Mocha's POV
Wala na ba akong nakalimutan.. roll call..
5 luggages para sa mga damit ko.. Check!
4 luggages para naman sa footwear ko.. Check!
4 boxes for my other stuffs.. Check!
Yan, okay na pala lahat.
"Mio, Chaze.. nagbawas ka ba talaga ng gamit ha..??"
Ano nanaman ba?! Bawas na nga yan eh.. dapat pa nga 7 boxes yung other stuffs ko.. dami ko kayang burloloy at take note lahat yun so important for me.. pinagkasya ko na nga lang lahat sa 4 boxes yung dapat 7 boxes eh.
"Yup! Bawas na yan.. wag na ngang mag-comment.. maririnig nanaman yan ni kuya lagot ka na talaga sa akin Ate Kae."
"Hoy, at ako pa talaga ang lagot sayo..! Umayos ka nga jan..!! Oh, Chazel.. antayin mo na lang si kuya dito.. susunduin ako ni Jace sakanya ako sasabay."
Hmmm.. oh, eh di sya na may sundo.. teka sakanila ko na lang ipapasabay yung mga gamit ko para di na makita ni Kuya Stef.
"Ate, pwede po bang pasabay na lang yun pong mga gamit ko sa inyo ni Kuya Jace..?"
Sana umepekto.. dali na please.. para di na ko tanungin ng tanungin ni Kuya Stef.. pretty please..
"Sus, para namang hindi kita kilala Chaze.. wag mo na ko daanin dyan sa pagpapacute mo.."
"Pretty please Ate Kae.. you know naman si Kuya Stef.. please, mas madaming arguments yun. Please.. sige naman na ate.."
Sabay pulupot ng kamay ko sa braso nya at with matching cuddle pa.. syempre i need some favor.. so be sweet.. hehehe,, demonyita ba.. di naman.. ganito lang talaga kame ni Ate Kae..
"Okay okay, stop! Oo na, oo na.. alis na nga dyan.. umayos ka.. idederecho namen to sa room mo dun okay.. So, go na alis na jan."
(Beep! Beep!)
There's Kuya Jace.. infairness bilis nya ha.. He's my sister's boyfie pala.. super nice nyan ni Kuya Jace kaya boto ako jan for Ate Kae..
"Hi Chaze.. *kaway si Kuya Jace*, Hi hon.. *kiss kay Ate Kae*.."
"Eeewww,, get a room.. uhm, ate here's my things.. thanks..! Kuya Jace, pasabay ng gamit ko ha.. gracias.."
Pumasok na ulit ako ng bahay.. Baka bawiin pa eh. Hahaha.. Teka, maitxt nga si Jeh.. lam ko same school na kame eh.. baka classmates pa kame nyan..
To: Jeh
Babes, today is the day.. puntahan mo ko agad sa bahay ha.. tska gala na tayo agad later..
Hmm.. makikita ko na din ba yung crush kong classmate mo ha??.. What's his name nga?
*send*
Ay teka.. si Jeh is my bestfriend.. hmm,, sya na lang magpapakilala sa sarili nya ha.. basta kasi magkababata kame nyan.. then we fly to Spain for business purposes and we need to come with our parents kaya nagkahiwalay kame. Luckily, pinauwe na kame nila Papa dito sa Philippines at ayun nga same school kame ng papasukan.. zio ko kasi yung may-ari ng school..
(Beep! Beep!)
"Chazey baby..."
Oh, that was Kuya Jace.. wait lang.
"Chazel, alis na kame.. wait for Kuya Stefan ha.. bye!"
Si Ate Kae na yun.. lumabas na ulit ako.. but to my dismay.. nakaalis na sila.. wow ha, kahiya naman sa effort ko. Magbbye na nga ko ng ayos woh..
Wala pa ding reply si bhebest..
Papasok na sana ulit ako sa bahay ng may bumusina ulit.
(Beep! Beep! Beep! Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeepp!!)
The hell..! Sino ba yan..?! Quota na sya sa pagbusina.
The car stopped infront of our gate, then binaba nya yung salamin ng passenger seat.. teka..
Kuya Olrac?? Ginagawa nito dito.. Nagtataka ba kayo bat ako nagulat? Ikaw ba naman sunduin ng crush mo, syempre act shock!.. Prehas pa kame nyan ng fave mini character.. Si shinchan.. kaya mini character.. maliit naman talaga sya diba.. hahaha!!
"Olrac, bakit? Wala dito si Kuya Stefan.."
"Yup, i know.. kaw pinunta ko dito.."
What?! A-ako..?.. P-pero b-bakit?.. Shet, ssstammering ako..
"B-bakit p-po??.. A-aa..."
"Haay, alam ko namang crush mo ko babe.. kaya lang mamaya ka na mag-panic okay..? Stefan asked me to fetch you. Madami pa kasi syang ginagawa.. come, let's go."
A-ano daw..?? Teka, teka, teka.. super crush ko kasi yang Kuya Carlo eh.. weeee.. Babe tawagan namen nyan.. bale, all Kuya Stefan's friends call me babe while Ate Kae's friends call me baby. Kuya Stefan really loves me.. talagang kay Kuya Carlo pa nya ko pinasundo.. Teka Kuya Olrac is Kuya Carlo ha.. binaliktad lang nila yung name nya.. abnoy kasi yang mga tropa ni Kuya.
Habang ako'y tulala pa din.. di ko namalayan na nakalapit na pala sya saken.. at tinititigan mukha ko.. naramdaman ko na lang na may tumutusok na pala sa pisngi ko.
I blinked my eyes twice.. shemay inday.. he's touching my cheek.. I feel na umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.. (* _____ *)
Okay na eh.. heaven na to woh, my crush touching my cheeks.. ang kaso..
"Pffffft! Hahahahahahaha.. Chazel..! Lam mo tara na.. baliw ka nanaman dyan.. dali na. I know magugustuhan mo dun.."
Pagtawanan ba ako.. really Carlo Larrazabal.. is there something funny??
"Yah! Kuya Olrac.. stop fooling around.. alam mo namang ang mga teens eh madaling mag-assume diba.. haist!"
Kainis tong shinchan wanna-be na to.. Tignan mo.. tinawanan nanaman ako.. ang totoo,, funny ba yun?!
"Wait, where are your things..??"
"Nauna na sa akin.." Nilagpasan ko na sya at dumerecho sa front seat door ng kotse nya.
Then pumasok na kame sa loob ng kotse.. syempre soundtrip si Olrac, mahilig yan sa guitars eh. Sakanya nga ko nagpapaturo to improve my guitar skills.. ayun, dedma comatose muna kame sa isa't-isa.. hanggang sa nakatulog ako.. hmm,, mejo malayo pala tong subdivision na to..
Biglang bumigat ang mga mata ko.. napaka-calm kasi ng musics ni Olrac.. yung pampatulog na soundtrip lang..
.............
Hmmmm.. *sniff sniff*... amoy french fries.. bango talaga,, frenchie frenchie fries.. come nearer please.. am i dreaming??.. syempre napagdesisyunan ko ng imulat ang pretty eyes ko.. si frenchiefries na yun oh.. aalma pa ba ko..
Open eyes in..
1
2
3
(OO,) -> (O__O) -> (O_o)
"Hui! Olrac, pinagnanasaan mo ba mukha ko..???Chill chill lang.. may pinaglalaanan pa ko nyan.. tska di porket alam mong crush kita eh you'll take advantage of me.. di ako ganun kapusok.. tska crush pa lang kita Kuya Olrac ha.."
Pambawai ko agad..
Pano ba naman kasi 3.5 inches.. (yes, may .5 pa talaga..) na yung lapit ng mukha nya sa mukha ko..
*tok tok tok* tunog yan ng pagkatok sa car window..
Ginulo na lang nya yung buhok ko at saka ako pinitik sa noo. Segway ka pa jan ha..
"Ouch ha, mananakit ka pa talaga.."
"Di kaya, gigisingin lang kita babe.. oh, then there's Stefan.. baba na.."
"Psh! If i know Olrac.. okay lang yan.. lam mo namang crush kita diba.. ikaw lang si crush.. you don't have to worry.." (* o,) -> (guys kindat yan ha.. mahina ako sa graphics)
Nag-smirk ako.. kala nya sya lang pwedeng mang-asar.. wahehehe, major ko yata yan.
Itinapat na lang nya si frenchie fries sa mukha ko..
Waaahh,, bango bango bango.. i grabbed the paper bag then labas sa pinto..
"Hi Kuya.."
Di ko alam kung badtrip ba si Kuya Stefan o ano eh.. na-posses nanaman ata ng other persona nya.. kaya, nilagpasan ko na lang sya at dederecho na sa loob ng bahay.. i have to unpack my things immediately.. kasi pag nakita talaga yun ni kuya.. goodbye stuffs ako..
habang dumudukot ako sa paper bag puno ng french fries..
*boogsh!*
"........"
"......."
"......."
Oh no! Oh no! Oh no!... Noooooooooooooo! This can't be happening...
****************************************************************************************************************************************************************************************
[ Ano kaya yung boogsh na yun.. hahaha,, game oh.. hulaan nyo.. ]
[ Kilala nyo ba shinchan...?? Haha,, ang cute nya right..?! ]
2nd chappie chap chap.. olryt! Thanks po sa mga nagbabasa, bumabasa at magbabasa pa lang.. sana po subaybayan nyo po tong story ko.. again thanks!
Special thanks to ate pretty ko @teasethisgirl for giving me suggestions and drive to continue writing chapters for BAOA.
Thanks din po kay ate mille @missfacile i know ur busy po ate.. i understand naman po.. thanks for encouraging me to start my own story..
Please po leave comments and vote na din po?.. hehehe (confused pa)
~justMocha~

BINABASA MO ANG
Broken All Over Again
Teen FictionBroken once, broken twice, broken thrice??.. Wow ha, that's too much! Pero, sabi nga nila not all love stories have happy ending. Can Monique Chazel Alejandro have one?.. Well then, let's see.