Comment lang po, vote and share! Thankies :* salamat po sa nagbabasa nito.
Chapter 14: Nice to meet you again
''Ma, sino po ba yung tumulong sa inyo na magpagamot?'' Tumingin naman si Mama sa Giant Teddy Bear na binigay sakin ni Dwight.
''Si Dwight''
''Ibig sabihin ma, matagal na po kayong magkakilala?''
''Ganun na nga'' napabuntong-hininga ako.
''Nung mga nakaraang tatlong taon nakilala ko yung batang 'yon sa palengke, dun din niya ko nakitang nahimatay at siya rin yung naghatid sakin sa ospital. Tapos sinabi rin sakin ni Cha na siya na rin yung magbabayad ng pagamot ko sa tatlong taon na pa-chemo kaya pumayag na ako, hindi ko naman alam kung saan ang kukuha ng panggastos...''
Napahinto si Mama at uminom ng tubig. ''Tapos nung nakaraang taon lumipat tayo dito ng tirahan kaya hindi ko na muli nakita yung batang iyon. Basta isang beses ko lang siya nakita. Hindi ko siya namukhaan kaya hindi ko alam na siya rin pala yung batang nagpagamot sakin makalipas ng ilang taon. Kaya labis na nagpapsalamat talaga ko sa kanya''
Napatango naman ako dun, ang laki pala ng utang na loob namin kay Dwight. Siya lahat ng may kagagawan nun. Kaya pala ang lapit kaagad din ng loob ni mama kay Dwight dahil matagal na silang magkakilala. Pero hindi kaya yung kasal na sinasabi ni Dwight iyon kaya ang sinisingil sakin ni Dwight at 'yun ang ibabayad ko sa kanya?
Third Person's POV
''Anong ginagawa mo rito?'' Humarap siya upang makita ito ng buo.
''Ikaw? Bakit mo sinusundan si Denise? Anong pakay mo ha?'' Nagpamulsa at tinitigan niya ito.
''Binabantayan ko lang siya kaya wala akong balak na masama''
''Di mo na siya kailangan bantayan dahil binabantayan ko siya''
''Sinasabi ko sa'yo lumayo ka sa kanya dahil kilala kita masasama kayo!'' Sumama ang tingin nila sa isa't-isa.
''Pano mo nasabi? Alam mo wala ka talagang alam tungkol sa amin. Kung meron then spill it''
Tila nanigas naman ang babae na kausap niya hindi alam kung sasabihin niya ba o hindi dahil alam wala siyang tiwala rito, ang tingin niya rito ay isang masamang nilalang.
''Ayoko! Masasama kayo! Evil freaks!'' Sigaw ng babae na sobrang lakas, kung sino man ang ibang nilalang na naririto sa lugar na iyon paniguradong bingi na iyon.
Nagkasalubong ang kanyang kilay at muntik na niyang sunggaban ang babae pero mabuti nalang at nakaiwas ito.
"How dare you! Ginagamit mo lang siya!''
''You don't even know my plan. Kaya wag kang makialam. Weak from Griswold'' hahampasin na siya nung babae ng bigla nalang itong nawala sa kanyang harap at napunta sa kanyang likod at lumitaw na bigla sa kanyang harap ang isa pang nilalang.
''Hi Babe, uwi ka na sa bahay di na ko galit'' natatawang saad ng isa pang nilalang na lumitaw sa kanyang harapan at hinawakan nito ang braso ng babae upang pigilan ang paghampas nito sa kanya.
''You jerk! Isa ka pa! I know you magsama kayo ng amo mo. F*cking flirt'' sigaw pa ng babae sa kanya.
''Woah! Watch your words babe'' ngumisi naman ito upang mas lalong maasar ang babae.
"Wag ka ng magpapakita samin, you'll regret it" seryosong saad ng lalake. At parehong naglaho at naiwan ang babaeng nilalang.
Hinding-hindi siya magpapatinag sa mga ito at gagawin ang kanyang tungkulin hangga't sa makakaya nito.
BINABASA MO ANG
Wizard And Vampire Chronicles
FantasyDalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Nagmamahalan sila pero hindi pwede ang kanilang pagmamahalan. How can they fight for it? Mas pipiliin ba nila ang kapakanan ng marami? O susugal sila? ~~~ Written by: AnonymousAngel_