Chapter 15: Say it or die?
Peter's POV
Sinimulan na namin ang planong i-set up sina Dwight at Wendy. Kundi lang talaga malakas sakin 'tong babaeng to.
Tinext ko si Dwight para na magkita kami dito sa resto-bar na malapit samin. Nirentahan ko na ito para sa kanilang dalawa. Lahat ng gastusin para sa set-up na ito ay sinagot ko na.
"Si Wendy asan na? Nakausap mo na ba siya?'' Tanong ko kay Denise.
"Oo. Kanina pa siya nandun sa resto-bar nag-aantay.''
"Good" yun nalang nasabi ko at binalingan ng tingin si Denise.
"Vernon, bantayan mo si Denise. May pupuntahan lang ako." Ipinaubaya ko muna si Denise kay Vernon kailangan ko munang hanapin yung dalawang magkambal na ugok.
"Sige dude" sagot niya. Mabuti nalang at matino si Vernon.
Third person's POV
Nakaupo na si Wendy at mahigit na isang oras na siyang nag-aantay doon sa resto-bar.
"Waiter" tawag niya sa waiter at lumapit ito sa kanya at inabutan siya nito ng basong tubig.
"What's your order ma'am?'' Tanong nito sa kanya ng waiter.
"Later nalang. Inaantay ko pa kasama ko'' tumango naman siya sa waiter.
Habang nag-aantay si Wendy kay Dwight ay may isang lalake na walang pasabing umupo ito sa upuan na nasa harapan ni Wendy.
kumunot naman noo ni Wendy sa inasta nito. "Are you waiting for someone?'' Ngumisi ang lalake.
"Yes and who are you?'' Tinaasan ni Wendy ng kilay ang lalake at tumawa nalang ito.
Parang nakikilala niya ang lalake dahil sa pulang mata nito. Inirapan niya na lamang ito.
"Di na mahalaga 'yon. Isa lang ang masasabi ko sa'yo" napalingon naman si Wendy sa kanya.
"May gusto kang lalake hindi ba? At siya ang inaantay mo" saad nito.
Who the hell is this guy? Sa isip ni Wendy dahil nagtataka dahil parang kilala siya nito.
"So?'' Mataray na sagot nito.
"Kung gusto mo siya, sabihin mo na kagad ang nararamdaman mo sa kanya. Bago ka pa maunahan ng iba." Yun ang huling sinabi ng lalake, tumayo na ito at umalis.
Should i say? Agad-agad? I think tama siya. Madami pa naman nakapaligid sa kanya. Tama sasabihin ko na. Sa isip ni Wendy.
Tumayo si Wendy, nakita niya pa ang lalake 'yon palabas at hinabol niya ito. "Wait!" Pagkabukas ni Wendy ng pinto ay hindi na nahagilap ni Wendy ang lalake.
"Where the heck is he?'' Bulong niya. Bumalik na lamang siya sa kanyang inuupuan.
Sa kabilang banda si Dwight ay nagdadrive patungo sa resto-bar. Ibinaba niya ang phone niya matapos tingnan ang message ni Peter.
Ipinarada niya ang kanyang sasakyan. Nakatingin si Dwight sa malayo at matalim na nakatingin don sa lalake na nasa malayo.Di nalang ito pinansin ni Dwight at pumasok na siya sa loob ng restaurant.
Micah's POV
Nagbabike ako at malakas na naipreno ko ang bike ko ng may humarang na pusa sa harap ko."Meow"
"Naku, muning muntik ka ng masagasaan."
Kausap ko sa pusa at hinimas ang balahibo nito. "Meow"
BINABASA MO ANG
Wizard And Vampire Chronicles
FantasyDalawang nilalang mula sa magkaibang mundo. Nagmamahalan sila pero hindi pwede ang kanilang pagmamahalan. How can they fight for it? Mas pipiliin ba nila ang kapakanan ng marami? O susugal sila? ~~~ Written by: AnonymousAngel_