II : Savior

41 1 0
                                    

Nang makita ni Clarissa ang kaibigang si Margareth habang nakaupo sa kalsada habang umuulan at pinagtitinginan ng mga tao sa labas at loob ng Bar ay agad itong nagmadaling tumakbo palapit sa kanyang kaibigan. Nang makalapit si Clarissa sa kaibigan ay nagulat ito sa nakita nyang lalaking hawak-hawak ng kanyang kaibigan. Lalaking nakatulala't wala sa sarili, habang nagdudugo ang kanyang labi sa sugat.

"Tulong please."

Ang sabi ng kanyang kaibigan habang nakatingin sa kanya, kitang kita sa mga mata ni Margareth ang lungkot ng titigan ito ng kaibigan. Na ikinagulat naman ng kanyang kaibigang si Clarissa dahil ngayon nya lang nakita itong nag-alala ng husto.

"Please, Clarissa..."

"Ah sorry.."

Ang sagot ni Clarissa habang tinulungan nyang akayin ang lalaking hawak-hawak ni Margareth. Parang Telenovela ang pangyayari, Hindi akalain ni Clarissa na ang kaibigang tatahi-tahimik ay nagawang sumigaw sa harap ng madaming tao.

Akay ng magkaibigan sa magkaibang balikat ang lalaki sa gitna ng kinagabihan ng ulan. Habang ng dalawang magkaibigan ang lalaki biglang napahinto si Margareth at sinabing:

"Saglit, yung mga gamit natin naiwan ko. Hehe.."

Ang natatawang sabi nito sa kaibigan.

"Wait lang klareng ah binitawan ko kasi baka mabasa eh."

"Go, kunin mo na baka may kumuha pa ng mga gamit natin, ako na muna bahala sa kanya."

Ang sagot naman Clarissa.

"Salamat Klareng."

Pangiting sabi ni Margareth at nagmamadaling bumalik sa Entrance ng Bar, kung saan nya iniwan ang kanyang gamit at ng kanyang mga kaibigan. Sa pagtakbo pabalik ni Margareth ay pinagtinginan syang muli ng mga usisero't usisera sa labas ng Bar.

Nang makalapit ay agad nyang kinuha ang Shoulder Bag ng mga kaibigan at kanyang Back Pack. Pagkatapos makuha ang mga bag at napansin nyang nakatingin din sa kanya ang Dalawang Security Guard ng bar ay inambaan nya ito't sumigaw sa harap ng mga taong nakatingin sa kanya..

"ANO?! Papalag?"

Ang sigaw nito't sabay taas ng isang kilay sa dalawang Security Guard na sumuntok sa lalaking kanyang tinulungan.

Pagkasabi ay agad na tumakbo ng mabilis ito papunta sa kanyang kaibigan habang natatawa sa kanyang ginawa at sinabi nito sa sarili "Nanlamig ako sa ginawa mo Margie!!"

Nang maabutan ang kaibigang si Clarissa habang akay-akay ang lalaking tinulungan ay hinawakan nitong agad ang kabilang braso ng lalaki.

"Oh, lagay mo na muna yang mga gamit natin sa kotse."

Ang sabi ni Clarissa.

"Ah sige, wait lang ah."

Ang sagot naman ni Margareth habang tumakbo palapit sa sasakyan ng kaibigang si Christina.

Habang nasa kotse si Christina at naiinip sa pag-aantay ay pinatugtog nito ang kanyang I-POD sa stereo ng kanyang sasakyan, habang ang kaibigan namang si Claudia na nakatulog na sa sasakyan ng kaibigan ay humihilik na.

"Grabe talaga, anlakas mag-aya uminom Sleeping Beauty naman pala."

Ang sabi ni Christina habang nakatingin sa kanyang kaibigang natutulog.

Habang biglang may kumatok sa harapan ng salamin ng sasakyan na ikinagulat ni Christina. Sa pagkakagulat ay hindi nya agad naaninag na ang kaibigang si Margareth.

Based on a true storyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon