Margareth sa kanyang sarili ng makita niya ang Stolen Shot niya sa kaibigang si Clarissa kung saan nakunan sa litrato na nakatingin ang Pitong lalaki sa kanyang kaibigan.

Based on a true storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon