Chapter 9: Exchange
"uy pst denise" pre-occupied ang isip ko ngayon. Ngayon kasi ay nasa ospital parin si mama. Wala pa akong pambayad sa ospital tsaka hindi pa raw stable ang lagay ni mama pero medyo nagiging mabuti na ang palagay niya tapos kailangan pa ni mama na bumili ng mga gamot niya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Mamaya pwede ng ilabas si mama. Mabuti nga at mabait si Aling Cha, siya muna ang nagbantay kay mama sa ospital.
"Denise yuhooo?!" nilingon ko naman si Wendy na kanina pa ko tinatawag.
"may problema ka ba?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. At ayoko naman na problemahin niya din yung problema ko
"seems like may problema ka nga"
"you can tell me your problem. You can trust me. Kaibigan mo ko at obligasyon ko na tulungan ka" sabi niya. Should I say? Nakakahiya kay Wendy. Ang ayos ng buhay niya tapos bibigyan ko lang ng problema.
"pasensya kana Wendy, nakakahiya eh tsaka ayaw kitang bigyan ng problema"
"No. I think I can handle it. Ano ba yun?" kaibigan ko naman siya at tingin ko dapat sabihin ko rin.
"iniisip ko lang kase si mama. Nasa ospital kase siya ngayon. Hanggang ngayon hindi parin siya okay" tila naman nagbago eskpresyon niya na kanina ay masaya at ngayon naman ay napasimangot.
"ano bang nangyare kay tita? Bat siya naospital?"
"may brain tumor kase si mama. Stage two na" napatulala naman si Wendy don.
"wait. What? May tumor si tita?" tumango-tango ako sa kanya.
"kumusta na si tita ngayon?"
"nasa ospital parin siya" malungkot na sabi ko. Baka naman okay na siya ngayon.
"ganun ba? Gusto ko siyang bisitahin si tita, pwede ko ba siyang mabisita mamaya?"
"Oo naman"
***
Pagkauwi naman galing sa schoolay umuwi na muna ko sa bahay para magbihis. Wala naman kami masyadong ginawa sa school umabsent din yung limang lalake. Ewan ko ba sa kanila. Umuwi rin si Wendy sa kanila ay sa ospital na kami magkikita. Inayos ko yung mga damit niama para makapagbihis din si mama.
Matapos kong ayusin ang lahat ay lumabas nako ng bahay at nilock ko yung pintuan at sumakay nako sa tricycle. Medyo malapit lang naman yung ospital dito sa amin. Bumaba na ko at nagbayad sa tricycle driver. Pumasok nako sa ospital at pinuntahan ko kaagad ang room ni mama.
Dahan-dahan ko binuksan yung pintuan at nadatnan ko si Aling Cha na natutulog sa couch. Mabuti nalang ay mabait si Aling Cha. Magkaibigan talaga ang turing nila sa isa't-isa. Si mama naman ay mahimbing parin na natutulog. Nilapag ko muna sa tabi ng kama ni mama ang dala kong bag na puro damit para pamalit ni mama.
Nagising naman si Aling Cha. "Denise nandyan kana pala" sabi ni Aling Cha.
"Aling Cha kumusta na po si mama?"
"mabuti na ang kalagayan ng mama mo. Nagising siya kanina. Pwede na daw siya nilabas ng ospital kaso wala pa tayong pambayad"
*tok* *tok*
Binuksan ko nan yung pintuan at si Wendy ang bumungad.
"Hi Denise. Kumusta na si tita?" pumasok na si Wendy na may mga dala-dalang plastic bag. "I bought some fruits and veggies para kay tita" ngumiti naman ako sa kanya at inilapag niya muna yung dala niya sa table. "mabuti naman daw si mama. Nagising si mama kanina kaso wala ako dito si Aling Cha kase muna nagbantay kay mama" lumingin naman ako kay Aling Cha.
BINABASA MO ANG
Wizard And Vampire Chronicles
FantasyDalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Nagmamahalan sila pero hindi pwede ang kanilang pagmamahalan. How can they fight for it? Mas pipiliin ba nila ang kapakanan ng marami? O susugal sila? ~~~ Written by: AnonymousAngel_